Kath's POV
1 Week later..One week na ang nakalipas simula ng nag start ang classes. So far so good naman. Wala naman akong nakikitang problema pa. Walang nanggugulo at alam kong naiintindihan naman ako ng mga kaklase ko. Wala pa rin kaming masyadong ginagawa sa ngayon dahil puro introducing lang naman ang pinagawa sa amin at pinagsulat lang kami ng mga nangyari sa amin noong bakasyon. As always diba? Tsk. Aminin natin lagi namang ganyan ang pinapagawa nila eh. Anyways. Nandito kami ngayon ni Miles sa cafeteria para mag lunch. Palihim siyang sumisilay sa crush niyang si Paul Salas na mas bata ng isang taon sa amin. -_- Ang child abuse ng bestfriend ko noh? Hahaha. :D Pero wag kayo love na love ko ito kahit panay kurot at hampas ang inaabot ko sa kanya kada napapatingin sa gawi namin si Paul. Pasaway itong bruhang toh. Ampupu, ako na naman ang pinaglabasan ng kilig niya. Psh. Kaya ayoko ng Love love na iyan eh. Isa sa dahilan ko iyan, nakaka-ewang tignan. Mukhang eng-eng lang si Miles ngumingiti mag-isa mukhang baliw. Hahaha
"Huy. Punasan mo nga yang laway mo. Tumutulo eh." biro ko sa kanya. Para naman siyang natauhan at napatigil bigla sa kanyang pagde-daydream. At pinunasan nga ang gilid ng labi niya sa pag-aakala sigurong tulo laway na nga siya. Hahaha. Nung narealize niyang tawa ko ng tawa bigla na naman niya akong hinampas. Hahaha,
Napatigil kami sa paghaharutan ng biglang nagtilian ang mga kababaihan at biglang sipol ng mga lalake. Nagkatinginan kami ni Miles at sabay na napalingon sa may pintuan.
"Ayon. Kaya naman pala nandyan na pala ang prinsesa ng bayan. How nice naman." sarkastikong banggit nitong katabi ko. Haha, medyo may galit yan kay Liza Soberano eh, ang naturingang Prinsesa ng aming paaralan dahil sa pagkakaalam ko nililigawan ata siya ng crush nitong bestfriend kong bitter. Haha! Kaklase ko iyang si Liza sakto lang ang talino pero minsan nasasama din siya sa top dahil madami siyang ECA gaya na lamang last year top 6 namin siya.
Well, back to the topic tayo. Kung sabagay, hindi ko din naman masisisi ang isang 'to dahil ako mismo I don't get them. Kung bakit kailangan nilang bansagan na "prinsesa" iyang si Liza eh pare-parehas lang naman tayong normal na tao right? Pantay pantay tayong ginawa ng Diyos at pare-pareho ding mabaho ang mga utot at dumi natin. Hahaha. Aminin! :D Totoo naman diba? Porket ba maganda, maputi, makinis at cheerleader siya ay iba na siya at mas nakakataas sa amin. Ganon ba iyon? Don't get me wrong guys I'm not bitter. K? Miski naman ako aminadong kagusto-gusto siya pero para tawaging prinsesa? Tsk. Mukhang wala na ata sila sa katinuan.
Ngumiti ang prinsesa "daw" sa lahat bago lumapit sa table nina Paul. Paglingon ko sa katabi ko hindi na maipinta ang mukha niya at parang umuusok na ang kanyang ilong sa galit. hahaha,
"Tignan mo nga yan bes, sabihin mo nga sa akin kung sino itong child abuse na pumapatol sa bata. Tsk. Ako crush lang hindi gaya niyan na nagpapaligaw pa talaga. Feel na feel ng ate ah at siya pa talaga ang lumalapit." mahabang litanya niya.
Hindi ko na lang siya pinansin sa sinabi niya kahit alam kong may point naman siya doon. Kaya bago pa man magwala ito at magsalita ng kung anu-ano tungkol kay Liza ay hinila ko na siya palabas at niyaya na lang siya sa mga benches tutal hindi pa naman nagbebell. Pagkadating namin dun as if on cue parang batang inagawan ng kendi siyang nagngangawa sa harapan ko. Hahaha! Napailing na lang ako at natatawa sa inaasta nitong magaling kong kaibigan. Pagkatapos niyang magmaktol ay bigla naming narinig ang bell. Nagyapos muna kami bago naghiwalay. Nangingiti akong naglalakad sa hallway ng biglang may nakabanggaan ako. Na-out of balance ako at napaupo sa sahig sa sobrang lakas ng impact.
"Ay . Shit! Aray ko po." Nagsorry lang siya sa akin at dali-dali ng tumakbo. Potek na iyan walang modo. Ni hindi man lang ako tinayo. Aytss. Badtrip! Pag nakita ko siya humanda siya sa akin. Kainis What a day. Really? Tsk. Siya na nga 'tong nakabangga. Siya pa tong bastos! Walang manners. Bwiset..
BINABASA MO ANG
I Fall In Love With My ST.
FanfictionHello. :) Naisipan kong gumawa ng story, first is because sobrang bored na ako. Haha! 2nd ay dahil kailan pa ako kinukulit ng mga friends ko na mag try dahil wala naman daw mawawala. At last ay dahil napanaginipan ko po ang plot. Hindi siya buong p...