Chapter Four- Bestfriend

25 2 0
                                    

Miles' POV

Kasalukuyang naglelecture ang aming Science teacher pero eto ako lutang pa din hanggang ngayon at hindi makaget-over sa nangyari kanina sa cafeteria. Eh kasi naman eh minsan na nga lang ako magkagusto tas aagawin pa sa akin ng mistisang Liza na yun. Pambihira nga naman, oo. Ay, di pa pala ko nakakapagpakilala sa inyo no? Pasensiya na medyo badtrip lang. Hehe, by the way. I'm Miles Ocampo nga pala, 16 and proud to be the one and only bestfriend ng nag-iisang Kathryn. :) Cute, maganda, mabait. San ka pa diba? Haha. Chos xD Di seryoso, palaban ako. Kapag alam kong nasa tama ako wag mo ng ipilit ang iyo dahil hindi kita uurungan. Madaldal, medyo conyo. Haha, feel na feel ko ang magpakaconyo cause it's cute kaya. You know. Hahaha! Napaghahalataan masyadong trying hard no? -_- :D haha. I don't really care, trip ko to eh kaya wala kang pakialam. anyway ginagawa ko kung ano ang gusto ko at pagong daw akong kumilos na inaamin ko naman. HAHA. Masaya yun, try niyo! :D Section C ako while si Kath Sec. A yun pa, matalino yun eh. Haha, despite sa mga pagkakaiba ng mga flaws namin nagkasundo kami at naging matalik na magkaibigan. Pero sa kabila ng mga pagkakaiba namin mayroon kaming bukod tanging pagkakapareho. At ito ang pagiging BIPOLAR. HAHA, mahina yung babaeng yun kaya as a super bff hindi ko siya iiwan at papabayaan. Mahal na mahal ko yun dahil sa kabila ng pagiging snob and cold niya sa iba alam kong hindi iyon ang nasa puso niya. At natutuwa ako dahil kilalang kilala ko na siya. ☺ Paano kami naging magbff? Ganito yan.

Flashback 7 years ago..

Naglalakad ako dito sa loob ng bagong subdivisiong pinaglipatan namin kasama ang yaya ko ng biglang may nahagip ang beautiful eyes ko. Hahaha! I saw this cute little girl na umiiyak sa may sulok ng park. Naawa naman daw ako sa kanya kaya patakbo ko siyang nilapitan. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam kay yaya Melai eh.

"Pst. Bata" tawag ko sa kanya dahil pilit niyang sinisiksik ang sarili niya dun sa halaman. Agad naman siyang napatingin sa akin habang sumisinghot singhot pa. Aww, so cute. HAHA!  I want to pinch her cheek so tight cause it's like siopao. It's so taba! haha,

"Ha? Ako? " tanong niya sabay punas ng sipon niyang tutulo na. Haha, kyowt kyowt. :)

"Yup. Ikaw, anong ginagawa mo diyan at bakit ka umiiyak?" usisa ko sa kanya. Hehe. Pasensiya na po usisera't madaldal lang. ✌

"Eh. Kasi *sniff* si papa umalis ng bahay eh nag-away na naman sila ni mama. Nakakasawa na. *sniff*" sabi niya habang nakayuko. Aww. :( Kawawa naman pala siya. That time sabi ko sa sarili ko she's so innocent and fragile. I suddenly feel this weird thing on me na parang gusto ko siyang protektahan. Para bang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Tinabihan ko siya at niyakap na lalong nagpaiyak sa kanya. After nun, kwinento niya sa akin lahat hanggang sa naging magfriend na kami. Natuwa pa nga ako nun ng nalaman ko na malapit lang pala ang bahay nila sa bago naming bahay at magiging schoolmate ko pa siya dahil dun siya nag-aaral sa pagtatransferan ko.

End of Flashback..

Simula noon naging close na kami at para nga daw kambal dahil hindi kami mapaghiwalay. The day that she told me her story sabi ko sa sarili ko finally I think I already found kung ano ang hinahanap ko. At hindi nga ako nagkamali,  I really found my BESTFRIEND sa katauhan niya. And I really love her na parang tunay ko na siyang kapatid at sa aming dalawa parang ako ang ate na laging poprotekta sa kanya kahit sa totoo lang mas matured talaga siya compare sakin. Hahaha. :D

I Fall In Love With My ST.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon