ENZO
"Bro, kain muna," ani Jared na nasa gilid na niya.
Lumingon sa kaniya si Enzo at tumango lamang.
"I'm good," he answered.
"Kinuha ni coach cellphone ko para raw makapagfocus, sarap ireklamo," Jared chuckled.
Natanaw nila si Ethan na papunta sa kanilang direksyon.
"Really? Kaya hindi ko mailabas ang cellphone ko. Kumusta kaya siya?" Enzo said.
"She's fine, sinabi sa akin ni Rei. Alam ko naman na maiintindihan ka ni Ellaine," singit ni Ethan.
"I hope so. Sana hindi siya bumigay."
"Go! More practice! Tandaan niyo, ito na ang bukas na ang last practice. Ewan ko na lang kapag natalo," masungit na sigaw ng kanilang coach.
Naupo sa gilid si Enzo at tumingala. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga.
"I miss her..." he whispered to himself.
"Same," saad ni Jared na nasa gilid na niya pala.
Ayaw ni Enzo na magisip o mag-overthink si Ellaine sa kaniya. Alam niyang iniisip din siya nito dahil ilang araw siyang hindi nagbubukas ng social media.
Palagi niyang iniisip si Ellaine, maiintindihan niya kaya si Enzo?
"Good luck daw Enzo, comment ni Ms. Tolentino."
Nang marinig iyon ni Enzo ay sinimulan niyang seryosohin ang laro, ayaw niyang makita ni Ellaine na wala siyang gana.
Comment pa lang iyon ni Ellaine, paano pa kaya kapag nakita niya ito sa personal? Baka maiyak pa siya.
"Good job!" bati ng kanilang coach nang matapos ang laro.
Sila ang nanalo, kahit papaano ay nasuklian ang kaniyang pagod.
"Sama ka ba, bro? Pupunta kami kanila Syla," Jared asked.
"Para saan? Nandoon ba siya?" he asked.
"You know, party para sa mga sakripisyo, haha! Oo naman, siya pa ba? E, mga kaibigan niya yun," Jared answered.
"Yeah, sure," walang pagaalinlangang sagot ni Enzo.
Naunang pumunta roon sila Jared, habang si Enzo naman ay naligo at nagbihis pa. Nang nasa sasakyan na siya ay tumunog ang kaniyang telepono.
Nakita niyang si Reign ito kaya naman hindi siya nagdalawang isip na sagutin ito.
"Hello? Nandiyan ba si Ellaine?" he asked.
"Hello? Oo, nandito kami kanila Sy. Pakisundo na siya," sagot ni Reign.
"Okay, wait me please. Thank you."
"Ano? Sinong susunduin? Ayaw ko pang umuwi," rinig niyang saad ni Ellaine na ikinatawa niya.
Kaagad na binaba ni Enzo ang tawag at binilisan ang pagpapatakbo.
"Magiingat kayo, noong nakaraan pa yan nagtatampo sayo. Hindi lang niya sinasabi," ani Syla.
"I know, Sy. Kaya nandito ako ngayon, maguusap kami bukas," he answered.
Tinanguan na lamang siya ni Syla at pinanood silang umalis.
Dahan-dahang inilapag ni Enzo si Ellaine sa kaniyang kama at kinumutan ito.
"Enzo..." he heard her whispered.
"Yes, love? Nandito ako," he answered.
Nang hindi sumagot si Ellaine ay dahan-dahang tumayo si Enzo at inayos ang mga gamit ni Ellaine.
YOU ARE READING
The Gamer's End Game
RomanceWhen a simple girl and a renowned online gamer collide, sparks fly in unexpected ways. Ellaine Tolentino leads a humble life, oblivious to the world of social media and online gaming. Enzo Lim, on the other hand, is a gaming sensation with a massive...