This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locals, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME
__________________________________Daniel pov
So ayun, kwinento ko na sa kanila kung paano naging mga katulong sina Hasmet at Kyle sa amin, at kung paano ko sila tinatrato. Syempre, binawasan ko ng drama at iniwasang magmukhang spoiled.
"Sh*t bro, hindi ako makapaniwala! May classmate tayong katulong mo?!" sabi ni Ken, halos mapahagalpak sa tawa.
"Wala, hindi ko naman sasabihin sa iba na nakatira sila sa bahay namin," sagot ko sabay subo ng spaghetti.
Napansin ko naman si Hazel, nakatitig nang seryoso. "Seryoso ka ba diyan?"
"Wala naman akong plano. Basta secret lang natin 'to, okay?" sabi ko habang ngumunguya.
Pagkatapos ay ngumiti bigla si Ken. "May sasabihin rin pala ako sa inyo," biglang kwento niya na parang biglang nahihiya.
Nagkatinginan kami ni Hazel, halatang curious. "Actually, ako yung dahilan kaya naligaw yung dalawa kanina at nalate sila," sabay halakhak ni Ken, tila proud pa.
"What? Bakit mo ginawa 'yon?" sabi ni Hazel, kita ang gulat at pagtatanong sa mukha niya. Ako? Napangisi na lang. Baka naman gusto lang nitong takutin sina Hasmet at Kyle.
"Basta! May encounter kasi ako kanina kay Donald Duck," bulong ni Ken.
"Donald Duck? Sino naman 'yun?" tanong ni Hazel, napakunot-noo na rin sa tawag ni Kyle.
"Si Kyle 'yon-yung blondee nating bagong classmate," sagot ko. Ano na naman 'tong kalokohan ni Ken?
"Yun nga," kwento ni Ken habang kinakagat ang straw ng Coke, "kaninang umaga, habang umiidlip ako sa bench, pagdilat ko, mukha niya ang bumungad, as in close-up! Sinigawan ko siya, tapos nagkapikunan kami. Kaya nung tanungin nila kung nasaan yung senior high department, tinuro ko 'yung maling daan. Guess kung saan ko sila pinapunta?" Umayos siya ng upo, mukhang masaya sa nagawa niya. "Sa Hell Building!"
"Ha? Baliw ka ba?!" sabay na sabi ni Hazel at ako, pero napatawa na rin kami.
"Pasalamat sila nakalabas sila nang buhay!" tumatawang sabi ni Kyle, tila walang pagsisisi. Nagkatinginan kaming tatlo bago sabay-sabay natawa.
---
Matapos ang kwentuhan at tawanan, naglakad kami papunta sa susunod na klase, pero parang distracted ako. Wala pa ring text mula kay Rose. Medyo weird kasi hindi siya nagpaparamdam. Baka nga may tinatago na 'to.
Pagdating sa room, umupo kami sa usual na puwesto namin. Hindi ko maiwasang mapansin sina Hasmet at Kyle na natatawa sa likod. Si Hasmet, seryoso at may hawak na libro. Si Ken naman, siya yung pinaka-maingay-tawa nang tawa na parang walang bukas. Nang dumating si Sir, tahimik na ulit ang lahat, pero sa totoo lang, isa itong klase na inaantok ako: Philippine Politics and Government. Pag-upo ko, napansin kong lumilipad ang isip ko.
"Daniel, are you listening?" tawag ni Sir. Bigla akong napalingon sa kanya, ramdam ang awkward na mga titig ng mga kaklase ko.
"A, eh-opo, Sir!" pero alam kong halata sa mukha ko na wala ako sa focus.
"Okay, explain the roles and powers of the Philippine president," tanong ni Sir, seryoso ang tingin sa akin. Patay na.
Hindi ko talaga alam, kaya napakamot ako sa batok. "I... I don't know, Sir," sagot ko, napapangiti sa hiya. Narinig kong may mahinang nagtatawanan sa paligid ko.
Seryosong tumingin sa klase si Sir. "Sino ang puwedeng tumulong kay Daniel? Kung walang makasagot, hindi siya uupo," sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin. Ayos, papahiya talaga ako dito.
Biglang may tumawag mula sa likod. "Sir..." sabi ng pamilyar na boses, at lumingon ako. Si Hasmet pala. Taas-kamay na rin siya, mukhang handang sumagot.
"Yes, ikaw, you're one of the new students, right?" sabi ni Sir habang sinusuri si Hasmet. "Go ahead and explain the roles and powers of the Philippine president."
Tumayo si Hasmet at humarap kay Sir, pero bago pa siya sumagot, tinapunan niya ako ng tingin na parang sinasabi, kaya mo 'to. Sabay ngiti.
"Uhmm... The President of the Philippines is the head of state and government of the country. The role of the President is defined in the 1987 Philippine Constitution, which outlines the powers, duties, and responsibilities of the President," panimula niya. "The President has both executive and legislative powers, and is responsible for implementing laws and policies, as well as proposing new legislation to Congress. Some of the powers and responsibilities of the President include Executive power, Legislative power, Diplomatic power, and Budgetary power," mahaba niyang paliwanag.
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko, at kahit ako, napahanga sa kanya. Akala ko tahimik lang siya, pero may ibubuga pala itong Arabo boy.
"Fascinating," sabi ni Sir, mukhang impressed. "Baguhan ka lang dito, pero napahanga mo kami. Good job!" Bumaling siya sa akin. "Kaya ikaw, Daniel, makinig ka nang mabuti dahil may mga classmates ka na na kayang sumabay sayo," dagdag pa ni Sir bago itinuloy ang lecture.
---
Nang mag-lunch break, nagpunta kami sa cafeteria. Habang naglalakad kami papasok, nag-ring ang phone ko. Akala ko si Rose na, pero si Mom pala.
"Guys, una na kayo sa loob. Tumawag kasi si Mom," sabi ko. Tumango sina Hazel at Kyle bago pumasok, at lumipat naman ako sa hindi maingay na lugar bago sinagot ang tawag ni Mom.
"Hello, Mom?"
"Daniel, pumunta ka sa airport mamayang ala-una. Magpapasundo ang kuya mo."
"Ha? Ngayon na ba ang dating niya?Akala ko ba next month pa? Pero may klase pa ako, Mom."
"Sabi ng dean, half-day lang kayo kasi may meeting ang mga teachers ng senior high. Uuwi kayong maaga," sabi niya.
Natuwa ako bigla. Excited akong makita si Kuya!
"Sige po, Mom, susunduin ko siya," sagot ko bago nagpaalam.
---
To be continued...

BINABASA MO ANG
Love In Another Heart S1(Bxb)
RomansaI can't stop thinking about him, and it's consuming me. Every time I try to push him out of my mind, my heart refuses to let go. I wonder: Is this love, or just a deep, impossible crush that won't fade? He's already in love with someone else, someon...