7

5 1 0
                                    

"Hindi ako makakapasok, ang lakas ng ulan. Hindi ako mahahatid at masusundo ni kuya," Syla answered, still hearing the rain behind her.

"Hindi rin daw makakapasok si Reign, ako lang pala magisa. Kanina kasi hindi umuulan, kaya pumasok ako, hindi ko alam na uulan!" Ellaine complained and stomped her feet.

"Nandiyan naman siguro si Enzo, nag-Luneta nga kayo, e. Maihatid ka pa kaya sa bahay niyo?" Syla teased her.

"Sy! Ikaw nga-" hindi natapos ni Ellaine ang sasabihin nang namatay ang tawag.

Noong pauwi kasi sila galing sa Luneta ay nakita nilang magkasama si Jared at si Syla.

Nang makita sila nito ay agad na kumaway si Jared, si Syla naman ay nahiya pa at halatang nagda-dalawang isip kung babati ba siya.

Si Syla ang tipo ng tao na mahilig mag-sikreto, hindi nga nila alam kung ano ang nangyayari kay Syla at kay Jared. Ang alam lang nila ay si Jared ang tipo ni Syla.

"Uh, hey?" Ellaine was brought back to reality when she heard her seatmate's voice.

"S-sorry, ano yon?" she asked.

"Suspended na raw ang pasok. Umuwi ka na bago lumakas ang ulan," sagot nito sa kaniya at umalis.

Tumayo kaagad si Ellaine at lumabas.

Medyo malakas pa ang ulan at wala siyang dalang payong. Hindi niya pa rin nakikita si Enzo simula noong pumasok siya.

Nakatayo lang siya sa gate at hinihintay kung kailan titila ang ulan. Nakaramdam siya na may tumapik sa kaniya, dahilan para lumingon sa kaniyang gilid.

Lumiwanag kaagad ang kaniyang mukha nang makita si Enzo.

"Ginagawa mo?" tanong ni Enzo sa kaniya.

"Hinihintay tumila ang ulan, wala akong payong," she answered.

"Ako rin. Doon tayo oh, sa waiting shed," suhestyon ni Enzo.

Wala siyang nagawa nang hatakin siya ni Enzo at tumakbo papuntang waiting shed. Hindi niya nararamdaman na may tumutulong ulan sa kanila dahil inilagay ni Enzo ang kaniyang bag sa ulo ni Ellaine.

"Ano ka ba! Baka naman ikaw ang magkasakit niyan," Ellaine said when they reached the waiting shed.

"Hindi yan, may jacket pa ako rito. Suotin mo para hindi ka lamigin," Enzo replied calmly.

Isinuot ni Enzo ang kaniyang jacket kay Ellaine. Ellaine bit her lower lip to stop herself from smiling.

"T-thank you," nauutal niyang sagot at umupo.

Umupo sa kaniyang tabi si Enzo at tinitignan kung pawala na ba ang ulan. Nang mawala ang ulan ay kaagad silang pumara sa jeep.

Sabay silang naglakad hanggang sa mawala sa tabi ni Ellaine si Enzo. Nauna na itong umuwi dahil madadaanan ng kanilang bahay ang bahay nila Ellaine.

Napahinto si Ellaine sa paglalakad nang makita ang kaniyang mga magulang na nasa sofa.

"Mom? Dad? A-ano pong ginagawa niyo rito?" tanong niya at dahan-dahang isinara ang pinto.

Natawa ng mahina ang kaniyang daddy. "Anak naman, hindi ka nasanay sa mga surpresa ng mommy mo."

"Ang alam ko po kasi ay sa susunod na linggo pa ang uwi niyo," sagot niya at nagmano sa mga ito.

"Anak, pupunta tayo sa bahay nila gov mamaya. Alam mo na naman siguro ang bahay nila Enzo, paniguradong nakapunta ka na-" pinutol ni Ellaine ang sasabihin ng kaniyang mommy.

"Mom! Hindi pa po, ah!" she said.

"Ibig sabihin ba ay... May balak?" her mom teased.

"Mommy naman!"

Tumawa ang kaniyang mga magulang sa kaniyang sinabi. Habang siya ay naiinis sa pangaasar ng mga ito.

Alam niyang totoo ang sinabi ng kaniyang mga magulang na pupunta sila sa bahay ng kanilang gov, kaya naman ay nagayos na siya.

"Ayos na ba ito?" tanong niya sa sarili habang nakatitig sa salamin.

Nakasuot siya ng isang floral dress at isang simpleng puting heels, at ang kaniyang buhok ay nakaipit, dahil sa haba nito ay nakalaglag ito.

Simple lang ang kaniyang make up, nags-spray siya ng perfume nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Nagtataka niya itong tinignan dahil unknown number ang nakalagay rito.

Sa sobrang curious niya ay sinagot niya ito.

"Hello? Sino ito?" tanong niya at inilapag ang kaniyang pabango sa lamesa.

"Shopee delivery ma'am, nandito po ako sa labas ng bahay niyo," nanlaki ang kaniyang mga mata nang marinig ang boses ni Enzo.

Agad niyang tinungo ang bintana sa kaniyang kwarto para tignan kung nandoon nga ang lalaki. Nandoon nga... Nang magkatinginan sila ay agad itong ngumiti at kumaway sa kaniya.

Ibinaba niya ang tawag at dali-daling bumaba.

"Saan ka pupunta? Mamaya pa ang alis natin," saad sa kaniya ng kaniyang mommy.

"Uh... Mom, nasa labas po kasi si Enzo," sagot niya.

"Nauna ka pa sa amin ng daddy mo, oh siya. Mukhang susunduin ka na, magingat ka. Hintayin mo na lang kami roon," sabi ng kaniyang ina at pinatakan siya ng halik sa noo.

Nakita niya si Enzo na naghihintay sa tapat ng kanilang gate, nakita nito na nasa likod niya ang kaniyang ina kaya kaagad itong lumapit.

Nagmano ang lalaki sa kaniyang ina at bumati.

"Good evening po," saad nito at ngumiti.

Matamis na ngumiti ang kaniyang ina. "Sige, ingatan mo itong anak ko. Sabihin mo sa daddy mo, mamaya-maya ay dadating na kami."

Matapos sabihin ito ng kaniyang mommy ay kaagad siyang pinagbuksan ng pintuan ni Enzo sa kotse, nagpasalamat siya at pumasok.

"Angas naman, nagpapogi pa. Me lang to," komento ni Ellaine.

"Hoy, hindi. Tigas mo naman kung ganon," natawa siya sa sagot ng lalaki.

"E, bakit? May date ka?" tanong niya.

"Wala ah. Syempre gusto ko naman na maayos ang itsura ko, lalo na may mga bisita mamaya," sagot nito.

Napangiti si Ellaine sa sagot ng lalaki. Napapansin niya na napakamaayos nito, malayo sa first impression niya noong nakita niya ito.

"Gusto mo ba munang magikot? Mamaya pa naman ang dinner," tanong ni Enzo sa dalaga habang pinapaandar ang sasakyan.

"Sure," sagot niya.

Nagikot sila sa mga lugar habang nagpapatugtog si Ellaine ng Wish You Were Here by Avril Lavigne.

"You're always there, you're everywhere. But right now I wish you were here," mahinang pagsabay sa kanta ni Ellaine habang nakasandal ang ulo sa bintana.

"Oh, tapos na kanta mo! Ako naman. Mukhang may pinanghuhugutan ka, e," saad ni Enzo nang matapos ang kanta.

Hindi na nagreklamo si Ellaine dahil alam din naman niya ang pinatugtog nito. Dandelions by Ruth B.

"And I'm pretty sure that you are that love of mine," si Enzo naman ang sumabay sa kanta.

Hindi namalayan ni Ellaine na ang tagal na pala niyang nakatitig sa lalaki at sumasabay na rin siya sa kanta.

"And I see forever in your eyes, I feel okay when I see you smile," sabay silang napangiti nang magtama ang kanilang mga mata.

Umiwas ng tingin si Ellaine at tumingin na lamang sa bintana habang sinasabayan pa rin ang kanta.

Nakita naman niya na nakatingin sa kaniya si Enzo sa salamin at sumasabay sa kanta. Sa muling pagkakataon ay nagtama na naman ang kanilang mga mata, kasabay nito ang pagkanta ni Enzo.

"Praying to God that one day you'll be mine."

The Gamer's End GameWhere stories live. Discover now