19

1 0 0
                                    

"Hindi pa nagrereply?" Syla asked.

"Hindi pa, e... Ganito rin naman siya noong mga nakaraang araw pero may updates kahit papaano, pero ngayon... Wala talaga," she answered.

"Pansin ko nga rin, subukan mong tanungin si Rei. Siya naman ang may alam dahil laging nagu-update si Ethan," Syla said.

Tumango na lamang si Ellaine at tinuon ang pansin sa kanilang project.

Matapos ang huli nilang pagkikita ay nagsimula na naman ang trainings ni Enzo at hindi ito nakakapag-update sa kaniya hindi katulad ng dati. Na ikinabahala niya.

Natigil ang kaniyang pagiisip nang tumunog ang kaniyang telepono. Ang kaniyang mommy ang tumatawag.

Ibinaba ni Ellaine ang ballpen at sinagot ito.

"Hello, mom," she greeted.

"Hello, anak. Pupunta kami riyan mamaya ng daddy mo, okay? May paguusapan tayo," her mom said.

"Okay po."

May mga ibinilin pa ito pero hindi ito gaanong naintindihan ni Ellaine dahil pumapasok pa rin sa kaniyang isip si Enzo.

Hindi naman siya kinakabahan sa tawag ng mommy niya dahil alam niyang wala siyang ginawang mali.

"Mauuna na ako, tumawag ka kapag kailangan mo ako, okay?" ani Syla habang inilalagay sa kaniyang bag ang mga gamit.

"Thank you, Sy," she said.

Tinanaw niya ang kaibigan na papaalis, nang mawala ito sa kaniyang paningin ay malungkot siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Simula bata pa lamang si Ellaine ay nasanay na siyang mag-isa, kaya naman hindi na siya nahihirapan pa.

Ngunit, mayroon pa ring parte sa kaniya na gusto na kasama ang kaniyang mga magulang katulad ng iba.

O, kahit sino man... Lalo na't dumating si Enzo sa buhay niya.

Naupo si Ellaine sa sofa at binuksan ang tv. Nagulat siya sa bumungad sa kaniya... Ang laban nila Enzo.

"Hindi naman niya sinabing may laban pala sila," she whispered to herself.

Binuksan ni Ellaine ang kaniyang cellphone at nagcomment sa live.

Good luck, love!

Mas lalong ikinagulat ni Ellaine ang sumunod na nangyari.

"Good luck daw Enzo, comment ni Ms. Tolentino," tumawa naman ang katabi nito.

Sa mga susunod ay nakikita niya ang pagpigil ng ngiti ni Enzo at sunod-sunod ang shoot nito.

Kahit na sinusuportahan niya ito ay hindi niya maiwasang magtampo dahil sa hindi nito pagu-update sa kaniya.

Pero lahat ng iyon ay itinago niya dahil ayaw niyang sumabay sa pagod ni Enzo.

"Ang rupok, ah! Parang kakasabi mo lang kahapon sa amin na nagtatampo ka," ani Reign.

Alam niyang nakita nito ang comment niya sa live nila Enzo. Nasa sala siya nang tumawag ito.

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pagtawa dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan.

"Hindi naman. Ayaw ko lang sumabay sa pagod niya, kailangan niya rin ng suporta. Kaya ko ginawa yun," she answered.

"Hay nako! Hindi naman kita masisisi, e. Hindi sa sinusulsulan kita, Laine. Pero kasi, ni isang update wala siyang sinabi, tapos sa isang shoot lang sa game ay kinikilig ka na naman!" sagot ni Reign at mukhang nagagalit pa.

Huminga nang malalim si Ellaine nang maalala ang ginawa ni Enzo. Para sa kaniya ay ayos lang kahit na buong araw busy si Enzo basta't magu-update ito sa kaniya.

Kaya lang walang update si Enzo sa kaniya, at hindi niya nalaman na may laro sila...

Ayaw itong gawing big deal ni Ellaine, iniintindi niya ito at pilit na sinasabi sa sarili na baka sobrang busy lang kaya't hindi nagu-update.

Dahil mahal niya ito, kaya may tiwala siya rito. Ani nga ni Ellaine, paano tatagal ang isang relasyon kung wala kayong tiwala sa isa't isa?

