Daniel's POV
Hello. Daniel John Ford Estrada Padilla nga pala. Dj for short. 18, accelerated student kaya ito ako ngayon isang student teacher sa 4th year high school. Playboy daw kung titignan, maloko, maangas, mayabang, walang modo. Ganyan ang kadalasang first impression ng marami sa akin. Pero despite daw sa mga ugali kong iyon. Cute, gwapo, matangkad, matangos ang ilong, mapungay ang mata, mapulang labi at macho naman daw ako. In short sa kabila daw ng kagaspangan ng ugali ko bawing-bawi naman daw ako sa looks ko. I don't get them, mata na lang ang ginagamit ng karamihan ngayon sa pagkilatis sa tao hindi na puso. haha parang ako hindi e noh? :D Yah, maybe. Maangas at mayabang ako. Sometimes. Pero I'm so sure na hindi ako walang modo dahil meron ako niyan at mas lalong hindi ako playboy no. Sadyang friendly lang po. Haha, maybe namimis-interpret ng mga tao ang ugali ko dahil nga friendly ako especially sa girls dahil sila naman ang lumalapit. Alangan namang ireject ko diba? Kaya ayan. Playboy na kaagad ako porket madaming girls na kaibigan. Tss.
First day ko pa lang dito sa school. Palpak na ako agad. Ininform ako ni tita na kailangan ko na daw pumuntang school para sa mga papers at para mag meeting na din kami kasama ang school heads. Ang kaso naipit ako sa traffic so kinailangan kong magmadali papuntang office pero ang malas nga naman ng araw na ito oo. There's a girl na nakabangga ko at dahil nga nagmamadali ako tanging sorry lang ang naibigay ko sa kanya. Wala akong time para magpakagentleman ngayon. Not now. Pagkasulyap ko sa kanya, shit. Ang ganda men! Hahaha, pero tss. Walang time para diyan Dj saka na. Late ka na potek. Pagdating ko sa office hingal na hingal ako dahil sa pagtakbo. At humingi na lang ako ng paumanhin sa aberyang nagawa ko. Inexplain sa akin ang mga gagawin ko gaya ng ginagawa ng isang professional teacher. Next week pa ang start ng klase ko dahil madami dami ang mga bagay na dapat munang asikasuhin at dahil nga busy ako e wala din akong oras para hanapin ang babaeng nabangga ko upang humingi ng dispensa.
Days passed. And this is the moment. HAHA, Jk. Eto na ang araw na ipapakilala ako ni tita sa mga studyante niya. Medyo kabado ako pero kaya ko yan. Yeah, rock! :D Pagkatawag sa akin ni tita e, siya agad ang nakita ko. Oh, tignan mo nga naman ang pagkakataon oh. I think it is the right time para makapag-sorry ng mas maayos sa nagawa ko.
Pagkaalis ni tita, napunta na agad sa kanya ang atensyon ko. Shit. Ang ganda niya talaga, potek. Focus dj. Pero wa epek e at dahil sa kanya nga ako nakatingin habang nagpapakilala ako hindi nakaligtas sa akin ang boring na boring niyang mukha habang tumutungo siya kaya nilapitan ko sya para lang marinig ang mga sinabi niya kay Julia. Whooa, below to the belt yun ah. Galit ba sya dahil sa nangyare last last day? Pero nung tinanong ko sya kung may problema maang maangan siyang sumagot. I find her cute nung nainis sya sa katabi nya dahil nabanggit ang pangalan ko, haha. She's interesting ha. Haha, sya ang kauna-unahang babae na hindi nabighani sa charms ko. Nice, ang hangin ko. :D
Nung papaupo na sya bumulong ako sa kanya upang imeet ako mamaya sa math dept. at sweety na din ang tinawag ko sa kanya just to tease her. Hehe, ang cute cute niya mainis e. xD And I did. Parang mag-uusok na ang ilong niya sa narinig sa akin kaya napangisi ako. Kyowt :'>
Nung nag-iintroduce na sila sa harap dun ko lubos napagtanto na iba nga talaga siya. She's cold at snob. Masyadong matipid magsalita kaya nakisabat na din ako nung kinantyawan siya bigla ni Ralph. Nadulas ako dun sa "I want to know who you are" kaya nautal ako nung tinama niya ako. Dahil i mean it, gusto ko talagang makilala sya.
Yung pag-uusap namin sa office parang natamaan ang ego ko ng tinanong nya kung naturuan daw ba ako ng mga magulang ko ng modo. Sobra na ba ako? Hindi ko naman sinasadya yun e pero medyo na-guilty ako dun sa "sweety thingy" dahil kahit na joke ko lang yun naisip kong pangit nga namang tignan ang isang gurong tumatawag ng sweety sa student nito unless elementary ito gaya nga ng sabi ko sa kanya.
Nagdaan ang araw, madalas sa kanya ako nakafocus. Nahihiya akong kausapin ulit sya, kaya sana kahit man lang sa mga apologetic na mga tingin ko ay maintindihan nya ako. Sana nga!
Nung una tumitingin ako sa kanya para ipakita ang sincerity ko sa paghingi ng tawad sa kanya pero ewan ko ba. Parang naging hobby ko na ang pagtingin sa kanya araw-araw kada mapapasok ako sa room nila.
Unti-unti nakikita ko ang pagbabago sa kanya, yep. Sinusubaybayan ko ang mga galaw niya sa hindi ko malamang kadahilanan. Nagiging friendly and showy na sya. Slight, at natutuwa ako sa bagay na yon.
