Papasok pa lamang si Ellaine sa kaniyang university ay nakita niya na maraming estudyante ang nagtitipon sa gate.
Sakto naman at nakita niya ang kaniyang mga kaibigan.
"Anong mayroon?" tanong niya.
"Sabi ko sayo, e! Nandito na sila Enzo Lim! Akala ko magisa lang siya, yun pala ay kasama niya yung mga kateam niya sa basketball!" kinikilig na sagot ni Reign.
"Ganiyan ba yan kasikat?" tanong niya at sinubukang tignan ang mga lalaki.
Totoo nga ang sinabi ni Reign, marami sila.
"Anak kasi ng governor, isa sa dahilan kung bakit sikat," si Syla ang sumagot.
Dumating ang ibang guards at pinapasok na sa kani-kanilang room ang mga estudyante.
"Mabuti naman," bulong ni Ellaine habang papasok sa kanilang room.
"Ano ka ba, Ellaine! Nakakahiya," bulong ni Reign at kinurot ang kaniyang tagiliran.
"Sige na, bye Sy! Kita na lang tayo mamaya," paalam niya sa kaniyang isang kaibigan.
"Oo, puntahan niyo ko kapag may kailangan kayo, okay?" sagot ni Syla at kumaway sa kanila bago pumasok sa kanilang room.
Pagtapos nilang ihatid si Syla ay dumiretso na rin sila sa kanilang room. Si Reign naman ay kinikilig na nagkkwento habang sila'y naglalakad papunta sa kanilang room.
Hanggang sa kanilang room ay tuloy-tuloy pa rin ang pagk-kwento nito tungkol sa mga lalaki kanina. Mabuti na lang at dumating na rin ang kanilang prof.
Kasama ng prof nila yung mga lalaki kanina na pinagkakaguluhan sa gate... Na kinakilig naman ni Reign.
Hinampas-hampas pa nito ang kaniyang braso sa sobrang kilig.
"Doon kayo maupo, sa tabi nila Ms. Tolentino," sunod-sunod naman na nagsiupo ang mga kalalakihan sa kaniyang tabi.
Ang umupo sa kaniyang tabi ay yung Enzo na tinutukoy ng kaniyang kaibigan, at sumunod naman dito ang mga kaibigan nito.
Natapos ang unang exam nila nang kinikilig ang kaniyang kaibigan, panay ang ngiti nito sa kaniya na parang gusto siyang itulak sa katabi niya.
"Game ka ba mamaya, bro?" tanong ng isang kaibigan ni Enzo.
"Pass ako, bro. May family dinner, e," sagot ni Enzo.
Tumayo kaagad si Ellaine at lumabas sa kanilang room, hindi niya napansin na nakasunod pala sa kaniya ang kaniyang kaibigan.
"Omg! Kinikilig talaga ako! Hindi ko na pala crush si Enzo, yung katabi na niya ang crush ko. Si Ethan," her friend said.
She has gotten used to her friend telling stories everyday that she has a crush on someone else. Nakita nila na nasa isang table si Syla, naghihintay sa kanila.
Nang makita ni Syla ang mga kaibigan, ay agad siyang ngumiti at kumaway sa mga ito.
Umupo sa tabi ni Syla si Reign at sa harap naman nila si Ellaine. Inilabas agad ni Ellaine ang kaniyang notebook para mag-review para sa susunod na exam.
"Kumain ka na muna, huwag puro aral. Baka makalimutan mo na ang sarili mo niyan," Syla said softly to her and gave her the pasta and juice that her friend ordered for her.
Iniabot din ni Syla ang para kay Reign.
"Oo nga! Pati nga pagbo-boyfriend ay wala ata siyang balak! Ano? Tatanda ka na lang na dalaga?" tanong ni Reign sa kaniya at kinain ang spaghetti na ibinigay sa kaniya ni Syla.
"Hindi naman... Wala lang talaga akong oras para sa mga lalaki, mas mabuting sa pagaaral ako mag-focus kaysa mga walang kwentang bagay," sagot niya at kinain ang pasta.
