This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locals, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME!
__________________________________
Jenna pov---
Jenna POV
Pagkatapos kong tawagin ang anak ko, pumunta ako sa silid ni Franco. Naabutan ko siyang natutulog, siguro dahil sa pagod. Lumapit ako sa kanya at inayos ang kumot. Dahan-dahan akong umalis, at pumunta sa kwarto ko. Hinanap ko ang photo album na matagal ko nang itinago sa ilalim ng higaan. Binuksan ko ito at nakita ko ang mga larawan ng masayang kabataan ko.
I miss my teen days...
Pagkalipat ko sa susunod na pahina, napangiti ako sa nakita ko.
Kamusta ka na ngayon... sana balang araw magkita tayo ulit... mahal ko...
Pagkatapos kong titigan ang larawan, agad ko itong itinago. Minsan lang kasi ako magpa-alala sa nakaraan, at ngayon, parang may mga bagay na gusto ko nang kalimutan.
---
Kyle POV
Habang ginagawa ko ang assignment ko, napansin ko si Hasmet na tulala, nakasalpak ang earphones. Tiningnan ko ang orasan, alas-singko na pala ng hapon. Naisipan kong magtimpla ng kape. Pagkatapos magtimpla, nilapitan ko siya at ipinotong ang kape sa mesa.
"Ok ka lang ba?" tanong ko, ngunit siya blanko ang tingin sa akin.
"Kyle... nag-usap kami sa labas..." sabi niya.
"Tapos? Anong nangyari?"
"Ayun, maraming tanong. Tinanong pa ako kung bakit kami naghiwalay..." sabay higop ng kape ko.
"Juyop ka!kape ko yan!" tumawa siya.
"Magtimpla ka nalang!" sabay higop ulit ng kape.
Piste... pero sige na nga, para sa 'yo na. Pabigyan na ang nadudurog na puso. Char!
"So anong plano mo?" tanong ko kay Hasmet.
"Gagawin ko? Wala. Magtatrabaho na lang dito..." sagot niya.
"Yun lang?" pinagsingkitan ko siya ng mata.
"Why? Do not expect much na babalikan ko siya. Pero may parte na naawa ako sa kanya..."
"Malamang, maawa ka sa kanya dahil sa ginawa mo. Ikaw ba naman makipaghiwalay nang hindi siya binigyan ng explanation, duh."
"Wag na niyang alamin ang dahilan. Baka mag-suicide pa siya. Kahit anong pilit niya, hindi ko sasabihin ang totoo, baka magkagulo pa..." sabi niya habang tumayo at naglakad. "Ako na magluluto ng kakainin natin. Tulungan mo na lang yung ibang katulong sa paghugas ng pinggan."
Agad akong umalis ng kwarto at pumunta sa kusina. Pero pagdating ko, wala na palang hugasin. Naisipan ko nalang maglinis sa sala, kahit malinis pa naman. Hehehe, ganun kasi ako-walang magawa. Pagdating ko sa sala, naabutan ko si Franco, nagbabasa ng newspaper.
Ang oldish naman nito.
Hindi ko alam kung kilala niya ako, kasi hindi naman ako ipinakilala sa kanya ni Hasmet nung sila pa. Haist. Kumuha ako ng walis at dustpan at nilinis ito, pero siya, tahimik lang, nagbabasa.
"Kyle?.. is that your name, right?" tanong niya.
"Ah! Puta!" Lumingon ako, "Sorry sir, nabigla lang. Hehehe."
Ngumiti siya sa akin. Ang pogi niya talaga... pero hindi siya ideal man ko, period.
"Yes, sir. Hehe," nahihiya kong sagot.

BINABASA MO ANG
Love In Another Heart S1(Bxb)
Storie d'amoreI can't stop thinking about him, and it's consuming me. Every time I try to push him out of my mind, my heart refuses to let go. I wonder: Is this love, or just a deep, impossible crush that won't fade? He's already in love with someone else, someon...