15

3 1 0
                                    

Maagang nagising si Ellaine para mag-pinta. Nagsimula niyang ipinta ang litrato nilang magka-kaibigan.

Hindi nagdalawang isip si Ellaine na ipinta rin ang kanilang litrato ni Enzo. Ang unang litrato nilang magkasama sa Luneta.

Ilang oras ang lumipas bago natapos si Ellaine, kasabay naman nito ang pagtawag ni Enzo sa kaniya.

"Hello," bati ni Ellaine habang nililigpit ang kaniyang mga ginamit.

"Nandito ako sa baba, may pupuntahan tayo," matapos itong sabihin ni Enzo ay kaagad nitong ibinaba ang tawag.

Palaging biglaan ang mga anyaya ni Enzo sa kaniya, kaya minsan ay nasasanay na siya.

Mabilis siyang kumilos at naabutan si Enzo na nakatayo sa kotse at nakatanaw sa bahay. Katulad ng pwesto nito tuwing hinihintay siya.

"Hi!" Ellaine greeted happily.

Hinalikan siya ni Enzo sa pisngi.

"Hello, precious."

Nang makapasok sila sa kotse ay kaagad na nagtanong si Ellaine.

"Saan tayo pupunta?" Ellaine asked.

"Secret, surprise," Enzo replied and smirked.

"Surprise? Tapos na ang birthday ko," she chuckled.

"Bakit? Pwede namang iextend," Enzo chuckled.

Mahina niyang hinampas ang braso nito at tumawa.

Nang makarating sila sa lugar ay kaagad na bumaba si Ellaine.

"Luneta?!" Ellaine asked.

"Uh-huh, kukunin ko lang ang mga gamit natin. Huwag kang lalayo, okay?"

Umiling si Ellaine dahil sa sinabi ni Enzo. Pakiramdam niya ay para siyang batang pinagbabawalan na umalis.

Lumingon si Ellaine sa paligid at napangiti sa sarili. Tinignan niya si Enzo na dala-dala ang kanilang mga gamit.

Humanap sila ng pwesto at inilagay roon ang picnic mat, mayroong mga dalang prutas at iba pang pagkain si Enzo.

May dala rin siyang mga colored paper at mga gamit sa pagpipinta.

"Magpa-paint ulit tayo?" tanong ni Ellaine at naupo sa tabi ni Enzo.

"Yes. May naisip na akong idea, e," Enzo answered.

"Anong gagawin sa colored paper?" tanong ni Ellaine at hinawakan ang colored paper.

"Paper rings."

Nagpinta muna sila bago gumawa ng paper rings. Ipininta naman ni Enzo ang itsura nila noong unang punta nito sa laban niya sa basketball.

At ang kay Ellaine naman ay ang litrato nila na sabay kumakain sa canteen.

"Oh, game! 1, 2, 3!"

Nang matapos ang bilang ay sabay nilang ipinakita ang kanilang mga ipininta.

"Wow... I love it," ani Ellaine habang tinitignan ang ipininta ni Enzo.

"I love you," said Enzo while looking at her and holding what she painted.

Namula ang mukha ni Ellaine at umiwas ng tingin. Nagsimula na naman niyang maramdaman ang mga paru-paro sa kaniyang tiyan.

"Pahinga muna!" ani Ellaine at nagsimulang balatan ang mangga.

"Sus, gutom ka lang, e," pang-aasar ni Enzo.

"Ano naman? Huwag mo akong inaasar, pikunin pa naman ako. Baka iwan kita rito," sagot ni Ellaine at inirapan si Enzo.

"Wala namang ganiyanan, precious! Malalagot ako sa magulang mo at magulang ko, e," saad ni Enzo at lumapit kay Ellaine at niyakap ang bewang niya.

Pinatong ni Enzo ang kaniyang ulo sa balikat ni Ellaine. Tinignan siya ni Ellaine at sinubuan ng mangga.

Nang matapos sila ay tumayo si Ellaine at tumakbo papalayo. Nataranta naman si Enzo at tumayo para sundan si Ellaine.

"Habulin mo ko!" natatawang sigaw ni Ellaine.

"Talaga! Lagot ka sakin kapag nahabol kita!" sigaw pabalik ni Enzo at binilisan ang pagtakbo.

Nang mahawakan niya si Ellaine at kaagad niya itong binuhat na parang sako.

"Aray ko! Kapag yung dugo ko napunta sa ulo, ibubunton ko sayo," pananakot ni Ellaine.

Dahil sa sinabi nito ay kaagad niya itong ibinaba.

"Akala mo di kita mahahabol? Basketball player ata to," pagmamayabang ni Enzo.

"Ah, talaga ba?" sagot ni Ellaine at inirapan ito na siya namang ikinata ni Enzo.

Inakbayan siya ni Enzo hanggang sa makarating sila kung saan nila inilagay ang mga gamit nila.

Gumawa sila ng paper rings at minsan ay sinusubuan naman ni Enzo si Ellaine ng saging na kaniyang hinawa-hiwa para kay Ellaine.

"Charan!" masayang sabi ni Ellaine at ipinakita kay Enzo ang kaniyang ginawa.

Ngumiti sa kaniya si Enzo at ipinakita rin ni Enzo ang kaniyang ginawa.

"Will you marry me?" seryosong tanong ni Enzo kay Ellaine at nakatingin sa mga mata nito.

"Yes!" masayang sagot ni Ellaine at isinuot ang gawa ni Enzo na paper ring.

Natawa si Enzo sa ginawa ni Ellaine at isinuot na lamang ang paper ring na ginawa ni Ellaine.

Ginabi na sila bago makauwi. Mabuti na lamang at medyo traffic lang ang kanilang dinaanan.

Umidlip si Ellaine sa balikat ni Enzo habang si Enzo naman ay nagdadrive. Alas otso ay nagising na si Ellaine at sakto na kakapasok pa lamang ni Enzo ng kotse sa gate.

Kinusot ni Ellaine ang mga mata at tinapunan ng inaantok na tingin si Enzo.

"Nandito na ba tayo?" Ellaine asked tiredly.

"Uh-huh. Diretso ko na ba sa inyo o maglakad na lang tayo papunta roon?" tanong ni Enzo at tinignan siya.

"Maglakad na lang. Para magising ako."

"Okay."

Naunang lumabas sa kotse si Enzo at pinagbuksan ng pintuan si Ellaine. Naglakad sila at nagkwentuhan.

Tinignan ni Ellaine ang singsing na ginawa ni Enzo na kaniyang suot, napangiti siya sa sarili.

"Ang ganda," Ellaine whispered.

"Sobra," sagot ni Enzo na nasa gilid niya at nakatingin sa kaniya.

Nang magtama ang kanilang mga mata ay kaagad na umiwas si Ellaine dahil naiimagine niya na sobrang pula na ng kaniyang mukha.

Huminga nang malalim si Enzo at tinignan ang singsing na ginawa ni Ellaine. Hindi niya rin maiwasan na mapangiti.

"Magisa ka lang ba ngayon sa inyo?" Enzo asked.

"Oo," Ellaine answered.

Umihip ang malakas na hangin at sobrang lamig nito, naramdaman ni Ellaine ang kalamigan.

Napansin ito ni Enzo at sakto naman na suot pa nito ang jacket na suot noong nagpunta sila sa Luneta.

Inilagay niya ito sa balikat ni Ellaine, dahilan para mapatingin ito sa kaniya.

"Gusto mo bang doon na lang ulit ako sa inyo matulog? Nandiyan naman sila mommy," ani Enzo at tinaasan ng kilay si Ellaine.

"Hindi na... May ilang activities pa akong gagawin," Ellaine answered and smiled at him.

"Ano naman? Tutulungan kita."

"Huwag na, ayaw kong maistorbo kita. Wala ka ngang activities, e. Tapos pagagawa ko yung sakin, magpahinga ka na lang," sagot ni Ellaine at tumingin sa harapan nila.

"Ayos lang yon, precious. Mas gusto kitang kasama, nakakapagpahinga ako kapag kasama kita. Mas gusto kong mapagod na ikaw ang kasama ko."

The Gamer's End GameWhere stories live. Discover now