"Hindi pa rin makakabuti sayo ang ginagawa mo, Laine... Tignan mo, nakakalimutan mo na ang pagkain para riyan sa pagaaral na sinasabi mo," sabat ni Syla.
"Oo nga!" sagot naman ni Reign.
Napailing na lang siya sa mga sinasabi ng kaniyang mga kaibigan.
"Balita ko, classmate niyo yung mga crush mo sa. Sa isang subject nga lang," Syla said while looking at Reign who was eating.
"Mga crush?! Excuse me! Loyal ako kay-" hindi natuloy ni Reign ang sasabihin niya nang sumabat si Ellaine.
"Sino sa lima?"
"Grabe kayo sa akin! Kay Ethan, yung sinasabi ko sayo kanina."
"Ethan who? Akala ko ba ay yung anak ng governor ang gusto mo?" Syla asked.
"Hindi na, para kay Ellaine yun!" natatawang sagot ni Reign.
Tumingin naman si Syla kay Ellaine habang nakataas ang isang kilay. Agad na sumagot si Ellaine.
"Hoy! Hindi ko nga kilala yang mga sinasabi mo!" sagot ni Ellaine at inirapan ang kaniyang kaibigan.
"Ikaw talagang babae ka, kapag yan nainis sayo. Lagot ka," Syla whispered to Reign, enough for her to hear.
Natapos ang kanilang break time nang hindi natatapos si Reign kakakwento tungkol sa mga crush niya at sa pangaasar sa kaniyang mga kaibigan na wala namang interest sa mga lalaking nirereto niya.
Papunta sila sa kanilang susunod na subject nang may humarang na mga kalalakihan sa kaniya.
"Uh, hey? You're Ms. Tolentino, right?" Enzo asked in embarrassment.
"Sino pa nga ba" masungit na sagot ni Ellaine.
Agad naman siyang pinanlakihan ng mata ng kaibigan.
"Uh... I just want to ask where the library is," Enzo said.
"Sundan niyo ako," pagtapos sabihin ni Ellaine yon ay agad siyang tumalikod sa mga kalalakihan at pumunta sa library.
Nakikita naman niya sa gilid ng kaniyang mata ang kaniyang kaibigan na nakasunod at kinikilig, dahil nasa likod nito ang crush niya.
"Dito, may rules naman dito. Kapag maghihiram kayo ng mga libro ilagay niyo na lang dito ang pangalan niyo," saad ni Ellaine at pumasok sa library.
"Alam niyo na naman siguro ang mga rules kapag nasa library, di ba?" she asked raising an eyebrow at them.
"Yes. Thank you," Enzo replied.
Agad siyang umalis sa library at pumunta sa kanilang susunod na subject.
"Grabe! Parang huminto ang mundo kanina dahil nagkatitigan kami ni Ethan!" kwento ng kaniyang kaibigan at hinampas pa siya ng libro.
"Aray ko! Gaga ka talaga," sagot niya at ginantihan ito ng hampas.
Hindi niya alam ang kaniyang nararamdaman, sobrang lambing ng boses ni Enzo para sa kaniya. Isa siguro ito sa dahilan kung bakit maraming nagkakagusto rito.
Mukha rin naman siyang mabait. Mabango ito at gwapo, hanggang sa pagtapos ng kanilang lesson ay naaamoy pa rin niya ang pabango nito.
Huminga nang malalim si Ellaine at tinanggal sa isip ang kanilang usapan ni Enzo. Ayaw niya sa mga manlalaki dahil mga manloloko ito sa paningin niya. Pero paano kung may isang lalaki ang muling magpapabukas ng puso niya?
YOU ARE READING
The Gamer's End Game
RomanceWhen a simple girl and a renowned online gamer collide, sparks fly in unexpected ways. Ellaine Tolentino leads a humble life, oblivious to the world of social media and online gaming. Enzo Lim, on the other hand, is a gaming sensation with a massive...