"Kumusta naman ang Siargao, madame?" malokong tanong ni Reign.
Nandito sila ngayon sa kanilang room, wala pa ang ibang kaklase kaya naman nagusap muna sila.
"Ayos lang. Nandoon yung crush mo," she answered.
Bumuka ang bibig ni Reign dahil sa pagkagulat. "Crush?! Sabi ko di ko na crush si Enzo, anong ginagawa niya ron?"
"Nandoon din sila gov, e," sagot niya at humikab.
"Kung sa bagay, magkwento ka pa!" her friend said.
Nagkwento naman si Ellaine na sumabay si Enzo sa kaniya pauwi at ang kaniyang kaibigan ay kilig na kilig.
Nagko-comment ito paminsan-minsan pero mas nakikinig ito nang taimtim. Dumating na rin ang iba nilang classmates kaya naman umayos na sila ng upo at naghanda para sa susunod na subject.
"Nakakainis! Ang dami namang pinapagawa. Ano ba tayo, robot?" naiinis na tanong ni Reign habang sila ay nasa canteen.
"Oo, siguro?" sagot naman ni Syla.
"How's life, Sy?" she asked.
"Okay lang. Yung kaibigan nung crush mo, nakakausap ko. Same pala kami na mag-do-doctor," Syla answered.
"Sinong kaibigan?" Reign asked.
"Uh... I forgot, Jared? Oh yeah, Jared, he's handsome naman. And nakikita ko na seryoso sa acads, actually kagroup ko siya ngayon sa project," sagot ni Syla at tipid na ngumiti.
Nagsimula na silang kumain at nagkwento ng ibang bagay. Kung anong nangyari sa Siargao-na sumabay si Enzo sa kaniya pauwi. Magkagroup si Jared at Syla. At si Ethan naman na inaaya si Reign magdinner.
"Mukha namang seryoso ang magka-kaibigan na yon pagdating sa acads," saad ni Ellaine at tinuloy ang pagkain ng vcut.
"Sa tingin ko... Pogi naman silang lahat, mababango, pero syempre iba-iba ang pananaw nating lahat," Reign said and smiled at them.
"Uh-huh. For me okay naman, medyo type ko si Jared," nahihiyang sabi ni Syla.
Agad na nanlaki ang mga mata nila Ellaine at Reign.
"Oh my! Totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Reign.
"Kakasabi nga lang, di ba?" sabat ni Ellaine at binatukan si Reign.
"Edi sorry naman! Go mo na yan, Sy! Marami rin nagkakagusto kay Jared, malay mo type ka rin niya," ani Reign at ngumisi.
"Imposible. Ang mga katulad niyang lalaki, hindi ako tipo. Ang mga tipo nila ay iyong mga umiinom ng alak, katulad nila-teka? Bakit ko ba to sinasabi?" Syla asked herself.
Mahina namang natawa sila Ellaine at Reign dahil sa sinabi ng kaibigan. Sa tingin nila ay may crush na si Syla.
Natapos ang kanilang break time kaya naman bumalik na sila sa kaniya-kaniyang room. Naunang bumalik si Reign sa kanilang room dahil nagpaalam si Ellaine na siya magc-cr muna.
Nang babalik na siya sa kanilang room ay naabutan niya si Enzo na nakatayo sa pinto ng library at parang may hinihintay.
"Hey," Enzo said and smiled.
"Hello. Anong ginagawa mo rito? Wala kang klase?" she asked.
"Break time pa lang, ikaw? Babalik ka na sa room niyo?" he asked.
Nagsimulang maglakad si Ellaine at nararamdaman niyang nakasunod si Enzo sa kaniya.
"Oo. Sige na una na ako," paalam niya.
Inihatid siya nito sa pintuan ng kanilang room at nakita pa ito ni Reign. Nang makaalis si Enzo ay agad na hinampas ni Reign si Ellaine.
"Ano yun? Bakit may paghatid?" tanong nito ay tinaasan siya ng kilay.
"Nagkasalubong lang kami," sagot niya, walang balak magkwento.
Nakayuko lang siya hanggang sa dumating na ang kanila prof. Nakikinig siya at minsan ay sumasagot sa mga tanong nito.
"Mabuti na lang at natapos na. Sa lahat ng prof siya ang ayaw ko, nakakaantok ang boses!" reklamo ni Reign.
"Manahimik ka, kapag may nakarinig sayo, lagot ka talaga," sagot niya.
Natapos ang kanilang mga klase kaya hinintay na nila si Syla sa lugar kung saan sila laging nagkikita.
"Hindi sumasagot si Ethan," malungkot na sabi ni Reign.
"Akala ko ba magdi-dinner kayo?" she asked.
"Ayun nga e. Ghosted na ata ako," sagot ni Reign at ngumiti.
Ngunit bakas sa mukha nito na malungkot ito sa nangyari.
"Hintayin mo na lang, baka naman busy lang," pagpapagaan ng loob ni Ellaine sa kaibigan.
"Anong nangyari? Bakit ganiyan ang mukha niyan?" bulong ni Syla kay Ellaine.
Naunang naglalakad si Reign sa harap nila at silang dalawa ang nasa likod.
"Ghinost ata ni Ethan," sagot niya.
Hindi na sumagot ang kaniyang kaibigan at tumango na lamang.
When she got back to their house, she opened her social media. She saw there that Enzo chatted, he also sent a friend request but she didn't accept it right away because she just opened her social media.
Enzo Lim:
Hey? I just want to ask where you are?
Jared has a class so I don't have anyone with me.
If it's okay with you, can we have lunch together?
Ito ang chat ng lalaki kanina, kaya lang ay ngayon lang niya ito nabasa. Nakaramdam siya ng inis dahil ngayon lang niya ito nabasa, naaawa tuloy siya kay Enzo dahil hindi manlang niya ito nareplayan.
Kaya pala nakita niya ito kanina sa library. She typed a reply.
Ellaine Tolentino:
Good evening, sorry ngayon lang. Hindi kasi ako nago-open ng social media e.
Okay lang ba sayo na bukas? Treat ko. Sabay tayo lunch, sorry again :(
Wala pang ilang minuto ay nagseen na ito.
Enzo Lim:
Yeah sure, you don't need to say sorry hahaha.
No, it's okay. Treat ko bukas, nakalimutan ko kanina na hindi pala sabay ang break time natin.
She bit her finger to stop herself from smiling and typed a reply.
Their conversation continued until they didn't realize it was two in the morning.
Enzo Lim:
Okay, good night. See you tomorrow :)
YOU ARE READING
The Gamer's End Game
RomanceWhen a simple girl and a renowned online gamer collide, sparks fly in unexpected ways. Ellaine Tolentino leads a humble life, oblivious to the world of social media and online gaming. Enzo Lim, on the other hand, is a gaming sensation with a massive...