"Wow! Nagpaganda talaga!" Reign complimented Ellaine.
"Thank you," Ellaine said and smiled at her.
"Alam mo, kung gusto ka talaga ni Enzo hindi yun titingin sa iba, hindi makikipag-balikan sa ex niya. Kung makikipag-balikan siya, isa lang ang ibig sabihin non... Hindi ka niya gusto," Syla replied and sat on the edge of the bed.
"Tama! Hayaan mo silang maghabol sayo, huwag ikaw ang maghabol!" said Reign and flipped her hair.
"Let's take a picture!" ani Ellaine at hinatak si Syla na nakaupo sa gilid ng kama.
Ngumiti silang tatlo sa camera at nag-posing, si Reign ang may hawak ng camera. Nakailang take pa sila bago sila tuluyang magayos.
Maayos na si Reign at Syla, pinuntahan lang nila si Ellaine.
Ellaine wore a light blue tank top with a white crochet cover-up, paired with denim shorts and brown leather sandals. She also brought along a wide-brimmed straw hat and a pair of oversized sunglasses to protect herself from the sun. To complete the look, she wore a delicate gold necklace and a few simple bracelets on her wrist.
Tumawag na rin si Enzo kaya naman bumaba na sila. Kasama ni Enzo si Jared at si Ethan, nakavan sila para magkasya sila.
Magkatabi si Enzo at si Ellaine, si Ethan at si Reign naman ang nasa driver at passengers seat, habang si Syla at si Jared naman ang magkatabi sa dulo.
Ayaw pa nga ni Syla na tumabi kay Jared ngunit pinilit na nila ito, si Jared naman ay nakasunod lamang kay Syla at tinulungan pa itong buhatin ang mga dala.
Ethan whistled as he looked at Jared and Syla. "May lover's quarrel yung dalawa sa likod."
Mahinang natawa si Enzo sa tabi ni Ellaine, hinampas naman ni Reign ang braso ni Ethan.
"Mag-drive ka na nga lang diyan! Sasapakin kita, e!" Reign said.
"Oo na, ito na po boss," sinimulan na ni Ethan ang pada-drive, mukhang natakot kay Reign.
Sinilip si Ellaine si Syla na tahimik lamang sa likod, nakayuko lang ito at nilalaro ang mga daliri.
"Ang tahimik niya," Enzo whispered next to her.
"Ganiyan talaga siya," Ellaine replied and smiled at him.
Tahimik ang van, si Enzo at si Ellaine ay nagbu-bulungan lang, habang si Reign ay nakasandal ang ulo sa balikat ni Ethan at umiidlip.
Nang lingunin ni Ellaine sila Syla ay nagulat siya sa nakita niya, nakahiga ang ulo ni Syla sa dibdib ni Jared habang si Jared naman ay nakayakap dito. Parehas silang nakapikit.
Nang lingunin ni Ellaine si Enzo ay nakita niya na mukhang inaantok na rin ito.
"Inaantok ka?" she asked.
"Medyo," he answered.
Tinignan ni Ellaine ang paligid, medyo masikip dahil dala nila ang kani-kanilang gamit.
"Sumandal ka na lang sa balikat ko, magpahinga ka muna. Medyo malayo pa naman," she said.
"Ikaw?" tanong ni Enzo.
"Iidlip din ako."
Nakatulog si Enzo nang nakasandal sa balikat ni Ellaine. Si Ellaine naman ay nakatulog din.
Mga 10:00AM na sila dumating sa Laguna, mabuti na lang at malinis pa ang kalsada at maaga silang umalis. Dahil kung hindi ay baka natraffic na sila.
Naunang bumaba sa kaniya si Enzo at tinulungan si Ellaine na kunin ang mga gamit.
Nandoon na ang ibang kaibigan nila Enzo, may mga babae at magaganda ang mga ito. Hindi maiwasan ni Ellaine na isipin kung sino roon ang ex ni Enzo.
"Tara na, Laine," hindi niya napansin na nasa tabi na pala niya si Syla.
Hinawakan niya ito at pumunta sa isang upuan. Ibinaba niya ang kaniyang mga gamit at nagpunta sa lake.
Wala pa si Reign dahil may dinaanan pa sila ni Ethan na bilihan ng pagkain, sinundan naman ni Syla si Ellaine.
"May problema ba?" tanong ni Syla kay Ellaine at tumabi rito.
"Wala... Iniisip ko lang yung sinabi ni Reign last night, na nandito yung ex ni Enzo," she said and faked a smile.
"Huwag kang ngumiti, alam kong peke yan. Gusto mo ba si Enzo?" Syla asked.
Tumingin sa kawalan si Ellaine at sumagot.
"Oo."
"Kaya pala ganiyan ang nararamdaman mo. Tapatin mo siya kung gusto mo kaysa tinatago mo ang nararamdaman mo. Kausapin mo siya," Syla said and smiled at her.
Naputol ang kanilang pinaguusapan nang dumating si Jared.
"Sy, hindi ka ba magpapalit?" Jared asked.
Tinapuna ito ng tingin ni Syla. "Nakalimutan ko, magpapalit lang ako, Laine. Babalikan kita, diyan ka lang."
Nginitian ito ni Ellaine at pinanood silang umalis. Kasabay naman nito ang pagdating nila Reign.
"Yung babaeng naka-red na croptop, si Klea. Yun yung ex ni Enzo," bungad ni Reign at umupo sa tabi ni Ellaine.
Hinanap ng mga mata ni Ellaine si Klea, nakita niya itong nakikipagtawanan sa mga kaibigan nito.
Yumuko si Ellaine, nakaramdam siya na parang nai-insecure siya. Naramdaman niya rin ang pagdampi ng palad ni Reign sa kaniyang likod.
"Alam ko ang nararamdaman mo, maganda ka, Ellaine. Hindi mo kailangan na icompare ang sarili mo sa iba, gusto mo na si Enzo, right? Kung ako sayo, umamin ka na. Tsaka ang sabi sa akin ni Ethan, matagal na ring hiwalay sila Klea, friends na nga lang daw. Go mo na!" Reign said.
"Hindi ko alam, e... Hindi ko alam, Rei. Siguro ay hindi pa ako handa, siguro sa susunod na lang... Kapag kaya ko na," she said and smiled at Reign.
"Desisyon mo yan, basta nandito lang kami lagi ni Sy kung ano man ang desisyon mo," Reign said.
Lumangoy si Reign sa lake at natatawang hinatak si Ellaine. Maya-maya rin ay bumalik na rin si Syla na nakasuot ng isang simpleng croptop at isang shorts.
Ayaw nito lumangoy at naupo lamang sa gilid kaya naman nagplano sila Reign at Ellaine kung paano ito pabababain.
"Sy! Help me!" sigaw ni Ellaine at itinataas ang isang kamay.
Kaagad na nag-panic si Syla at lumapit kay Ellaine. Kinabahan naman si Ellaine nang makita si Enzo na tumatakbo papalapit sa kaniya.
Nang hahawakan na ni Syla ang kamay ni Ellaine ay siyang pagtalon ni Enzo sa lake. Hinawakan ni Enzo si Ellaine at ipinaupo sa gilid.
"Are you okay?!" Enzo asked.
"Epic fail tuloy! Gusto ko lang naman iprank si Sy. Tapos hahatakin ko siya," Ellaine explained.
"Huwag mong uulitin yon, Ellaine, okay?! Kinakabahan ako para sayo!" Enzo said.
Nakayuko lang si Ellaine habang si Enzo naman ay pinapagalitan siya. Lumapit si Syla kay Ellaine na may dalang towel at ibinalot sa kaniya.
"Kinabahan ako sayo, huwag mong uulitin yon. Hahatakin mo pa ako!" Syla said and chuckled.
"Epic fail naman," Ellaine replied.
Umahon si Reign at tumabi sa kanilang dalawa.
"Ayan, oh! Si Rei ang may kasalanan. Siya talaga may plano," saad ni Ellaine na ikinatawa naman ni Reign.
"Napagalitan, yun lang pala ang titiklop sayo e," said Reign.
YOU ARE READING
The Gamer's End Game
RomanceWhen a simple girl and a renowned online gamer collide, sparks fly in unexpected ways. Ellaine Tolentino leads a humble life, oblivious to the world of social media and online gaming. Enzo Lim, on the other hand, is a gaming sensation with a massive...