This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locals, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME!
__________________________________---
Kyle POV
Shesh, mabuti naman at half-day kami ngayon. Pero bakit parang sobrang busy ng mga kasambahay dito? Mukhang may occasion pero nahihiya naman akong magtanong. Baka masungitan pa ako. Hmp! Kaya heto, tahimik na lang ako sa kwarto kasama si Hasmet.
Pero kanina pa siya hindi mapakali, kaya hindi ko na natiis at nilapitan ko siya.
“Hoy, okay ka lang ba?” tanong ko, pero sinulyapan niya lang ako, sabay balik sa iniisip niya. Aba?!
"Woi! Okay ka lang ba, Hasmet? Kanina ka pa hindi mapakali, ano bang nangyayari sa'yo?" Seryoso ako, pero bigla siyang humarap sa akin.
“Kyle, gusto mo bang gumala? O kaya mag-mall tayo?”
Ano?! Akala ko ba seryoso ‘tong taong ‘to? Bakit parang ang sabik maglakwatsa? Kilala ko ‘to, di siya gala.
"Hoy, seryoso ka ba? Anong nangyayari sa'yo, ha?" tanong ko, kunot ang noo.
Huminga siya nang malalim at tumingin sa malayo. “Kyle… dapat hindi niya ako makita.”
“Sino?” Bumigat bigla ang pakiramdam ko.
“Si Franco,” sagot niya, mabigat ang boses. “Narinig ko kay Ma'am Jenna na darating siya. Ayoko siyang makita, Kyle. Siguradong maraming tanong ‘yon sa akin.”
Natigilan ako. Si Franco? Ex niya ba 'yun? Parang hindi ko kaya isipin na ex ni Hasmet si Franco. Teka, baka malaman ni Ma'am Jenna at ng lahat dito? Baka mapalayas kami at baka kung ano pang chika ang umabot sa mga tao. Diyos ko, baka magsinungaling pa siya ng kung ano, tipong ang nanay niya daw may sakit o kaya kung ano pang drama.
Ackkkkkk, nooooooooooooo!
"Wag kang mag-isip ng kung anu-ano," sabi ni Hasmet bigla, kaya napatingin ako sa kanya. “Hindi pa nila tayo kilalang lubusan, at hindi rin nila dapat malaman ang lahat. Kaya kalma lang."
Paano niya nalaman ang iniisip ko? “Eh kung ganun, anong gagawin natin?” tanong ko, halatang nag-aalala.
"Hanap tayo ng tahimik na lugar. Ayoko siyang makita, ayokong bumalik ang mga nakaraan,” sabi niya, ang bigat ng tono ng boses. Halatang masakit pa rin sa kanya ang nangyari noon.
Poor Hasmet. Bihis na sana ako para umalis, pero biglang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan kami ni Hasmet, at siya ang tumayo para buksan iyon. Si Ma'am Jenna ang nandoon, at mukhang masaya siya.
"Hasmet, Kyle, sumunod kayo sa akin, may gusto akong ipakilala sa inyo,” sabi niya, nangingiti pa.
Shit. Parang huminto ang puso ko. “Ah, Ma’am, may pupuntahan kasi kami. Baka mamaya na lang po,” palusot ni Hasmet, nakikiusap ang tono.
Pero mukhang determinado si Ma’am Jenna. “Saglit lang naman. Atsaka may hinanda akong salo-salo, meryenda natin!” Hinila na niya kami bago pa makapagpaliwanag si Hasmet. Hindi na kami makatanggi.
Pinagpapawisan na ako ng malamig dito. “Paano na ‘to, Hasmet?” bulong ko, kabadong-kabado na.
“Sumunod na lang tayo,” sabi niya, tila nawalan na ng lakas ng loob. Nauna siyang lumakad pababa ng hagdan, at sumunod na lang ako. Nakita namin si Ma’am Jenna na nakangiti at nag-aantay sa baba.
Pagdating namin sa dining hall, ngumiti siya sa amin at sumigaw, “Franco, anak, ito na sila.”
At doon ko nakita si Franco. Nakatitig siya kay Hasmet, nanlaki ang mga mata niya, at parang hindi makapaniwala. Kitang-kita sa mata niyang parang naiiyak siya. Ang guwapo niya pa rin, mas matured tingnan ngayon. Tumayo siya bigla, halatang hindi komportable.
“Ah, Mom, may tumawag pala sa akin. Lalabas lang ako sandali,” sabi niya, pero habang sinasabi iyon, nakatingin siya kay Hasmet. Tumalikod siya agad at dali-daling lumabas ng dining hall.
Nagkatinginan kaming lahat. Ang awkward.
“Umupo na kayo diyan, kumain muna tayo. Babalik din siya, at ipakikilala ko kayo sa kanya,” sabi ni Ma’am Jenna, nakangiti pa rin, kahit parang medyo puzzled din sa nangyari.
"Ah, Ma'am Jenna, nakalimutan ko pala phone ko sa kotse ni Manong Kanor. Aalis muna ako sandali," mabilis na palusot ni Hasmet, at dali-dali rin siyang tumayo at umalis.
Naiwan kami sa dining table, nagtataka si Daniel. Bumaling siya sa akin, "Ang weird ni Kuya at ni Arabo Boy, ah."
“Ha? Sino yang tinatawag mong Arabo?” tanong ni Sir, naguguluhan.
“Si Hasmet, Dad,” sagot ni Daniel.
“Eh bakit Arabo ang tawag mo sa kanya?” tanong ni Ma’am Jenna, parang nagtataka rin.
“E kasi naman, Mom, ang weird ng pangalan niya!” sabi ni Daniel, may halong pag-aalinlangan pa.
"Naku, Daniel, mga pauso mo na naman," sabi ko, di mapigilang matawa sa inis niya.
Tinignan niya ako ng masama. "Tumigil ka nga diyan, Donald Duck!"
“Ano? Donald Duck? Kung ako Donald Duck, ikaw naman si Squidward! Bagay nga sa’yo, parati kang mainit ang ulo!” Hindi ako magpapatalo dito.
“Anak ng–”
“Daniel!” biglang singit ni Ma’am Jenna, “Ganyan ba kita pinalaki? Tumigil ka nga diyan!”
Deserve! Napatahimik ang gago. AHAHAHAHAHAHAHAHA!
---
Franco POV
Pagkalabas ko, dumiretso ako sa parking area. Pumasok ako sa kotse at doon ko na binuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Pakiramdam ko para akong nagiging bata tuwing nandiyan siya. Damn, Hasmet. Gusto ko sana siyang yakapin at sabihing ang tagal kong hinintay na magkita kami ulit. Pero… paano ko sasabihin sa kanila na ang ex ko ay katulad ko rin ng kasarian?
Habang iniisip ko iyon, may kumatok sa bintana ng kotse ko. Nakita ko siya. Agad kong inayos ang sarili at pinunasan ang mga luha bago binaba ang bintana.
"Get inside. We need to talk," sabi ko, malamig ang boses at hindi siya tinitingnan.
Tahimik siyang sumunod at umupo sa passenger seat, nakayuko.
"Why are you here?" tanong ko, hindi ko itinatago ang galit at pagkalito sa boses ko.
"Pumasok bilang katulong," diretso niyang sagot, walang pag-aalinlangan.
Nilingon ko siya, pilit na hinahanap ang sagot sa mga mata niya. "Bakit mo ginawa 'yun?"
Napa-buntong hininga siya. “Dahil kailangan ko ng pera… pang-aral.”
“Akala ko ba nag-graduate ka na bilang architect?” tanong ko, nararamdaman ang tensyon sa loob ng sasakyan.
Natigilan siya at huminga nang malalim. “Tumigil ako sa pag-aaral. Bumalik ako ng high school.” Ang lungkot sa boses niya, halatang may mabigat na dahilan.
“What?” Hindi ako makapaniwala. “Bakit? Bakit mo ginawa ‘yun? Bakit mo ako iniwan nang walang dahilan? Ano bang nangyari?”
Tahimik lang siya, hindi sumasagot, hanggang sa napapikit siya at napa-buntong hininga ulit. Tila ang dami niyang gustong sabihin, pero hindi niya magawa.
Tss.
"Look at me," sabi ko, pilit pinipigilan ang emosyon. “Gusto ko ng sagot, Hasmet. Sawa na akong maghintay. Sawa na akong magtanong sa sarili ko.”
Tahimik siyang nakatingin sa akin, pero nakikita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Nang sa wakas ay nagsalita siya, mahina at puno ng sakit ang boses niya.
"Franco… I never wanted to hurt you. Pero kailangan kong gawin 'yun. Alam kong hindi mo maintindihan, pero… hindi ko kaya."
"Bakit, Hasmet? Ano bang nangyari? Alam mo bang halos mamatay ako sa kakaisip kung saan ako nagkulang?" Nararamdaman ko ang luha sa mga mata ko, pero hindi ko na ito pinigilan. “Bakit mo ako iniwan nang walang kahit anong paliwanag?”
Napayuko siya at halatang hirap magsalita. “Franco, mahirap ipaliwanag… Pero kailangan kong gawin ‘yun...
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Love In Another Heart S1(Bxb)
RomanceI can't stop thinking about him, and it's consuming me. Every time I try to push him out of my mind, my heart refuses to let go. I wonder: Is this love, or just a deep, impossible crush that won't fade? He's already in love with someone else, someon...