This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locals, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME!
__________________________________
Daniel povHanggang ngayon, wala pa rin si Arabo Boy dito sa classroom. Pero sa kabila ng lahat, parang hinahanap ko siya, kahit hindi ko kayang aminin sa sarili ko. May girlfriend na ako, pero bakit parang unti-unti ko nang nakakalimutan si Angela? Hindi ito pwede mangyari. Pero tama si Hazel, nasaselos ako kanina, hindi ko kayang makita siyang may umaaligid sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.
Napatingin ako sa pintuan, at bigla na naman tumibok ang puso ko nang makita ko si Arabo Boy na pumasok sa classroom. Parang bumangon siya mula sa isang mabigat na slow-motion moment habang lumalapit siya sa akin, at sa isang iglap, nagtagpo ang aming mga mata. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
This can’t be… I think… I’ll like him.
Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko, kaya tumayo ako at mabilis na umalis ng classroom. Narinig ko pa si Hazel na tinatawag ako, pero hindi ko na siya pinansin. Tuloy-tuloy ako sa paglakad, at diretso sa CR. Pagpasok ko, naghilamos ako ng muka, parang gusto ko nang ma-reset ang utak ko.
Ano ba ‘to, Hasmet? Bakit ko siya hinahanap? Bakit parang nahulog ako nang kusa sa kanya? Kailangan ko itong itigil, seryoso. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Angela.
"Hello, babe? Ano ba, may klase ako."
"Let's meet up," I said seriously.
"Is there something wrong, babe?"
"None. I just miss you."
"Ikaw talaga, babe. Sige, kita tayo mamaya, sabay tayo mag-lunch."
Pero hindi ko naramdaman ang tuwa na usually ko nararamdaman kapag nakakapagusap kami. Sige, basta. "Sige, babe... I love you."
"I love you too," she said and then hung up.
I sighed deeply. Tinago ko ang cellphone ko at lumabas ng CR. Paglabas ko, nagulat ako nang makita ko si Arabo Boy na papasok din ng CR.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, ngunit wala akong ibang nasabi kundi sarili ko. Napataas siya ng kilay, pero hindi ko kayang tigilan ang mga mata ko sa kanya.
"Malamang, iihi," sagot niya at pumasok na sa cubicle. Hindi ko maiwasang mag-iwas ng tingin, pero dahil sa salamin, kita ko pa rin siya. Pagkatapos niyang magbanyo, pumunta siya sa lababo para maghugas ng kamay.
Awkward, kapag kami lang dalawa.
"Wag ka mag-alala, vacant tayo ngayon. Kahit late ka na pumasok, okay lang," sabi niya habang pinupunasan ang kamay sa pantalon niya.
Wala ba tong panyo?
"Tss, kanina mo pa ako tinitignan. Ano ba talaga problema mo sakin?" tanong niya habang nakatingin sa salamin.
Luh, napansin ba niya? Pero hindi ko kayang pigilan,
I can't stop seeing you
"Wag ka mag-deny, ganiyan din ang kuya mo bago nahulog sa'kin," sabi niya at ngumisi.
"Eh? Anong pinagsasabi mo?" tanong ko na medyo galit.
"Wala," sagot niya, at sana aalis na siya, pero bago siya makaalis, hinawakan ko siya sa kamay. Nagulat siya at tinignan ako.
"Sabay ka na sakin umuwi," sabi ko, hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko.
Damn. What the hell am I saying?
BINABASA MO ANG
Love In Another Heart S1(Bxb)
RomanceI can't stop thinking about him, and it's consuming me. Every time I try to push him out of my mind, my heart refuses to let go. I wonder: Is this love, or just a deep, impossible crush that won't fade? He's already in love with someone else, someon...