Alas sais nang gabi nang makauwi si Ellaine, nagulat siya dahil nakabukas ang gate ng kanilang bahay.
Dahan-dahan siyang pumasok dito ay nakitang nakapatay ang mga ilaw. Binuksan niya ang mga ilaw at nagulat nang biglang may sumigaw.
"Happy birthday!"
Napatakip siya nang kaniyang tainga nang pumutok ang confetti.
Napangiti siya sa sarili nang maalala na kaarawan niya na pala, dahil siguro sa papaging busy nito ay nakalimutan na pati ang kaniyang kaarawan.
"Nagabala pa kayo, mabuti nga naalala niyo. Ako nakalimutan ko," Ellaine chuckled.
"Ayan! Aral pa! Ayos lang naman ang mag-aral, pero ang makalimutan mo lahat ng bagay ay iba na," replied Reign.
"Alam ko naman... Tumapat lang talaga na sobrang busy ko sa mga activities. Nagugutom na ako, kain na tayo," anyaya niya.
"Sandali lang! Blow the candle muna," ani Syla at kinuha ang cake.
"Akala ko kung anong iboblow, e," Reign said and grinned.
"Ang bastos!" sagot ni Ellaine at hinampas nang mahina ang braso ng kaibigan.
"Anong bastos? Flute ang binoblow ko at mainit na pagkain. Iba ata ang nasa isip mo, e!" ani ng kaibigan at binatukan siya.
"Aray ko! Birthday na birthday ko ganiyan ka, kaibigan ka ba talaga?" she joked.
"Ay, hindi. Tao ako," replied Reign and rolled her eyes at her.
"Iblow na to, mawawala na lang yung sindi dahil sa inyo," singit ni Syla.
Mabuti na nga lang at sumingit ito dahil kung hindi ay matutuloy ang pagbabangayan nila.
Ngumiti si Ellaine at binlow ang candle.
"Nagwish ka ba?" Syla asked.
"Oo naman, secret lang."
Nagsimula silang kumain ngunit may hinahanap si Ellaine.
May parte kay Ellaine na hinahanap si Enzo, nagkausap sila nito ngunit sandali lamang.
Pakiramdam niya ay hindi nito alam ang kaniyang kaarawan... Lalo na't hindi naman niya ito nasabi.
Kung siya mismo ang may kaarawan at nakalimutan, si Enzo pa kaya na busy?
10:00 nang gabi nang umalis ang kaniyang kaibigan, pakiramdam ni Ellaine ay magisa na naman siya.
Tumungo siya sa kanilang garden at tinignan ang mga bituin. Nakatulala lang siya hanggang sa marinig na may nagdo-door bell.
Binuksan niya ito at bumungad sa kaniya si Enzo na may dalang cake at regalo. Ngumiti ito sa kaniya.
"Pasok ka."
Pumasok ang lalaki sa loob at inilapag ang mga dala.
"Saan ka galing? Gabi na ah," Ellaine asked and looked at him.
Enzo smiled at her. "Ginabi na kami sa training, next week na kasi ang laban. Pero hindi ko nakalimutan ang birthday mo."
Binuksan ni Enzo ang cake at sinindihan ang kandila.
"Pangalawang blow ko na ito ng candle," she chuckled.
"Happy birthday, precious."
"Thank you."
Inihipan ni Ellaine ang kandila at ngumiti kay Enzo na kanina pa nakangiti habang pinapanood siya.
"Hindi ako movie para panoorin mo," saad ni Ellaine at mahinang tumawa.
YOU ARE READING
The Gamer's End Game
RomanceWhen a simple girl and a renowned online gamer collide, sparks fly in unexpected ways. Ellaine Tolentino leads a humble life, oblivious to the world of social media and online gaming. Enzo Lim, on the other hand, is a gaming sensation with a massive...