Kath's POV
It's been a week since he start not minding me. As if he did'nt notice me anymore.
(A/N. Pasensiya na po kung puro one month or one week later. Gaya nga ng sabi ko short story lang po ito kaya ganito.)
Na para ba akong hangin na hindi niya nakikita. Ni hindi niya ako masulyapan man lang. Tinitignan or kinakausap unless kailangan at minsan lang yun kapag natatapat na trip niya kong sumagot sa mga recitation or reporting kami. Hindi ko alam kung bakit naging ganun siya. Nakakapanibago! Ilang siya sa akin na akala mo may nakakahawa akong sakit at nandidiri siya kaya di siya makatingin. Alam kong OA pero ayun ang pakiramdam ko. Ganun kalakas ang impact ng pagbabagong ginawa niya. Sinanay niya ako eh, nasanay na ako na kada nandiyan siya ako ang hinahanap nung mata niya. Nakakainis! Naiinis ako hindi sa kanya at mas lalong hindi sa pagbabago niya. Dapat nga masaya na ako ngayon diba? Finally, tinantanan niya na ako e. Pero ano toh, bakit ganito ang nangyayari sa akin. Sobra akong naiinis sa sarili ko dahil sinanay ko ang sarili kong lagi niya akong titignan, na lagi kong nakukuha ang atensyon niya. Nasaan na ang Kathryn na walang pakialam sa mundo? Nababaliw na yata ako. Ang bobo ko para magpadala sa mga pagtitig-titig niyang yun. Akala ko pa naman willing talaga siyang patawarin ko sya dahil nga yung tingin niya nakakaawa. Ang amo. Peste, ang weird ko na. Seriously, ang assuming ko noh? Masiyado ko namang fineel yung tingin niyang apologetic. Tsk, ano nga namang inaasahan ko diba? Bad boys are always be bad boys.
"Huy bruha." Miles
"AY WALANGHIYANG TITIG YAN." sigaw ko sa pagkagulat. Sinamaan ko ng tingin si Miles na kasalukuyang nakawak sa tyan niya habang tumatawa. Arghh, laughtrip much ang bruha. Walanghiya, OA eh?
"Happy kana teh? Ang saya no? Tawa tayo. Ha-ha-ha." sarcastic na sabi ko sa kanya. Tsk. Isa pa to eh, sumasabay pa siya sa problema ko.
"Haha. Pasensiya na bes, nakakatawa lang kasi talaga. Haha, epic much. Wahahaha." tuloy-tuloy pa din na tawa niya. Ilang minuto pa bago sya tumigil at lumapit sa akin.
"Ayyiiee.. Naiisip mo na naman ang mga titig ni Sir Daniel noh? Aminin!" tukso nito sa akin saka sundot sa tagiliran ko. Alam niya nga din pala lahat ng nangyayari sa akin. Hindi pwede ang secrets sa amin e, kaya ayan. Walang araw na hindi niya ako inasar sa student teacher na yun.
Nandito nga pala kami sa kwarto ko. Sabado ngayon at tambay lang kami dito. Dapat movie marathon kami eh ang kaso lutang ako kaya eto inaasar na naman niya ako at mukhang wala na din siyang balak tumigil uriratin ako ng mga tanong niya. Tsk. Dapat pala nagsalang na ako ng DVD bago nag-isip isip para di ako napansin ng babaeng to. Wrong move Kath. Tsk. -__-
"Hindi no.. Bakit ko naman iisipin yun e wala na nga akong paki doon tsaka sa wakas tinigilan na niya kakatitig niya." todo deny ko sa kanya with matching hand gestures pa yan at iling para mas convincing.
"Asus. Kathryn Chandria ako pa talaga niloko mo e alam ko ang galaw niyang bituka mo. Tsk. Tsk. Hindi mo nga siya iniisip no? Kaya pala sabi mo eh *ehem ehem* AY WALANGHIYANG TITIG YAN." panggagaya niya sa sinabi ko sabay hagalpak na naman ng tawa. -__- Yung totoo? Kaibigan ko ba talaga toh. Anlakas mang-asar eh.
"Aissh. Ang kulet mo, hindi nga sabi okay? Tara na nga't manood na tayo. Diba yun yung gagawen naman talaga natin diba?" sagot ko sa kanya para di na niya iopen up yung topic na yun.
"Sus. Ikaw talaga. If I know nililito mo lang ako para hindi na ako makapagtanong. Osige na nga dahil good mood ako, pagbibigyan kita. Haha,"
Natutuwa talaga ako sa kanya. Kilalang kilala na niya ako. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Ang sinalang niya ay ang A Walk to Remember. Shems, kakaiyak talaga toh. Kahit paulit-ulit na naming napanood ito hindi nakakasawa. Pagkatapos ng movie, nagpupunas kami pareho ng luha at nagkatinginan sabay tawa. Hahaha! Ang weird talaga namin. Haha. I really love my bestfriend. :) Kahit sila lang ni mama meron ako, kuntento na ako. :)
Everything has changed. Hayyyy.. Kasabay ng pagkawala ng atensyon niya sa akin ay ang pagbabagong nangyayari sa ugali ko. NO. I don't want that to happen. Kailangan ko ng itigil kung ano man tong nangyayari sa akin. God, mama & Miles. Sila lang ang mga taong mahahalaga sa buhay ko. No Daniel John Ford Padilla. I don't want any man to enter my life. Simula sa Lunes kailangan wala na to. Di na ako maapektuhan. Hindi na Kath. Hindi na.
BINABASA MO ANG
I Fall In Love With My ST.
FanficHello. :) Naisipan kong gumawa ng story, first is because sobrang bored na ako. Haha! 2nd ay dahil kailan pa ako kinukulit ng mga friends ko na mag try dahil wala naman daw mawawala. At last ay dahil napanaginipan ko po ang plot. Hindi siya buong p...