This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locals, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME!
__________________________________
Angela rose pov
Kanina pa ako paikot-ikot sa kama, hindi pa rin ako dalawin ng antok. Nakatingin lang ako sa kisame, sinisikap patahimikin ang isip ko, pero kahit anong pilit, hindi ko maalis ang mga gumugulo sa isip ko. Sa huli, kinuha ko na lang ang mga notes ko, nagbabakasakaling makatulong ang pagbabasa para mapagod ako o kaya’y makatulong kung sakaling magpatawag ng recitation si Ma’am bukas. Habang binubuklat ko ang mga pahina, naramdaman ko ang uhaw. Kaya bumaba ako sa kusina, binuksan ang fridge, at uminom ng malamig na gatas, diretso sa bote.
Pagbalik ko sa kwarto, bumalik ako sa mga notes, pero kahit anong pilit ng mata ko sa mga letra, ang isip ko ay lumilipad sa kung saan-saan. Muli akong napatingin sa cellphone ko, umaasa na makita ang notification na may text mula kay Daniel. Nakasanayan na namin yung simpleng goodnight text—parang automatic na siya sa amin. Pero ngayong gabi, tahimik ang screen ko. Walang message, walang kahit ano.
“Maybe he’s in the shower,” sabi ko sa sarili ko, sinusubukang pakalmahin ang kutob ko habang tinitingnan ang oras sa cellphone. 9 PM pa lang naman, bulong ko, nagpapaalala sa sarili. Alam ko naman kasi yung routine ni Daniel—hindi siya nakakatulog nang hindi naliligo bago humiga. Siguro ay nasa ganong part pa lang siya ng nightly ritual niya.
Makalipas ang ilang minuto, napagod na rin ako sa pagbabasa. Tinupi ko ang mga notebooks at inilagay na sa bag. Hindi pa rin ako matahimik kaya’t nagdesisyon akong pumunta sa balcony, baka sakaling ang malamig na hangin ang magpakalma ng isip ko. Niyakap ako ng tahimik at malamig na hangin ng gabi, na parang pinipilit alisin ang bigat ng iniisip ko.
Habang nakapikit ako, ninanamnam ang simoy ng hangin, naramdaman ko ang pamilyar na mainit na yakap mula sa likod. Alam kong siya iyon, at kahit papaano, sa loob-loob ko, hinintay ko siya.
“Oh, bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya, ibinaba ang baba niya sa balikat ko.
Napabuntong-hininga ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya, ramdam ang init ng katawan niya. “I… I just can’t sleep.”
Niyakap niya ako nang mas mahigpit, hinahaplos ang braso ko na parang gustong pakalmahin ang nararamdaman ko. “Is it because of Daniel?”
Napakagat-labi ako, hindi alam kung paano sasagutin. Humarap ako sa kanya, pinipilit itago ang kaba at sakit sa mga mata ko. “When do you plan to tell him?” tanong niya, ang boses niya ay puno ng hinanakit at pag-aalala. “He deserves to know… I don’t want us to be hidden forever.”
Dumilim ang paligid sa isip ko, at unti-unting nabasa ang mga mata ko. Tumalikod ako sa kanya, pilit itinatago ang mga luha na dumaloy sa pisngi ko. Alam kong tama siya, pero bakit parang napakahirap sabihin? “I want to tell him, but I’m scared,” bulong ko, ramdam ang pagbigat ng dibdib ko. Halos dalawang taon na kaming nagtatago, tinatago ang pagmamahal namin sa mundo, sa mga mata ng lahat—lalo na sa mata ni Daniel. Natatakot akong malaman nila ang totoo, sa mga basag na expectations nila, at lalo na sa mga paghusga ng ibang tao.
Huminga siya nang malalim, ramdam ko ang halo ng pag-unawa at hinanakit sa bawat salita niya. “I know you’re scared,” mahina niyang sabi, hinahaplos ang likod ko. “But until when? Ganito na lang ba tayo palagi? Magtatago na lang ba tayo habang buhay?”
Alam ko ring nahihirapan na siya. Pinili niyang manatili, kahit gaano kahirap para sa kanya. Pero ngayon, nararamdaman kong hindi na rin niya kayang itago ang pagod. Pakiramdam ko’y tuluyang nadurog ang puso ko, kaya’t niyakap ko siya nang mahigpit. Bumigay ako, hinayaan ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan na dumaloy. Hindi ko na kayang magsinungaling pa kay Daniel, pero sa bawat pag-iisip kong sabihin ang totoo, nararamdaman ko rin ang bigat ng takot at guilt sa puso ko.
Hinaplos niya ang likod ko, inaalis ang bawat bakas ng luha sa pisngi ko. Naghiwalay kami sa pagkakayakap, at tumingin ako sa mga mata niya, umaasang may makitang liwanag o kahit kaunting kapanatagan. Lumapit siya, dahan-dahang yumuko, at nagtagpo ang mga labi namin sa isang malambot at maalab na halik. Lumalim ang halik na iyon, isa-isang nawala ang mga takot ko sa bawat saglit na magkasama kami. Pinapaalala niya sa akin, sa paraang hindi kayang sabihin ng mga salita, na hindi ako nag-iisa sa laban na ito.
Nasa ilalim kami ng tahimik na gabi, nakayakap nang mahigpit, binabalot ng pagmamahalan sa halip na takot. Tumigil siya sa paghalik, tinitigan ako nang may damdaming hindi kayang sukatin ng salita. Bumulong siya, “I love you. You’re the only woman in my life. We’ll fight for this, for us… I promise.”
Ngumiti ako kahit patuloy pa ring may luhang dumadaloy. Ramdam ko ang init ng pagmamahal niya sa mga mata niya. Sa ngayon, magkasama kami, at alam kong kahit ano pa ang humadlang sa amin, haharapin namin iyon nang magkahawak-kamay.
To be continue...
BINABASA MO ANG
Love In Another Heart S1(Bxb)
RomansI can't stop thinking about him, and it's consuming me. Every time I try to push him out of my mind, my heart refuses to let go. I wonder: Is this love, or just a deep, impossible crush that won't fade? He's already in love with someone else, someon...