"Nakakapagod!" said Reign when she sat down on the sofa.
"Pagod din ako pero hindi ko sinabi," saad ni Ellaine at naupo sa tabi ni Reign.
"Edi sorry kung hindi mo sinasabi! Gusto ko magpa-massage. Massage tayo, Laine!" anyaya ni Reign sa kaniya.
"Sige. Tawagan ko si Sy."
Tinawagan niya si Syla na kaagad namang sumagot, naghintay sila nang ilang minuto hanggang sa dumating na ito.
"Ano na namang trip niyo?" tanong ni Syla nang makababa siya sa taxi.
"Wala naman, gusto lang namin magpa-massage. Let's go, girls!" Reign said excitedly and pulled them to the car.
Ellaine felt relaxed while they are being massaged.
Ipinikit ni Ellaine ang mga mata nang biglang may nag-ring ang kaniyang cellphone.
Enzo is the caller.
"Hello," she said.
"Hey, where are you? Susunduin sana kita," Enzo replied.
"Nandito kami sa mall, nagpapa-massage. Sunduin mo ako?" Ellaine asked.
"Yeah, sure. Patapos na ba kayo?"
"Yes..."
"Okay, then. I love you."
Ellaine bit her lower lip to stop herself from screaming.
"O-okay... I love you."
Hanggang sa pagbaba ng tawag ay nakangiti pa rin si Ellaine.
"Anong nakakakilig?" Syla asked.
Napabalik si Ellaine sa reyalidad nang marinig ang tanong ng kaibigan na nasa tabi niya.
"W-wala... May naiisip lang."
Tumango si Syla pero halata rito na hindi naniniwala sa sagot niya.
Matapos noong nagusap sila ni Enzo sa Laguna ay sinimulan nitong ligawan siya nang hindi siya tinatanong kung pwede bang manligaw.
Walang nakakaalam kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa, kahit pa ang kanilang mga kaibigan.
Matapos silang magpa-massage ay naunang umalis si Ellaine dahil naghihintay na si Enzo sa kaniya.
"Saan ka ba pupunta? Bakit ka nagmamadali?" Reign asked.
"B-basta! Magpapahinga na kasi ako," sagot ni Ellaine habang inaayos ang bag.
"Bakit? Matitigok ka na ba?" tanong ni Reign at tinaasan siya ng kilay.
"Hoy! Gaga! Bunganga mo," saad ni Ellaine at inirapan ang kaibigan.
"Hayaan mo na. Baka pagod talaga siya," singit ni Syla.
Mabuti na nga lang at sumabat ito dahil kung hindi ay hindi siya makakaalis.
"Bye na, ingat kayo!"
Hinalikan niya sa pisngi ang mga kaibigan at tuluyang umalis. Dali-dali siyang pumunta sa parking ng mall at naabutan doon si Enzo na nakatayo sa sasakyan at hinihintay siya.
Nang makita siya nito ay kaagad itong lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa labi.
"Kumusta? Nakapag-relax ka ba?" tanong ni Enzo at kinuha ang bag ni Ellaine.
Sabay silang nagpunta sa kotse ni Enzo at pinagbuksan naman siya ni Enzo ng pintuan.
"Oo, ikaw? Wala kang laro ngayon?" tanong ni Ellaine at ngumiti kay Enzo.
YOU ARE READING
The Gamer's End Game
RomanceWhen a simple girl and a renowned online gamer collide, sparks fly in unexpected ways. Ellaine Tolentino leads a humble life, oblivious to the world of social media and online gaming. Enzo Lim, on the other hand, is a gaming sensation with a massive...