One day habang nagchecheck ako ng activities nila, napangiti ako bigla ng nakita ko ang pangalan niya. Naisip ko bigla yung mukha nya, yung itsura niya and at that time, I just realized one thing. Shit! It can't be. Hindi pwede toh, hindi ako pwedeng ma-inlove sa estudyante ko. Teacher-student affair? No. no. no. Forbidden yun, masama kaya habang maaga pa kailangang itigil ko na ang kalokohang ito. Nagpapasalamat na din ako at maaga kong narealize habang hindi pa ko hulog na hulog. Habang hindi pa to malala at habang may oras pa para umiwas.
Miski ako hindi ko maintindihan kung kailan at paano. Minsan na nga lang akong mainlove sa kanya pa. Sa estudyante ko pa. Bakit nga ba? Tanong ko din yan sa sarili ko wala naman syang ginagawang espesyal for me para mahulog ako in fact ayaw nya nga sa akin e. Ays. Nagandahan ako, oo. Kasi totoo naman e hindi mapagkakaila yun pero hindi ko akalaing aabot ako sa ganitong sitwasyon.
Pagpasok ko sa room nila ang sabi ko. Tama na Daniel. Hangga't pwede pa kailangan mo ng itigil ang kahibangan mo. Nung una, hirap na hirap ako dahil nasanay na ako sa presence niya e. Pero unti-unti kinaya ko. Tinitiis ko sya kahit sa totoo lang gustong gusto ko talaga syang titigan.
Pero one day di ko natiis. Nagcheck ako ng attendance para may excuse ako upang tignan sya. Tss, ang adik lang! Para-paraan ako. Haha :D sakto that time di sya nakatingin kaya nagkachance ako para titigan sya. Sabi ko sa sarili ko, last na to Dj. Last na!
Mas napadali ang pag-iwas ko ng hiningan ako ng tulong ni Liza. Mahina pala sya sa math at naglakas loob syang lumapit sa akin para magpa-guide. I don't think may masama doon kaya pumayag ako.
Nung nakita ko sya sa cafeteria. Hindi nakaila sa akin ang pagtingin niya sa direksyon namin. Potek. Baka , anong isipin nitong babaeng to ah. -_- Bago pa magtama ang mga tingin namin umiwas na ako.
Pero ibang klase din tong babaeng toh. Napasigaw sya bigla sa loob ng cafeteria at nakuha ang atensyon ng lahat. Sa sobrang kahihiyan tumakbo sila ng bestfriend nya palabas. Haha, nakakatuwa. Sa loob loob ko nangingiti ako. :)
Napag-alaman ko kay Liza na mismong sya nagulat dahil first time daw sumigaw ni Kath in public. Shy type, snob, cold, geek and may sariling mundo daw kase iyang si Kath. So tama nga ako? Snob and cold ah. Haha, mabilis kong nakagaanan ng loob si Liza at napag-alaman kong sila na daw ni Paul Salas. 3rd yr. sya at may tampuhan daw sila ngayon. Ts, ts, kabataan talaga ngayon, oh. Parang ang tanda ko na eh no? :D
Sa ngayon, sigurado ako sa nararamdaman ko. Gusto ko na nga si Kath. At ito ay isang malaking BAWAL. Kaya hangga't kaya ko titiisin ko sya. Siguro tanging sulyap na lang ang magagawa ko sa kanya. Dahil ito ang isang rules na madalas ipaalala ni tita sa akin bago pa man ako pumasok sa pagiging ST. Wag na wag daw akong mahuhulog sa mga magiging estudyante ko dito dahil napakalaking Bawal. Maling-mali. Sabi ko pa sa kanya nun, oo naman po. Alam ko iyon tita no. Pero tignan niyo, eto ako ngayon, kinakain lahat ng mga sinabi ko. Nagdudusa. Nagtitiis dahil sa nagmahal ako ng maling tao. Minsan na nga lang mahulog sa maling oras pa. Kung kailang hindi pwede. Hays. Kung ipagpapatuloy ko itong lihim kong pagtingin sa kanya, alam kong ako lang din ang masasaktan dahil una pa lang talo na ako. Hindi ko pa nga tinatry wala na agad akong chance dahil alam ko namang sobrang mali nito. Papahirapan ko lang ang sarili ko, pero shit lang! Alam ko din kasing sa kanya ako sasaya e. Ano ba yan. Sobrang komplikado. -__- Ah. Bahala na nga kung ano magiging desisyon ko. I'll just go with the flow na lang and let my heart to decide kung ano ba ang gagawin ko. Sana lang talaga, kung ano man ang maging desisyon ko. Tama! Para hindi ako magsisisi sa huli..
Masyado po ba akong madaming kasalanan Lord? Bakit naman ganito. Bakit naman kasi sa lahat ng tao dito sa mundo kay Kath pa.
Pero siguro nga tama sila, we can't choose who to love, it just happens. Gaya ng nangyayari sa akin ngayon. It just happens that siya ang tinibok ng puso ko. Siyang estudyante ko! -__-
BINABASA MO ANG
I Fall In Love With My ST.
FanfictionHello. :) Naisipan kong gumawa ng story, first is because sobrang bored na ako. Haha! 2nd ay dahil kailan pa ako kinukulit ng mga friends ko na mag try dahil wala naman daw mawawala. At last ay dahil napanaginipan ko po ang plot. Hindi siya buong p...