Nagising nang masakit ang ulo si Ellaine. Hinawakan niya ang ulo at dahan-dahang idinilat ang mga mata.
Tumingin siya sa kaniyang gilid at nakita sa lapag ang kaniyang clip, bag, at heels.
Naalala niya ang huling narinig niya bago makatulog, dahil dito ay nilingon niya ang kabila niyang gilid.
Umiling-iling siya sa kaniyang sarili at dahan-dahang tumayo. Muntik pa siyang matumba mabuti na lamang at nakahawak siya sa table.
Nang buksan niya ang pinto ay bumungad ang likod ng isang pamilyar na lalaki... Na sa tingin niya ay ang lalaking hinihintay niya.
"E-Enzo?" nauutal niyang tanong.
Lumingon ang lalaki, at katulad ng inaasahan ay si Enzo iyon.
"Hey, ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" tanong ni Enzo at lumapit sa kaniya para alalayan siya.
Hinawi niya ang kamay nito at umiwas ng tingin.
"Ayos lang ako."
Dumiretso siya sa sofa at doon umupo, sumunod naman si Enzo sa kaniya.
"Let's talk, Ellaine."
Binuksan ni Ellaine ang tv nang hindi nililingon si Enzo.
"Naguusap na tayo," seryoso niyang sagot.
Huminga nang malalim si Enzo at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Ellaine.
"Hindi yung ganito... Pagusapan natin yung relasyon natin, ayaw ko na ganito-" naputol ni Enzo ang sasabihin nang magsalita si Ellaine.
"Sino bang nagsabi na gusto ko ng ganito? Pagod na pagod na ako, Enzo... Kung alam mo lang..."
Nakaramdam ng luhang tumutulo si Ellaine sa kaniyang pisngi. Yumuko siya at kasabay naman nito ang pagpatay ni Enzo sa tv.
"I'm sorry, love... Alam ko kung anong pagkakamali ko, pasensya kung hindi ko alam na pagod na pagod ka na..."
Huminga nang malalim si Enzo bago magsalita.
"K-kasi pagod na rin ako, e. H-hindi ko alam kung anong nangyayari sa a-akin kapag wala ka sa tabi ko, Ellaine... K-kung alam mo lang."
Dahan-dahang inangat ni Ellaine ang kaniyang ulo at tumingin kay Enzo.
Bumungad sa kaniya ang namumulang mata ni Enzo, pinipigilan ang pagiyak.
"A-alam mo kasi E-Enzo... Iniisip ko kung anong mayroon sa basketball, b-bakit mo nakayang hindi ako iupdate? Ang oa ko ba para rito? Lagi akong nagiisip na baka may iba ka na... Na baka may nagawa akong mali kaya hindi mo ako kinakausap... B-bakit si Jared? Si E-Ethan? Hindi nawalan ng o-oras sa mga kaibigan ko, p-pero ikaw? A-alam mo bang araw-araw kong tinatanong kanila Syla kung nababanggit ba nila ikaw? K-kung kumusta ka? P-pero lahat ng yun, kinakalimutan ko... Kasi mahal kita, e. M-may tiwala ako sayo, kaya lahat ng pago-overthink ko na may iba ka na ay binubura ko," said Ellaine crying.
"I-I'm sorry... Hindi ko alam na ganiyan ang nararamdaman mo... Pasensya ka na, mahal... Walang iba, ikaw lang. Hindi ka oa, dapat lang na iupdate kita sa mga nangyayari dahil girlfriend kita... At doon ako magkamali. I've been too tired and stressed these past few days so I haven't been able to update you... D-dahil alam kong nandiyan ka lang palagi sa tabi ko, akala ko sasaya ako kapag nanalo kami... Pero mali ang akala ko, dahil sayo ko lang naramdaman ang saya, mahal..." Enzo answered and took a deep breath before continuing.
"Hindi ko alam na yung ginagawa ko ay kinakaoverthink mo na, mahal na mahal kita, Ellaine... Kung alam mo lang... Walang makakatumbas sayo."
Umiwas nang tingin si Enzo at tumingala, pinipigilan ang mga luha.
"You know what? Magpahinga ka na muna, alam kong pagod ka. Ganun din ako, magpahinga muna tayo... Pwede ba?" ani Ellaine.
Tinignan siya ni Enzo.
"Hindi... Magpahinga ka, pero nandito lang ako. Sasamahan kita rito," he answered.
"Ikaw ang magpahinga, kaya ko ang sarili ko."
"Ikaw ang nagsabi na pagod na pagod ka na, Ellaine... Please? Hayaan mo akong bumawi," he said.
Wala nang nagawa si Ellaine kundi ang pumayag. Bago tumayo si Enzo ay hinalikan siya nito sa noo.
Tumayo rin si Ellaine at dumiretso sa garden.
Iniisip kung ano ang mga pinagdaanan ni Enzo nitong mga nakaraang araw na hindi sila magkasama.
Paano kung mas matindi pala ang pinagdaanan ni Enzo kaya't hindi siya nito makausap? Oa lang ba siya masyado? Ayan ang mga tanong na pumapasok sa kaniyang isip.
Nagsimula na namang tumulo ang kaniyang mga luha. Tumingala si Ellaine at pinunasan ang mga luhang tumulo.
"Mahal na mahal ko siya..." bulong niya sa kaniyang sarili.
Nagsimulang humikbi si Ellaine, nang maramdaman na may yumakap sa kaniya.
"Mahal na mahal din kita..."
Sinubsob ni Ellaine ang mukha niya sa dibdib ni Enzo at nagsimulang humikbi nang malakas.
Humikbi nang humikbi si Ellaine hanggang sa maramdaman na lang niyang nakatulog siya sa dibdib ni Enzo.
"Kumusta ang tulog mo?" he asked.
"Ayos lang, medyo nagugutom lang ako," answered.
"Uh-huh? Let's eat, nagluto ako," he chuckled.
"Ang sarap ha! Namiss ko ang luto mo," ani Ellaine at humigop ng sabaw.
"Sakto lang pala ang luto ko, e!"
"O baka naman gutom lang talaga ako kaya ko nasabing masarap?" pang-aasar ni Ellaine.
Umaktong nasaktan si Enzo at hinawakan ang kaniyang dibdib.
"Ang sakit! Ouch!"
Pagtapos nilang kumain ay nagsimulang magkwento si Enzo ng mga nangyari sa kaniya.
"Kaya di ako nakapagupdate sayo, sila Jared at Ethan minsan nagccr para makausap sila Sy. Di ako makatakas minsan kasi gagawa pa ako ng mga activities."
"Nakakatakot naman pala, mas okay na rin iyon. Baka magaway lang din tayo noong araw na yon, hindi ka makafocus sa laro," she answered.
"Hindi makafocus? E, buong laro nga hindi ako makafocus. Kung napanood mo lang ang simula, hindi ako makashoot kakaisip sayo. Noong nagcomment ka roon pa lang ako nakafocus, kaya pansin mo? Sunod-sunod ang shoot ko!"
Natawa si Ellaine sa pagkkwento ni Enzo.
"Sus! Ikaw pa ba? Alam kong kayang kaya mo!" she chuckled.
"I love you, mahal. Tulog na tayo?" he asked.
"Oo, alam kong pagod ka na. Humiga ka na rito," ani Ellaine at pinatay ang ilaw.
Tumabi siya kay Enzo at naunang makatulog.
"I'm so thankful that you are my girlfriend, thank you for being understanding and caring, mahal ko," he whispered and kisses her forehead.
![](https://img.wattpad.com/cover/339814651-288-k116502.jpg)
YOU ARE READING
The Gamer's End Game
Storie d'amoreWhen a simple girl and a renowned online gamer collide, sparks fly in unexpected ways. Ellaine Tolentino leads a humble life, oblivious to the world of social media and online gaming. Enzo Lim, on the other hand, is a gaming sensation with a massive...