Kath's POV
It's been a month simula ng magturo ang aming ST sa Physics. Ang bilis ng panahon no? At kung tatanungin niyo kung ano ang mga nangyari? Well let's just say na I think nasasanay na ako sa presence niya. Yup, siguro nga sanay na ako kahit na minsan nakikita ko pa din ang madalas niyang pagtingin sa akin or should I say titig? Kasi parang mas matagal sa tingin ang ginagawa niya. Sa first week na puro ganung eksena ang nangyayari kada papasok siya ng room laging kaba at conciousness ang nararamdaman ko. Dahil sa maniwala man kayo o hindi, hindi maipagkakaila na palaging sa akin unang tumatama ang mga mapupungay niyang mata once he enter our room. As in LAGI ha. Sino ba namang di makoconcious dun diba? Noong una sobrang distracting talaga ang sitwasyon for me kaya madalas hindi ako makapag-concentrate ng maayos tuwing time niya. Pero siguro nga sa tagal na din na ganun ang ginagawa niya palagi e nasanay na ako. Hindi ko naman siya makausap at sabihing kung pwedeng itigil niya yun dahil simula nung araw na kinausap ko siya sa math department parang nahiya ako sa pinaggagawa ko at late ko na narealize na student teacher nga pala siya dito sa school kaya dapat ginagalang siya. Kahit ang totoo naman talaga e mismong siya parang hindi alam kung paano gamitin ang word na yun. Hahaha, this past few weeks tuluyan na nga talagang naglaho ang katahimikang inaasam ko. Yeah, kasabay ng pag-enter niyang si Sir DJ sa buhay ko ay ang siyang pagsabay din ng katahimikang naglaho na lang bigla. Hindi na ako "geek loner" sa aming room dahil isa na ako sa kapansin-pansing estudyante kagaya ng aming school's princess. Sa totoo lang, ayoko talaga ng ganito e. Simula kasi ng mapansin nila ang pagtingin-tingin sa akin ni Sir e lagi na din nila akong binabato ng kanilang mga tanong. Na bakit daw ganun si Sir, ano daw bang meron kami at nakucurious na sila at kung anu-ano pa. Tsk. Miski naman ako no, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Sir kaya sa huli wala lang din silang nakukuhang sagot mula sa akin.
Kinabukasan..
Iniintay na lang namin si Sir Dj dito sa room dahil kanina pa nagbell. Ang tagal naman nun. Nasasayangan kami ng oras. Ano ba naman yan, nasan ang professionality niya. Tsk. Napatigil ako sa pagtorture kay Sir sa aking isip ng finally, dumating na siya. Hahaha! Inaasahan ko na ang mga mata niyang titingin sa akin pero hindi iyon dumapo sa mukha ko. Ha? Bago to ahh. Anyways, pabor naman sa akin yun. Nagsimula na kaming magklase at may isang bagay akong napansin. Iniiwasan niya ko. Naisip ko bigla! Hindi naman sa nag-aassume pero iyon ang naramdaman ko ehh. At parang isang pitik na si Liza ang pumalit sa dapat na sitwasyon ko. Sa kalagitnaan ng pagte-take down notes namin sa mga tinuro niya e napansin kong panay kay Liza ang baling ng mata niya at hindi lang yon ah, nginingitian niya pa ito. Badtrip ohh. Ha? Wait, bakit nga ba ako nababadtrip? Dahil ba dapat sa akin niya ginagawa yun? Tsk. Of course not Kath, ano namang pakialam mo kung si Liza ang tinitignan at nginingitian niya ngayon. Diba yan naman ang gusto mo, ang tantanan ka na niya. Sabi ko sa sarili ko, tama. Maybe nabadtrip lang ako kasi nakakasurang tignan na ang isang student teacher e nakikipagngitian sa isang estudyante sa kalagitnaan ng klase nito. TAMA! Yun nga yun. Napatingin ako kay Liza. O_O Ganyan ang naging itsura ko ng makitang ngiting-ngiti din ito sa kanya na tipong lalabas na ang gilagid nito. Haha, ano ba yan. Ang haharot, nagpapa-cute sila sa isa't isa? Seriously? Teacher-student affair ang peg nila? Nyay. Napailing ako bigla sa naisip ko sabay sampal ng mahina sa pisngi ko. No. Kath, wake up. Ano ba yang pumapasok sa isip mo puro kabaliwan. Don't mind them. Okay?
Whooo.. napahinga muna ako ng malalim bago bumalik sa pagsusulat ng notes. Focus kath. Focus! Sabi ko sa sarili ko.
Seriously? What's happening to me? Hindi ako 'to e. Really. Kase sa pagkakaalam ko may sarili akong mundo at walang pakialam sa paligid ko. Hindi ganto. Kailan pa ako naging usisera? Aissshhh. Nakakaloka naman toh. -_-
BINABASA MO ANG
I Fall In Love With My ST.
FanfictionHello. :) Naisipan kong gumawa ng story, first is because sobrang bored na ako. Haha! 2nd ay dahil kailan pa ako kinukulit ng mga friends ko na mag try dahil wala naman daw mawawala. At last ay dahil napanaginipan ko po ang plot. Hindi siya buong p...