Chapter 16 - Fail

25 2 0
                                    

Pasukan na naman at hindi pa naka kapag usap sina Jhin at Jhey. Si Ara naman, hindi pa nahahagilap ni Jhin, kaya hindi pa niya na itanong yung tungkol sa tinext niya last time. Sa klase naman, ang raming new students, marami daw nag transfer dahil yung star player ng kabilang school eh lumipat sa DN.

Jhin's POV

"Ganun ka sikat para sundan?"..

"Baka ang gagwapo.".. Sagot naman ni Jel.

"Aww. Edi siya na."..

"Anong siya? SILA.".

"Ha? Madami ba?"..

"Balita ko nga, may ipapakilala samin mamaya na mga bagong maka kasama sa team eh. Galing rin daw kabilang University. Mga ka-team mate dati nila ARA at Mika."..

"Kung maka ARA naman to! Hmm. Talaga? Anong meron sa school natin?"..

"Agawan na kaya ng magagaling na players ngayon. Ilang buwan na lang, UAAP na."..

"Gusto lang sumikat ng DN eh. Kung sino sino ng kinukuha na mga estudyante."..

"Yaan mo na. Para naman bago tayo grumadweyt eh may magandang nagawa tong school para sa batch natin. HAHAHAHA!"..

"Hahahahaha. Sira."..


Pagka tapos ng klase namin ni Jel ay diretso na kami ng lobby. Medyo mataas pa naman yung oras namin dahil nga nag cancel ng classes ang mga heads ngayong hapon, may pag uusapan daw sa mga changes and activities ng schools this year, kaya tuloy ang chikahan namin.

"Kamusta ka na nga pala?"..

"Okay naman."..

"Eh yung Ara?"..

"Ha? Aba malay ko dun."..

"Luhhh! Kunyari pa to. Ano to, pa blind-blind na lang tayo?"..

"Kaasar to. Eh wala naman kasi talaga yun eh."..

"Sus. Bala ka nga.. Eh si Jhey, naka usap mo na ba?"..

"Sinubukan ko, pero pinag lalayo ata kami ng tadhana eh."..

"Rason mo Jhin! Edi tawagan mo! Di uso cellphone sayo eh no?"..

"Lagi naka patay phone niya eh."..

"Puntahan mo. Di mo na alam daan papunta apartment niya?"..

"Sira! Pupunta naman ako. Pag nagka oras na. May pasok pa tayo eh."..

"Ano ba kasi ginawa mo nung week end?"..

"Pinuntahan siya sa probinsiya."..

"Oh??!!! Anyare??!!!"..

"Araaay naman! Kumalma ka nga!"..

"Ano ngaaaa kasiiii?"..

"Wala. Hindi kami nagkita."..

"Ayaw ka harapin?"..

"Hindi. Pag dating ko, pabalik naman siya ng bayan. Hindi na kami nag abot. Nagka salisihan nga."..

"Aaaahhhhhhh."..

Bwiset talaga to si Jel eh. Wala ng sinabing maganda. Mag tatanong, tapos yan lang isasagot sakin. Huhuhuhuhu.

"Ano yan? Bat ganyan?"..

"Iniiwas na ng Diyos sayo si Jhey."..

"Huy! Bibig neto. Wag ka nga!"..

"Totoo naman eh."..

"Kaibigan ba talaga kita?".

"NAMAN!"..

"Sira ulo ka."..

THE ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon