This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locals, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME!
__________________________________Hazel's POV
Habang nagbabasa ako ng notes sa desk ko, biglang tumunog ang phone ko. Napakunot-noo ako nang makita ko ang nag-send ng message—si Daniel. Lalo akong napatigil nang mabasa ko ang mga salita niya.
Daniel: "You're gonna pay for this... you stole my girlfriend!"
Kasunod ng text, may attachment na photo. Kinabahan ako, kaya agad kong tinignan yung picture. Halos mapahinto ako sa nakita ko. Paano nalaman ni Daniel? Sino ang nagsumbong? Diba anniversary picture namin ito ni Rose?
Maya-maya lang, pumasok si Rose sa room. Kita ko sa mata niya ang pag-aalala, ang lungkot. Siguro pinadalhan rin siya ni Daniel ng larawan.
"Anong gagawin natin, hubby?" tanong niya, boses na puno ng takot. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.
"Shh, don't cry," sabi ko habang hinihimas ang buhok niya. "Haharapin natin 'to. Kahit ano pa ang mangyari." She's my wife,. Bata pa ako, oo, pero mahal ko ang pamilya ko higit pa sa kahit ano. Kahit ano ang ibato sa amin, tatayo kami ni Rose para sa anak namin. Kaya kong panindigan 'to, kahit pa galit na galit si Daniel.
---
Angela's POV
Dito muna ako sa labas ng campus. Ayokong magkagulo lalo si Daniel at Hazel kapag nakita nila ang isa't isa. May kailangan akong ayusin, kailangan kong makausap si Daniel. Pero kahit anong text at tawag ko sa kanya, walang sagot. Pati si Ken, hindi rin ako pinapansin—kahit nakasalubong ko siya sa hallway kanina, parang wala lang ako sa paningin niya.
Nakakakaba. Alam na kaya nila ang totoo? Baka ikalat na rin nila ito sa buong campus. Pero pagpasok ko sa school, parang normal lang ang lahat. Tuloy ang usapan, ang tawanan ng mga estudyante, walang senyales na may alam sila.
Sumilip ako sa room ni Daniel, pero wala siya doon. Napansin ko si Ken, nakatingin sa bintana nang seryoso. Hindi ko pa siya nakitang ganyan dati, parang may iniisip na malalim. Umalis na lang ako sa tapat ng room nila at nagpatuloy sa paglalakad.
Bigla akong may humarang sa daan.
Here comes trouble.
Nakangisi si Almeerah, kasama ang dalawa niyang "alipores." Parang clown kung ngumiti.
"Isn't it fun? Haha!" sabay tawa niya, kasabay ang dalawang kasama niya.
Tiningnan ko siya nang diretso sa mata. "Ikaw ba ang nagpadala ng mga larawan kay Daniel?" tanong ko, pinipilit maging kalmado kahit gusto ko nang sapakin ang bruha.
Ngumisi lang siya nang mas malaki. "Are you dumb? Obviously, it was me!" sarcastic niyang sabi, tapos nagtawanan na naman sila.
"Why did you do that?" halos pabulong kong tanong. Parang sumabog ang utak ko sa galit at kaba.
Napangisi siya ulit, nakatingin sa akin na parang napakatanga ko.
"Let me be direct. I don't care if I date Daniel or not. I was just using you. And you? You're so naive you fell right into my little game. Ang mahalaga, malaman niya ang totoo. Dahil wala namang lihim na hindi nabubunyag. HAHAHA!" sabay alis niya, pero huminto siya sandali at ngumiti sa akin. "Good luck, girl..."
Nanatili akong tahimik, tinanggap ang lahat ng pang-aasar niya kahit gusto ko siyang balikan. Walang tumatakbo sa isip ko kundi si Daniel. Kailangan ko siyang makausap.
---
Pagbalik ko sa room, napatingin si Gwendolyn sa akin, takang-taka.
"Ba't ang tagal mo sa labas? Sabi mo iihi ka lang, pero isang oras ka nang wala! Hinahanap ka ni Sir kanina!"
Napamura ako sa isip. Nakalimutan ko tuloy na may excuse ako sa prof namin.
"Ah, ano kasi... Kumain kami ni babe sa canteen. Nag-skip ako ng breakfast kanina," palusot ko, pilit na ngumiti. Mukhang naniwala naman siya.
Hanggang sa natapos ang klase at lunch break na. Magkasabay kaming lumabas ni Gwendolyn, pero bago pa kami makalayo sa building, may narinig kaming nagtatakbuhan na mga estudyante papunta sa field.
"Anong meron?" tanong ni Gwendolyn, pero kinibit-balikat ko lang siya.
"Siguro may street food sa labas? Tara na lang," sabi ko, tinangkang ibahin ang usapan.
Ngunit nang dumaan ang isang estudyante, tinanong ko siya. "Anong meron sa field? Ba't parang nagtatakbuhan kayong lahat?"
Tumingin siya sa akin na parang nagtataka. "Boyfriend mo, di mo alam ang nangyayari? Puntahan mo sa field. Nagkakasuntukan si Daniel!"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi kaya...
Tumakbo ako papunta sa field, iniwan si Gwendolyn na tinatawag ako. Nang makarating ako, ang daming estudyante sa paligid, pinapanood lang ang nagaganap na gulo. Nang makalapit ako sa gitna, halos maiyak ako sa nakita. Si Hazel at Daniel, nagsusuntukan! Pasa-pasa na si Hazel, at pati si Daniel, duguan din. Pero tuloy pa rin silang nagpapalitan ng suntok.
"Pakiusap, tama na!" Sinubukan kong pumasok sa gitna, pero natakot ako na baka ako naman ang masuntok. "Ano ba, tigilan niyo na 'to!"
"Umalis ka diyan, WIFE!" sigaw ni hazel, habang tinutulak ako papalayo.
Bigla akong nakarinig ng bulungan sa paligid.
"Wife daw..."
"Ay nako, malandi talaga yang si Angela Rose."
"Kawawa naman si Daniel. Niloko lang pala."
"Ang gwapo sana ni Hazel, pero mang-aagaw."
Parang napuno ng bulong ang paligid, pero wala ni isa sa kanila ang umawat. Lahat sila, abala lang sa panonood. Nasaan na ba ang mga guro? Kainis!
"Tama na, Daniel!" sigaw ko ulit, pero parang wala siyang naririnig. Sa sobrang galit niya, sinigawan pa niya ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Seryosong-seryoso, parang hindi ko na siya kilala.
"Huwag mo siyang sigawan!" singit ni Hazel, biglang pumagitna sa amin ni Daniel.
"Makinig ka naman, Daniel! Hindi mo alam ang buong kuwento!" sabi ni Hazel, sinubukan siyang awatin.
"Oh really? Then enlighten me!" singhal ni Daniel.
"You have no idea! Sana kinausap mo kami nang maayos, pero sinugod mo lang ako dito para magsuntukan?" sagot ni Hazel, hinang-hina na rin.
Daniel sneered. "Are you afraid na malaman ng lahat ang totoo? Ha? Ganyan kayo ka-takot? Mga ahas!"
Nag-aakmang susuntok si Daniel, pero agad ding dumating ang guard at ilang guro para awatin sila.
"Enough! Stop this nonsense!" hiyaw ng principal namin. "Lahat kayo, sumama sa amin sa Dean's office. NOW!"
Umurong ang mga estudyante, nagbigay daan para makalabas kami. Habang naglalakad, halos maiyak ako sa takot at hiya. Kasabay kong narinig ang bulungan at pag-aakusa ng mga tao sa paligid.
---
TO BE CONTINUE....
BINABASA MO ANG
Love In Another Heart S1(Bxb)
RomanceI can't stop thinking about him, and it's consuming me. Every time I try to push him out of my mind, my heart refuses to let go. I wonder: Is this love, or just a deep, impossible crush that won't fade? He's already in love with someone else, someon...