9

4 1 0
                                    

Nanonood ng live si Ellaine ng tournaments nila Enzo. Masasabi ni Ellaine na magagaling talaga ang mga kateam ni Enzo.

Basketball man o online games.

Early game pa lang ay mas lamang na sila Enzo, maraming nanonood sa live at marami ring mga nagcocomment para iparating ang kanilang suporta.

Nagbabasa lamang si Ellaine ng mga comments nang mahagip niya ang isang comment dahilan para kaagad siya ay mainis.

"Go bb ko, Enzo <3"

Napairap sa hangin si Ellaine nang mabasa ang komento nito, sa sobrang inis niya ay kaagad din siyang nagtipa.

"Good luck, Enzo! I love you!"

Nang mapagtanto niya ang ginawa ay agad siyang umalis sa live at nagpapadyak ng kaniyang mga paa sa sobrang hiya.

"Alam mo ba ang ginagawa mo?!" tanong niya sa sarili habang nasa harapan ng salamin.

Maya-maya rin ay bumalik na rin siya sa live, kinakalimutan ang nangyari.

"Sana lang ay hindi niya mabasa," saad niya sa sarili.

Tuloy-tuloy lang ang laro nila hanggang sa magsalita ang isang announcer.

"Nasa third game pa lang tayo pero mukhang hindi na mahahabol ng kalaban nila Enzo ang points. Ms. Tolentino is here, good luck daw Enzo!" agad na nag-sigawan ang mga kaibigan ni Enzo at tinapik pa ang kaniyang balikat.

Nakafocus pa rin si Enzo sa laro pero ngumisi ito. Pagkatapos sabihin ng announcer na nandoon siya sa live ay sunod-sunod ang points nila Enzo.

Sila muli ang nanalo.

Tumawag si Enzo kay Ellaine pagkatapos ng kanilang live. Sinagot naman kaagad ito ni Ellaine.

"Hey? Nasa live ka kanina, ayos lang ba?" he asked.

"Ah... O-oo, ang galing mo pala," she answered.

He chuckled. "Nakita ko yung comment mo, akala ko nagbibiro lang sila. I love you."

Namula si Ellaine sa sinabi niya. Pakiramdam ni Ellaine ay nagakyatan ang kaniyang mga dugo.

"H-hey! As a f-friend kasi yon! Syempre, sinusuportahan kita," she said.

"Okay, then. Puntahan kita sa inyo," pagtapos ni Enzo sabihin iyon ay hindi na nakasagot pa si Ellaine dahil ibinaba na kaagad nito ang tawag.

Hindi mapakali si Ellaine sa sinabi ni Enzo, kanina pa siya palakad-lakad at nakahawak ang isang kamay sa kaniyang bewang at ang isa naman sa kaniyang ulo, na parang nagiisip.

"Anong gagawin ko?!" tanong niya kay Syla.

Dinaanan siya nito, paniguradong nakita ang comment niya. Inilapag ni Syla ang kaniyang bag sa table ni Ellaine at umupo sa gilid ng kama.

"Kausapin mo, mas nagmumukha kang guilty," Syla answered softly.

"Wala naman kasing meaning yon, e! Nilalagyan lang nila. Tsaka di ko siya type-" naputol ang kaniyang sasabihin nang magring ang kaniyang cellphone.

Sinagot niya ito at naramdaman niyang pumunta si Syla sa balcony, mukhang may hinahanap.

"H-hello?" she said.

"Nandito na ako," sagot ni Enzo.

"Osige, sandali lang," ibinaba ni Ellaine ang tawag at tinignan ang sarili sa salamin.

The Gamer's End GameWhere stories live. Discover now