Kath's POV
After 4 months..
Yep. It's been four months since that day. Yung araw na nilagay ko ang sarili ko sa kahihiyan. Masyadong madaming nangyare sa loob ng apat na buwan. Kasabay nito parang masyado akong nabibilisan. Si Liza at Paul, going strong hanggang ngayon. Yup, kalat na sa lahat na sila na at tanggap naman ito ng lahat despite sa age gap. Pero 2 taon lang naman kasi yun, hindi dapat ibig deal. Tss! At first, hindi yun tanggap ni Miles, haha. Laughtrip yun e. Akala mo naman inagaw talaga sa kanya. Eh never namang naging kanya si Paul. Hahaha. Lagi syang nagmamaktol sa harap ko nun na ang daya daya daw kase kanya si Paul pero biglang inagaw ni Liza. Haha, as if naman noh. E mabait naman si Liza at hindi mang-aagaw kahit medyo maharot ng very very light din yun. Haha, nagtampo pa nga ang bruha nung pinagtanggol ko daw si Liza e. dat daw kasi kampi ako sa kanya.. Haha, binatukan ko nga para magising sa kahibangan niya. :D
Last month lang, nakamove-on na daw sya. Siraulo talaga yun! Alam niyo ba kung bakit? :D Eh kasi daw may bago na syang crush. Yung transferee from Marikina daw. Si John Lucas, ang gwapo gwapo daw tapos ang bait pa. Feeling niya daw iyun na ang prince charming ng buhay nya. -__- haha. Sarap kotongan no? At ito pa classmate sila kaya ang bruha e tuwang tuwa. Haha.
Ako? Madami na ding nagbago e. Hindi na ako yung Kathryn na cold and snob. Ewan ko ba, one day narealize ko na lang bigla na dapat pala hindi sinasayang ang oras dahil limitado lang ito. Hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ni God, kaya dapat enjoy lang. Na kung dati ko pa pala ginawa edi sana mas masaya siguro ako ngayon kung hindi ko kinulong ang sarili ko sa nakaraan ko. Kung natuto akong magpatawad. Pero nangyare na e ang tanging magagawa ko na lang e ayusin ang pagkakamali ko. Sa ngayon madami na akong kaibigan pero the best pa din syempre ang one & only bestfriend ko. Tuwang tuwa nga yun e nung kwinento ko toh sa kanya at last daw narealize ko na na makulay ang mundo at hindi ito dapat kagalitan. Haha, mas masaya nga sya. :) Napapakita ko na kung sino talaga ako. Showy, kalog, friendly, baliw, lahat ng dating opposite na Kathryng mapagpanggap. Natutuwa din si mommy for me. Mas masaya daw siya at panatag na dahil nailabas ko na ang matagal ko ng itinatago sa loob ko.
Si Ma'am San Juan, nanganak na din last week. Baby boy! Ang cute cute nga e. :) haha, at last day na din nga pala niya ngayon. Nakalungkot sa totoo lang. Parang sa loob nung mga araw na nagtuturo sya ang ikli ikli nun. Nanghihinayang ako, kase hindi kami nabigyan ng pagkakataon e. Siguro nga, hindi lang talaga kami para sa isa't isa. Ni hindi ko nga alam kung gusto nya ba ako o hindi e, haha. Oo. Mahal ko na sya. Dati pa! Nung araw na sinabi sa akin ni Miles ang lahat ng inaasal ko patungkol sa kanya dun ko narealize lahat. Dun ko narealize na tama nga sya. indenial queen ako. Wala e, natatakot kasi ako. Nakakatakot na hindi pa nga ako sumusugal talo na agad ako. Si tadhana naman kase e, ang bait. Pinakilala pa sya sa akin ganung hindi naman pala kami pwede. Ayys.
Sa loob ng apat na buwan, tinago ko lahat. Oo, nagbago ako in a better way pero siguro ito na talaga ang hindi ko mababago. Na takot ako magmahal. Mali, nagmamahal na pala ako ang takot ako ay ang sumugal sa pagmamahal. Ngayon last day na niya dito dahil babalik na ulit si
Ma'am sa pagtuturo. Yup sya na nga talaga ang pumalit sa pwesto ni Ma'am habang wala pa ito. Siya ang nagsilbing temporary teacher namin at the same time inspirasyon ko. Hayy. :(
Last nato. Hindi ko alam kung kailan ba ulit kami magkikita. Ts, bakit kasi ang tali-talino niya e. Yan tuloy accelerated sya at maagang naging student teacher. Hindi tuloy kami pwede. Never nagkachance. Hayy nako! Mapaglaro nga naman talaga si tadhana..
Magpapa-program daw ngayon ang mga classmate ko dahil nga last day na ni Sir Daniel.. Nakakasad talaga potek. Haha, wala e. Ganito talaga ang life. Kaya mo yan Kath. Hindi mo naman ikamamatay kung mawawala sya, wag ka ngang OA..
BINABASA MO ANG
I Fall In Love With My ST.
FanfictionHello. :) Naisipan kong gumawa ng story, first is because sobrang bored na ako. Haha! 2nd ay dahil kailan pa ako kinukulit ng mga friends ko na mag try dahil wala naman daw mawawala. At last ay dahil napanaginipan ko po ang plot. Hindi siya buong p...