"Hindi pa rin nagrereply?" tanong ni Syla nang maupo siya sa tabi nito.
"Hindi pa. Siguro busy," malungkot na sagot nu Ellaine.
Simula noong natapos ang dinner ay hindi siya chinachat, tinatawagan, o tinetext man ni Enzo. Hindi niya rin ito nakikita sa university.
Chinat niya ito ngunit hindi ito sumasagot. Hindi rin alam ni Ellaine ang kaniyang nararamdaman ngayong wala si Enzo sa kaniyang tabi.
Pakiramdam niya ay kulang siya... Na may nawawalang parte niya.
"Girls!" malakas na bati ni Reign sa kanila at hinalikan sila sa pisngi.
Napatakip naman si Syla ng kaniyang tainga dahil sa sigaw ng kaibigan.
"Anong meron? Saya mo today," Ellaine asked.
"Hindi ako makakasabay, susunduin ako ni Ethan. Bye! Take care, love you both!" pagpapaalam nito at lumingon pa para kawayan nila.
Simula noong nagkalapit si Ethan at Reign ay bihira na lang nila ito makasama. Pero, hindi nawawala ang bonding nila sa isa't isa.
"Ang sabi mo, hindi mo tipo... Bakit ka nagkakaganiyan?" Syla asked out of nowhere and ate the remaining food on her plate.
"Hindi naman talaga... Maybe I just got used to being with him these past few days," answered Ellaine and smiled bitterly.
"Hindi naman kita masisisi, Laine. Hintayin mo, malay mo naman magchat na yan mamaya sayo. Tatanungin kita, Ellaine. Sagutin mo sana ng totoo, may nararamdaman ka ba para kay Enzo?" tanong ni Syla habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Ellaine.
Umiwas ng tingin si Ellaine at huminga nang malalim. "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayong hindi ko siya kasama, nitong mga nakaraang araw na kasama ko siya... Iba ang nararamdaman ko, parang nagwawala ang puso ko. Sa tuwing magkasama kami, pakiramdam ko ay may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko. May nararamdaman ba ako?"
"Hindi ako ang makakasagot niyan," Syla replied and smiled at her.
"Alis muna ako," saad ni Syla at ngumiti sa kaniya.
Nagtatakang nilingon ni Ellaine ang kaniyang likuran... Nakatayo roon si Enzo at nakangiti. Umupo ito sa tabi niya.
"Sorry," bungad ni Enzo habang nakayuko.
"Huh? Bakit ka naman nagsosorry?" she asked.
Napakamot ng ulo si Enzo bago magsalita. "Hindi ako nakapagsabi sayo, e. Hindi ako naging active at pumasok kasi nagtraining kami para sa next tournament. Ngayon na lang ulit kasi kami sasali."
"I understand. It's okay, kumain ka na ba?" tanong niya habang tinitignan ito.
Mukha itong pagod.
"Ah, oo. Inaantok lang ako, saglit lang kasi minsan ang pahinga namin. Ikaw? Kumain ka na?" tanong ng lalaki at tinignan siya.
"Katatapos ko lang. Umuwi ka na kaya muna? Para makapagpahinga ka," Ellaine replied and smiled at him.
Pakiramdam ni Ellaine ay kumpleto siya ngayong nasa tabi niya ang lalaking hinahanap niya.
"May klase pa ako... Maghihintay ka?" tanong ni Ellaine habang inilalagay sa kaniyang bag ang mga gamit.
"Oo, hihintayin kita. Excuse kami, sabay na tayo umuwi."
Ginawa ni Enzo ang sinabi niya. Hinintay niya si Ellaine kung saan niya nakita si Ellaine at si Syla.
Dumiretso kaagad doon si Ellaine nang matapos ang kaniyang klase at naabutan si Enzo na naglalaro ng mobile legends.
![](https://img.wattpad.com/cover/339814651-288-k116502.jpg)
YOU ARE READING
The Gamer's End Game
RomanceWhen a simple girl and a renowned online gamer collide, sparks fly in unexpected ways. Ellaine Tolentino leads a humble life, oblivious to the world of social media and online gaming. Enzo Lim, on the other hand, is a gaming sensation with a massive...