5

7 1 0
                                    

Isang oras lang ang tulog ni Ellaine dahil alas tres ay nagising na siya para magasikaso. Nakita niya rin ang chat ng kaniyang mga kaibigan sa kanilang group chat.

Power Puff Girls

Reign Valdez:

Girls, di ako makakapasok. Masama ang pakiramdam ko.

Syla Colleen:

O baka naman may iniiwasan?

Wala akong klase today. Pero may pupuntahan ako. Ingat, girls.

She typed a reply.

Ellaine Tolentino:

Magisa lang pala ako ngayon.

Matapos niyang isend iyon ay bumangon na siya para magayos. Habang kumakain ay biglang may nagring, sign na may nagchat sa kaniya.

Enzo Lim:

Good morning, tuloy tayo mamaya?

Ellaine Tolentino:

Aga mo ah. Oo, magisa lang din kasi ako e.

Enzo Lim:

Okay, c u later :)

Matagal na binasa ni Ellaine ang message sa kaniya ni Enzo. Doon niya lang nalaman na "see you" pala ang ibig sabihin non. Pinaikli lang.

"Bakit naman kasi ganon ang typings?" naiinis niyang tanong at inilapag ang cellphone para ituloy ang pagkain.

Buong araw ay tahimik lang si Ellaine sa klase dahil wala rin naman ang kaniyang mga kaibigan. Mabuti na lang at kasama niya si Enzo.

"Himala, magisa ka. Nasaan mga kaibigan mo?" tanong ni Enzo nang makita siya nitong magisa sa isang table sa canteen.

"Masama raw ang pakiramdam ni Reign. Si Syla naman ay walang klase," sagot niya at tipid na ngumiti.

"Oh... Nabalitaan ko yung nangyari sa kanila ni Ethan. Order na tayo food?" pagiba ng usapan ni Enzo.

"Sure."

"Ako na oorder, diyan ka na lang. What do you want?" he asked.

"Uh... Kung may macaroni sila, ayun na lang. Tsaka chuckie, thank you," she said and smiled at him.

He smiled. "Okay, wait me."

Ilang minuto ang lumipas bago bumalik si Enzo dala ang mga sinabi niya at ang pagkain niya. Tinulungan naman niya ito sa mga dala.

"Thank you," saad niya at binuksan ang lalagyanan ng macaroni.

"Welcome."

"By the way, may klase ka bukas?" pagsira no Enzo sa katahimikan.

Binuksan naman ni Ellaine ang kaniyang laptop na nakalapag sa kanilang table para tignan kung may klase ba siya bukas.

"Wala, magbabasa na lang siguro ako ng notes para if ever may biglaang exam. May maisasagot ako," sagot ni Ellaine at sumubo ng macaroni.

"Okay. Aayain sana kita bukas na magfood trip. Kung free ka lang naman," Enzo said.

"Hmm..." umakto siyang nagiisip. "Pwede naman, hindi naman ako makakalimutin."

"Okay! Then, I guess... I'll see you tomorrow?" masayang tanong ni Enzo.

"Ganun na nga. See you tomorrow," sagot ni Ellaine ngumiti ng tipid.

After nilang kumain ay dumiretso na rin sila sa kani-kanilang susunod na klase. Nagpasalamat si Ellaine sa libre ni Enzo.

"Kumusta naman ang pakiramdam mo?" tanong ni Ellaine kay Reign.

Tumawag ito sa kaniya, siguro ay may sasabihin dahil hindi na naman siya nagopen ng social media niya.

"Ayos na naman. Ikaw? Kumusta? Nag-video call kami ni Sy kanina, wala ka," sagot nito.

"Hindi pa ako nago-open tsaka kakauwi ko lang e," sagot niya at inilapag ang bag sa sofa.

"Ah." maikling sagot ng kaibigan.

"Oh, ano? Kumusta naman ang sa inyo ni Ethan?" she asked.

"Nagtext kanina tumatawag din, bakit hindi raw ako pumasok. Hindi ko pinapansin, nagsosorry rin siya. Pagtapos niya akong pagintayin?! Who you siya," pagra-rant ng kaibigan niya.

"Kausapin mo, baka naman busy lang talaga kaya hindi nakapagreply kaagad. Tsaka, bakit ganiyan ang inaakto mo? Sino ka ba?" mataray niyang tanong.

"Aray, ha! Ang sakit mo," sagot nito. Panigurado kung kaharap nito si Ellaine ay umakto na itong nasasaktan.

Nagrant pa nang nagrant ang kaniyang kaibigan hanggang sa mapagod ito kaya tumigil na.

Pinatay na rin ni Ellaine ang tawag at nagluto ng kaniyang kakainin.

Huminto siya sa pagkain nang magring ang cellphone niya, pangalan ng daddy niya ang nakalagay kaya naman hindi siya nagdalawang isip na sagutin ito.

"Good evening po, daddy," she greeted.

"Good evening, anak. Kumusta ka naman?" he asked.

"Ayos lang naman po ako rito, kayo po ba ni mommy?" sagot niya at ngumuya.

"Ayos lang kami ng mommy mo, kinamusta lang kita. Wala kang klase bukas, anong plano mong gawin?" napahinto siya sa tanong ng kaniyang daddy.

Hindi niya alam kung sasabihin niya ba o hindi. Bahala na.

"Uhm... Nagaya po kasi si Enzo na magfood trip kaya po sasama na lang ako," hindi kaagad nakasagot ang kaniyang daddy hanggang sa ilang minuto bago ito sumagot.

"Osige. Basta't iingatan ka. Sige na, alam kong pagod ka. Good night, sweetheart."

"Good night din po, ingat po kayo ni mommy," pagtapos niyang sabihin iyon ay ibinaba na niya ang tawag.

Matapos siyang kumain ay nagbihis na siya, handa na matulog.

Umayos siya ng higa dahil hindi siya makatulog. Ayun pa rin ang ginawa niya sa mga sumunod na minuto.

Hindi siya makatulog kaya naman sinilip niya muna ang kaniya accounts. Unang-una roon ang messages ni Enzo.

Enzo Lim:

Thank you sa pagsama mo sakin kanina haha :)

Tulog ka na ata. See you tomorrow :))

Hindi mapigilan ni Ellaine ang pagngiti sa hindi malamang dahilan. Nagisip siya ng mairereply kay Enzo.

Ellaine Tolentino:

Okay, see you tomorrow. Good night, thank you sa treat.

The Gamer's End GameWhere stories live. Discover now