"Oh, ano? Hindi ka makasagot? Sa bagay, desisyon mo yan. Nandito lang ako kung ano ang desisyon mo, sige na may pupuntahan pa ako. Love you, girl!" napabalik sa reyalidad si Ellaine nang marinig ang boses ni Reign.

Umayos siya ng upo bago sumagot.

"O-okay, love you too. Take care," matapos niyang sabihin ito ay ibinaba niya ang tawag.

Nagsimula na namang pumasok sa isipan ni Ellaine ang sinabi ni Reign. Kahit kailan ay hindi niya magawang magalit.

Sa mga kaibigan man, o sa mga magulang... Lalo na kay Enzo.

"Ano ba yang iniisip mo, Ellaine? Nababaliw ka na ba?" bulong niya sa kaniyang sarili.

Tumayo si Ellaine at umakyat sa kaniyang kwarto. Napahinto siya nang maalala ang mukha ni Enzo na nasa kwarto niya.

Kahit saan ay nakikita niya ito, at iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang pumasok sa isang relasyon.

Dahil alam niyang dadating ang araw na iiwan siya nito at maghihiwalay sila ng landas.

Pero noong dumating si Enzo ay muli niyang binuksan ang puso niya.

Umiling-iling si Ellaine sa sarili at naupo sa gilid ng kaniyang kama. Kinuha niya ang laptop niya at binuksan ang kaniyang social media.

Bumungad sa kaniya ang isang post ng kanilang university.

"Let's congrats our basketball player for winning, again!"

Napangiti siya nang malaman na nanalo sila Enzo. Dahil alam niyang pinaghirapan nila ito.

Pero kahit na ganon ay naiisip pa rin ni Ellaine na... bakit nagagawa iyon ni Enzo para sa basketball?

"Mas mahalaga ba ang basketball kaysa sa akin?" tanong niya kay Syla.

"Mas mahalaga ka. Laro lang yun, Ellaine," Syla said.

"Itigil mo na nga yan, gaga to! Ngayon ka lang uminom. Huwag mong sanayin ang sarili mo, amin na yan," ani Reign sa kaniyang tabi at inagaw ang hawak niyang alak.

Hinayaan niyang kunin ito ni Reign, yumuko siya at nagsimulang umiyak. Naramdaman niya naman ang kamay ni Syla na hinihimas ang kaniyang likod upang tumahan siya.

"Hello? Oo, nandito kami kanila Sy. Pakisundo na siya," rinig niyang saad ni Reign sa telepono.

"Ano? Sinong susunduin? Ayaw ko pang umuwi," lasing na saad ni Ellaine.

Niyakap niya si Syla at ngumuso rito.

"Ayaw ko pa umuwi, Sy! Dito muna ako, okay? Okay," aniya.

"Oo, magpahinga ka na," sagot ni Syla.

Unti-unting nakaramdam ng antok si Ellaine, naririnig na lang niya ang boses nila Syla na may kausap ngunit hindi niya idinidilat ang kaniyang mga mata para tignan kung sino ito.

"Magiingat kayo, noong nakaraan pa yan nagtatampo sayo. Hindi lang niya sinasabi," rinig niyang ani Syla.

"I know, Sy. Kaya nandito ako ngayon, maguusap kami bukas."

Nang marinig niya ang boses na yon ay idinilat niya ang kaniyang mga mata, alam niya kung kaninong boses iyon...

Muli siyang nakaramdam ng pangungulila nang marinig ang boses ng taong matagal na niyang hinihintay.

Naramdaman niya na lang na may bumuhat sa kaniya at inilapag siya sa isang lugar kung saan komportable siya.

"Enzo..." she whispered.

"Yes, love? Nandito ako," narinig niyang sagot ng kaniyang katabi.

Umiyak siya nang marinig ang sagot nito... Iniisip na baka nananaginip lang siya at dala lamang ng pangungulila.

Naramdaman niya na hinimas nito ang kaniyang pisngi at pinatakan ng halik ang kaniyang noo.

"I love you, sweet dreams," that was the last thing she heard before falling asleep.

The Gamer's End GameWhere stories live. Discover now