Chapter 7 - LIFE.... Is really unfair.

26 2 0
                                    

Another day para sa kanilang lahat. May mga taong gigising sa umaga na masaya, inspired at inlove. Meron ding malungkot, nasasaktan at nag iisa.

Si Jhey, bumabangon araw araw na sobrang bigat ng dala dala sa dibdib. Nahihirapan. Pero patuloy na nabubuhay sa mundong tila sobrang unfair sa kanya. Nawawalan ng lakas ng loob. Sobrang nanghihina. Hindi na madalas kumakain, at hindi na nakaka tulog ng maayos sa gabi. Iiyak. Matutulala. Ngingiti bigla sa alaala nila ni Jhin. Tapos muling iiyak, dahil sobra siyang nasasaktan.

Si Jhin, nag aalala pero nakakalimot rin. Nasasanay sa buhay na hindi kasama si Jhey. Bakit nga ba unti unti siyang nagbabago sa pag mamahalan nila? Nakaka tulog ng mahimbing sa gabi, at didilat sa umaga ng naka ngiti.


Jhin's POV

"Ma?"..

"Hmm?"...

"Si Jhey po.."..

Napansin niyang nag pause yung Mama niya sa pag subo, tiningnan siya sa mata, pagka tapos ay nag patuloy sa pagkain.

"Pumunta ba siya dito kagabi?"..

"Dun ka sa kwarto mo natulog kagabi diba?"..

"O-Opo."..

"So alam mo na dapat ang sagot sa tanong na yan."..

Na te-tense ako. Para kasing galit si Mama na hindi ko maintindihan. Pero kinakausap naman niya ako.

"Bat ka nga pala maraming niluto kagabi Ma?"..

"Hindi ako. Si Jhey."..

Hindi ako sumagot. Diyos ko naman! Sa lahat ng araw na makakalimutan ko. Ito pa! Itong monthsary pa namin! Eh buwan buwan namin tong sinecelebrate eh. Jhin naman kasiiii. 😭

"Maaga siyang pumunta dito kahapon para iprepare lahat ng pagkain.... Para... Para isurprise ka daw... Pero... Mukhang si Jhey yung na surprise kahapon. Halos hindi niya ginalaw yung pagkain sa pinggan niya, ako na nga yung nahiya sa effort na ginawa ni Jhey... Para sayo lahat ng hinanda niya, pero yung nanay yung kasama niya. "

Hindi ako maka tingin kay Mama. Alam kong gusto niyang marinig ang paliwanag ko. Pero ano namang ipapaliwanag ko? Yung ka harutan na ginawa ko kahapon? 😭😭😭 Kelangan ko na talagang ayusin to..... Pero paano?????

"She looks so sick. She looks terrible anak. Sabi ko nga sa kanya, parang ilang araw siyang di kumakain."..

Na nanahimik pa rin ako. Hindi ko alam anong sasabihin ko.

"Nak.."..

"Ma, aayusin ko po.."..

"Wag mo siyang saktan. Wag mo siyang pahirapan. Kung nagsasawa ka na sa relasyon ninyo. Bitawan mo. At hayaan mo na siyang mahanap yung papalit sayo sa buhay niya."..

Napa hinto ako sa pag subo. Ang sakit nung sinabi ni Mama. Gusto kong maiyak!

"Kung hindi mo na siya mahal.. Palayain mo na si Jhey. Para matapos na ang sakit at makapag simula na siya ulit.... Na wala ka.... At nasa piling na siya ng iba..."..

"Ma!"..

Parang sinasadya ni Mama na masaktan ako sa mga pinag sasabi niya.

"Oh. Hindi mo kaya?"..

"Mahal ko siya Ma."..

"Eh bat sinasaktan mo siya?"..

"Ma, may problema lang kami.".

"Kami? O ikaw?"..

"Ma!..".

"Jhin. Anak.. Ingatan mo kung ayaw mong mawala. Oo, inaamin ko na sana, wala ka sa ganyang klaseng relasyon pero anak, sa tuwing nakikita ko kung paano ka niya alagaan at mahalin, parang ayaw na kitang ipagkatiwala sa ibang tao. Mahalaga si Jhey sa kin dahil nakikita ko kung gaano ka niya pahalagahan. Wag mong sayangin anak."..

THE ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon