Epilogue

18 2 0
                                    

Kath's POV

  Ako yung tipo ng babaeng hindi naniniwala sa forever. Bitter. Man hater. Galit sa mundo dahil minsan ng iniwan ng mahal ko, ang ama ko. Sabi ko noon, I will never fall in love dahil pare-pareho lang ang mga lalaki. Manloloko, hindi marunong makuntento. Nagpadala ako sa galit at sama ng loob hindi ko nakita noon ang ganda ng mundo dahil nakuntento na ako sa mama at bestfriend ko. Not until nakilala ko siya , he came into the picture at siya ang naging dahilan ng malaking pagbabago sa buhay ko.

Noon, masaya na ako dahil nandiyan lagi si mama't Miles for me. Tanging sa kanila ko pinapakita ang other side ko. Cold, snob, may sariling mundo, geek, matipid magsalita at  loner ako sa harap ng maraming tao. I'd never realize na mas masaya pala kung madami kang kaibigan at walang galit sa puso mo. Pero iba siya, binago niya ako ang Kathryn na mapagpanggap sa harap ng marami. Dahil man hater nga ako wala akong pakialam sa kanya, nabibwisit ako dahil inaasar niya ako, naasar ako sa mga kaklase ko kada crush or boyfriend nila ang topic. Dahil ayoko ngang magtiwala na lang basta naging snob and cold ang pakikitungo ko sa mga taong hindi ko kaclose. Mas pinili kong maging loner sa loob ng tatlong taon ng high school life ko imbis na kumilala at makipagkaibigan sa iba. Geek nga daw ako dahil mas pinili kong magfocus sa pag-aaral kesa makipagsocialize at ienjoy ang buhay estudyante. Misteryoso and weird sabi nga nila. Wala akong pakialam sa opinyon nila pero ngayon lahat yan nag-iba. I'm a better person now with the help of my family, friends and ng ST ng buhay ko. :) :D

Ngayon? Masaya ako hindi dahil sina mama at Miles lang ang meron ako. Mas masaya ako ngayon dahil kumpleto na ang pamilya ko. Mama, papa at ang kapatid ko. Mayroon akong bestfriend at boyfriend at bonus pa ang mga bago kong kaibigan. ☺ Ngayon madaldal at mas kalog na ako hindi lang sa harap ng bff ko kundi sa lahat na ng taong nakakasalamuha ko. I'm not cold and snob anymore infact minsan ako na mismo ang nakikipagfriends sa iba. Hindi na ako shy type. :) Hindi na ako ang Kathryn na loner at may sariling mundo. Though hindi ko pa rin pinapabayaan ang pag-aaral ko pero hindi na ako geek. Mas inienjoy ko na ang pagiging estudyante. Hindi na ako bitter dahil may lovelife na ako. Wala na sa bokabularyo ko ang "Walang Forever" dahil handa naming patunayan ni Sir na nag-eexist ang salitang Forever. I'm not a man hater anymore dahil natutunan ko ang bagong motto ko "To forgive and forget." :)

Nakakagaan pala talaga ng loob ang walang sama ng loob. Mas masaya at walang bumabagabag sa isip ko. Sa ngayon masaya kaming dalawa ni Sir sa relasyon namin. Hindi maiiwasan ang tampuhan pero kaya naming ihandle at hindi basta-basta magpapatalo doon. Magtithree months na kami next month. :) Pareho kami ng university na pinapasukan. Ako accounting ang kinukuha while siya naman ay nagshift na sa engineering. So ngayon, parehas na kaming 3rd year college. Sir and sweety ang tawagan namin. Ayoko lang talaga pabago dahil mas prefer ko iyon dahil dun sa tawag na iyan ako nasanay. At tsaka para unique diba? :D

Sa ngayon wala na akong mahihiling pa, mayroon na akong masaya at kumpletong pamilya. Mga totoong kaibigan at ang boy bestfriend/boyfriend/student teacher ng buhay ko.

Never kong na-imagine na maiinlove ako and worse sa ST ko pa. Pero I don't care minsan ko man siyang naging ST wala na akong pakialam doon. Tanggap naman ng iba ang relasyon namin pero may mangilan ngilan pa ding naweweirduhan at naguguluhan kung paano nangyari ito. Hindi na lamang namin pinapansin dahil minsan na kaming nagsakripisyo at nagtiis dahil naging duwag kami at natakot sa mga maaaring mangyari. Nasayangan na kami ng taon at ngayon ay kami naman. Tama na ang pag-iisip sa sasabihin ng iba, we had enough. Magiging selfish muna kami dahil ang nararamdaman naman namin ang papairalin namin. Wala naman sigurong masama doon diba? Hindi ko na siya ST kaya wala kaming batas na nilalabag.

Pero para sa akin ano man ang mangyari siya ang nag-iisang ST ko na minahal ko. Pinagdarasal ko na sana siya na ang maging first and last ko. Hindi man ako ang first niya hopefully ako ang maging last and one great love niya. Alam kong marami pa kaming pagsubok na pagdadaanan pero alam kong kakayanin namin dahil magkasama kaming lumalaban.

Eto na ako ngayon. This is the new Kathryn Bernardo and I am very proud to say that I fall inlove with my ST. Kay Daniel John Ford Padilla, ang student teacher ng buhay ko. ♥☺

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Fall In Love With My ST.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon