Prologue

214 3 0
                                    

BOOK 2

Pusong nag mamahal. Pusong umaasa. Pusong nag hihintay. Pareho ang nararamdaman, ito na nga ba ang simula ng kanilang forever? O darating din ang ending ng pag mamahalan nilang dalawa?

Si Jhin ay nag patuloy sa kanyang pag aaral sa DN Univeristy. Si Jhey naman, sinisimulan ang panibagong kabanata ng kanyang buhay. Malaking pag babago, at sobrang malaking adjustment ang gagawin nila. Mula sa araw araw na magkasama sila, hindi na ganun kadalas na mag uusap sila. Nahihirapan man silang pareho, ngunit kailangan nilang mag patuloy sa kaniya kaniya nilang mga buhay.

Si Denden, nag sisimula ng makita ang kahulugan ng buhay niya sa ibang bansa. Nag sisimula muli kasama ang kanyang ina. Si Sam, pinipilit maging maayos kahit na araw araw ay nasasaktan pa din siya. Nakakahanap pa rin ng dahilan upang maging masaya at ngumiti araw araw.

Ang kwentong ito ay para sa mga taong naniniwala pa rin sa salitang forever, na kahit mahirap, masakit, at nakakatakot, patuloy pa ring maniniwala sa tiyansang makita ang kanilang sariling ROAD TO FOREVER.

THE ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon