CHAPTER 3

45 9 2
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locals, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME!

__________________________________

Daniel pov

Pagkatapos ng klase, agad kaming pumunta ng tropa sa cafeteria para mag-snack, kasi break time na. Habang nag-oorder, di maiwasan ang mga kilig at bulungan sa grupo. Napangiti ako, kaya nagtext ako agad kay Rose, girlfriend ko, para ipaalam na nandito na kami.

Ilang sandali lang, dumating na siya.

"Hi, Rose," bati ni Ken habang nakangiti.

"Hello din, Ken... Hazel! Aba, lalo kayong gumuguwapo, ah! Pero syempre, mas gwapo si Daniel sa inyo," biro ni Rose na may kasamang tawa.

"Aba, aba, syempre mas pogi ako sa boyfriend mo!" yabang ni Ken, na agad naman naming pinagtawanan kasi alam naming competitive siya.

"Gutom ka na ba, babe?" tanong ko kay Rose habang inaabot ang inorder niyang burger.

"Oo, babe. First day pa lang, may essay agad na assignment!" reklamo niya habang nag-aabang sa burger.

Ang cute niya pag nagrereklamo, naisip ko. Di ko mapigilang mapangiti.

"Ganun ba, Rose? HUMSS nga pala strand mo, diba?" tanong ni Ken habang naglalagay ng ketchup sa fries.

"Oo, nag-HUMSS ako. Ayoko na kasi sa STEM... gusto ko maging teacher someday, major in Filipino." Sabay kagat siya sa burger at tinapunan ng tingin si Ken.

"E ikaw, Ken? Engineering, diba?" dagdag niya.

"Oo, pangarap kong maging engineer, kung papalarin!" Natatawa siya sa sariling biro.

Napatingin naman si Rose kay Hazel. "Ikaw, Hazel? Anong kukunin mong course sa college?"

Napahinto si Hazel at sandaling nag-isip bago sumagot, "Ah, ... gusto ko mag-take ng nursing."

Nursing? Napaisip ako. pang bading diba yun?. Nasanay na rin kasi kaming tahimik si Hazel, kaya okay lang.

Nagpatuloy kami sa masayang kwentuhan habang kumakain. After ng break, hinatid ko si Rose sa room niya bago kami bumalik sa klase. Pagpasok namin sa classroom, sakto, nandiyan na si Sir at nagsimula na agad ang lecture. Di ko maiwasang mapangiti habang inaalala ko ang mga kwentuhan namin kanina.

Dumating ang oras ng uwian, kaya sinimulan kong ayusin ang mga gamit ko. Sinamahan ko si Hazel sa paglabas nang bigla kaming tinawag ng pinsan ko na si Sebastian.

"Oh, salamat, Daniel!" iniabot niya sa akin ang calculator ko.

Tumango lang ako. Di ko siya masyadong close, pero okay na rin, kailangan ko talaga ang calculator na 'yon. Pumunta kami sa parking area at nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko.

"Mga pre, una na ako. Kita-kits bukas," sabi ko sa kanila.

"Okay, pre. Una na rin ako," sagot ni Hazel bago siya pumasok sa kotse nila.

Nagtext ako kay Rose na pauwi na ako, siyempre may kasamang "I love you." Pagkatapos, sinimulan ko na ang pagmamaneho pauwi sa mansion namin. Hindi sa pagmamayabang, pero mayaman kami. Ang mga magulang ko ang may-ari ng eskuwelahan na pinapasukan ko. May mga trabaho rin sila at sobrang busy sa negosyo, kaya madalas late na sila umuuwi.

Finally, nakauwi rin ako. Pagbukas ng malaking gate namin, ipinasok ko ang kotse sa garahe at pumunta sa loob ng bahay.

"Mom, I'm here!" sigaw ko habang hinahanap siya. Naramdaman kong uhaw na uhaw ako, kaya diretso akong pumunta sa kitchen para uminom.

Pero nagulat ako sa nakita ko.

Isang lalaki na hindi ko kilala ang nakatayo roon, hawak ang pitsel at baso, nakatitig sa akin.

"Sino ka?" tanong ko, medyo nagtataka.

---

To be continued...

?"
































To be continue...

Love In Another Heart S1(Bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon