18

1 0 0
                                    

"Ano? Masarap ba?" tanong ni Ellaine.

Tumingala si Enzo, tila nagiisip. Dahilan para mas lalong kabahan si Ellaine.

"Hmm... Yes," nakahinga nang maluwag si Ellaine dahil sa sagot ni Enzo.

Ngumiti si Ellaine at sumimsim sa kaniyang shake.

"Anong flavor ginawa mo kahapon?" he asked.

"Strawberry kay Syla, and chocolates sa amin ni Reign," she answered.

Tango na lang ang ginawa ni Enzo at muling sumimsim sa kaniyang shake.

Ginawa ni Ellaine ang gusto nito, ang gawan siya ng shake dahil gustong matikman ni Enzo ang gawa niya.

Sinusulit ni Ellaine ang bawat minutong kasama niya ito dahil alam niyang mamaya ay aalis din ito.

"Uh... M-may practice ka bukas?" she asked.

Tinignan siya ni Enzo.

"Yes, may gusto ka bang puntahan at gawin? Gusto kitang makasama ngayong araw."

Yumuko si Ellaine, nakatingin sa kaniyang shake.

"Hindi na... Magpahinga na lang tayo rito, ngayon lang ang rest day mo."

Hinawakan ni Enzo ang kaniyang kamay, dahilan para lingunin niya ito.

"I don't care, love. Mas gusto kong mapagod na ikaw ang kasama ko, so, tell me. Anong gusto mong gawin ngayong araw?"

Muling yumuko si Ellaine bago sumagot.

"H-hindi na... Dito na lang tayo."

"Ellaine, I'm fine. Kaya ko, hindi ako pagod. Tell me, love."

Kahit na maraming gustong gawin si Ellaine na kasama si Enzo ay hindi niya ito sinabi, dahil gusto niyang magpahinga ito at ayaw niya na mapagod pa ito lalo sa kaniya.

"It's okay, Enzo. Magpahinga na lang tayo rito, ito ang gusto kong gawin."

Wala nang nagawa si Enzo kundi ang tumango.

Tumungo sila sa kwarto ni Ellaine. Naupo si Enzo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ellaine na buksan ang tv.

"Movie marathon tayo? Anong gusto mong panoorin?" she asked.

"Hmm... Ano bang gusto mo?" tanong ni Enzo pabalik.

"Ikaw nga ang tinatanong ko e, gusto kong ibigay ang araw na to sayo," she answered.

Huminga nang malalim si Enzo at tumuwid sa pag-upo.

"Titanic."

Tumango si Ellaine at pinlay ang Titanic.

Humiga silang dalawa at nagsimulang manood. Nakapatong ang ulo ni Ellaine sa isang braso ni Enzo, habang ang isang kamay ni Enzo ay nakayakap sa bewang ni Ellaine.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Ellaine nang makarating sila sa part na kung saan lulubog ang Titanic.

"I-ikaw ba? Handa ka bang mag-sakripisyo para sa a-akin?" tanong ni Ellaine nang matapos nila ang pinanood.

"Of course, handang-handa. Kahit ano pa man, isasakripisyo ko para sayo."

Isinubsob ni Ellaine ang kaniyang mukha sa dibdib ni Enzo at nagsimulang umiyak. Pinanood lang siya ni Enzo at hinihimas ang likod para patahanin.

"Hanggang ngayon naiiyak ako sa movie na yon. Ayon lang ata ang makakapag-paiyak sa akin, e," ani Ellaine nang makarecover sa pagiyak.

Nakaupo sila at sinusuklay ni Enzo ang kaniyang buhok.

The Gamer's End GameWhere stories live. Discover now