This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locals, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME!
__________________________________Ken’s POV
“Kasalanan mo ‘to, bakla!” sigaw ko kay Donald Duck, pero hindi siya nagpapatinag.
“Mas kasalanan mo kung hindi mo sana ako pinaparingan!” sagot niya, hindi alintana.
“Tangina mo!” I shot back.
“Tangin mo rin!” He smirked.
“Bakla!” I yelled.
“Ungoy!” he fired back.
“ANO BA? HINDI BA KAYO TITIGIL SA BANGAYAN?!”
Bigla kaming natahimik. Narinig kami ni Sir Castro, at ang mga estudyante sa paligid napatingin sa amin. Nandito kami sa campus, papunta sa Dean's office nang magka-initan.
“Isa pa, pang marinig kong mura, automatic expelled na kayo!” warning ni Sir Castro, mukha ng seryoso. Parang gusto ko nang maglaho sa kahihiyan.
Tahimik na kami nang pumasok sa Dean’s office at naupo. Parang ang bigat ng pakiramdam.
“Sir, itong dalawa, bastos. Pagdating ko sa room, ang daming mura ang bumungad sa akin. Diba may patakaran tayo na no inappropriate words kapag may guro?” tanong ni Sir Castro kay Dean. Pero si Dean nakatingin kay Kyle.
“Kyle? First time mo ba dito sa guidance? Hindi ka ba nahihiya kung makarating ‘to kay Ma’am Jenna?” tanong ni Dean, seryoso.
“Sorry, Dean, hindi ko po sinasadya. Kasi itong si Ken," sabay turo kay Ken, "pinagtritripan ako!"
"Anong pinagtritripan? Hindi ka naman namin ginugulo," sagot ko. "Eh, si Daniel nga ‘yung nag-mention ng pangalan mo, di ba? Hindi naman namin sinabi ‘yung pangalan mo."
“Enough, enough!” sigaw ni Dean, binigyan kami ng warning. “Ken, ano ba ibig mong sabihin?”
Nanginig ako. Tumayo ako at nagsimula magpaliwanag.
"Sir, eto yun, nagkakasiyahan kami nila Daniel, tapos tanong ko, 'Kailan kaya ako magkakaroon ng girlfriend?' sabi ni Daniel, ‘E di jowain mo si Donald Duck mo.’”
"Eh? Sinong Donald Duck ang tinutukoy mo?" tanong ni Dean.
"Si Quin Sebastian po, sir…" mahina kong sinabi, pero sapat na para mapansin nilang lahat.
"Hoy! Liar ka! Bakit ako tinawag mong Donald Duck, tapos ibinaling mo kay Sebastian?" sabi ni Kyle, may halong inis.
“Si Sebastian nga ‘yun!” sagot ko, nainis na rin.
“I thought ikaw ‘yun!” tinutukso pa ako ni Kyle. “Pero okay lang, baka gusto mo akong tawaging Donald Duck, pero hindi ako si Sebastian!”
"Ano ba ‘to!" ang inis ko. "Wala na tayong pinagkaiba!"
“Aba, sasapakin na kita dito!” sabi niya.
“ENOUGH! Tumigil nga kayo!” sigaw ni Dean.
Tumuloy ang silence. Gusto kong maglaho.
“Gagawin niyo na lang ang report tungkol sa gender equality bilang parusa. Wala akong pakialam kung ano ang dahilan ng away niyo!” sabi ni Dean, seryoso na ang tono. “Pag-aaralan niyo ‘to, at walang palusot.”
“Gender equality, sir?” tanong ko, medyo confused. “Ano ang koneksyon nun sa pinagtalunan namin?”
“Walang koneksyon, Ken. Pero matututo ka na rin,” sabi ni Dean. “Noong nakaraang taon, nag-bully kayo ng mga LGBT, tama ba?”
Napatingin ako kay Kyle. Aba, parang panalo siya, ang saya ng ngiti niya.
“Ah, yes po, Dean. Pero unfair naman ito,” sagot ko.
“Unfair? Paano naging unfair? Matututo kayo, at ito’y isang lesson para sa inyo,” sabi ni Dean, matalim ang tingin.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit gender equality. Para akong pinaparatangan.
“Aba, meron pang dagdag,” sabi ni Dean. Tumingin siya kay Kyle. “Magpakalalaki ka habang na magre report.
Napatawa ako, pati si Sir Castro.
“Hahahaha! Deserve mo yan!” tawa ko ng malakas, pero mabilis akong tinignan ni Dean.
“Okay, klaro na,” sabi ni Dean. “Bukas na kayo magreport, maaga kayo, at ipapa-excuse ko kayo sa mga klase niyo. Pwede na kayong umalis.”
Naglakad na kami papalabas ng office, at nauna na si Sir Castro, dahil may klase pa siya.
“Hoy! Saan ba tayo gagawa?” tanong ni Kyle.
“Malamang sa PowerPoint!” sagot ko, medyo sarcastic.
“Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin!” tanong ni Kyle, medyo inis na. “Saan tayo gagawa? Sa library o classroom?”
“Classroom? Maingay doon!” sagot ko.
“E di sa library!” sagot niya.
“Maingay din ‘yan!”
“Huh? Puro ka nalang reklamo!” sabay tingin niya sa akin. “So, saan?”
Sigh. "Okay, library na lang."
Tumango si Kyle, at naglakad kami papunta roon. Pero habang naglalakad kami, may naisip akong ibang plano.
“Hindi tayo mag-aaral sa library,” sabi ko, sabay kumuha ng sigarilyo sa bulsa at sindihan.
“Pahingi!” sabi ni Kyle.
“Pahingi? Eh, imported ‘to, galing pa ‘to sa Europe!,” sagot ko, sabay bunot ng isa.
“Ano ba? Pahingi na lang!” sabi niya, sabay lumapit sa akin.
"Sige na nga, 500 ang isa." Sabay smoke.
"Anong mahal naman!"
"Kaya nga, imported!"
“Wag na lang, tsk!” sabi niya, tapos humiga sa grasa “Sarap.”
“Alam mo, ikaw lang ang unang tao na dinala ko dito,” sambit ko, tumingin sa kanya.
“Seryoso? Wala pang ibang nagpunta dito?” tanong niya.
“Tama,” sagot ko, ngumiti.
“Pati girlfriend mo, wala?” tanong niya, may halong biro.
“Gago, wala akong girlfriend,” sagot ko, pero biglang naisip ko. “Baka gusto lang nila sex sa akin.”
“Pero naka-sex ka na ba?” tanong niya.
Napahapo ako at muntik mabilaukan sa sigarilyo ko. “Ano bang klaseng tanong ‘yan? Oo, naka-sex na ako. Bakit, inggit ka?”
Nag-pause siya, tapos tumawa ng malakas. “Hahahaha! Siguro bulag lang sila kung magka-crush sayo!”
Hindi ko maintindihan. “Ano yun? Hindi ko gets…”
Biglang tumigil siya sa pagtawa at lumapit sa akin, saka hinawakan ang pisngi ko.
“Real talk, hindi ka naman ganun ka-attractive, eh. Ano bang nakikita nila sayo?” tanong niya, habang tinitingnan ang mukha ko. Hindi ko magawang tumalikod.
Nakita ko ang labi niya—ang pinkish at magandang mga labi niya. Bigla akong nahulog sa mga mata niya.
At sa isang iglap, lumapit ang mukha ko sa kanya at nahalikan ko siya.
---
To be continued...
---
![](https://img.wattpad.com/cover/301335516-288-k924738.jpg)
BINABASA MO ANG
Love In Another Heart S1(Bxb)
RomanceI can't stop thinking about him, and it's consuming me. Every time I try to push him out of my mind, my heart refuses to let go. I wonder: Is this love, or just a deep, impossible crush that won't fade? He's already in love with someone else, someon...