Chapter 11 - THINKING ABOUT SOMETHING

26 2 0
                                    

Sobrang aga nagising ni Ara. Naka bihis na siya at ready ng pumunta ng University. Pero hanggang ngayon naka upo pa rin siya sa sofa, nag iisip, kung papasok ba siya ngayong araw o hindi. Paano kapag nagkita sila ni Jhin? Edi ang awkward nun. Alangan namang umiwas siya, eh hindi naman niya kaya.


Ara's POV

"I'll go... No matter what."..

Tumayo na ako, pero nung humarap na ako sa pinto ng condo ko, gusto kong sumigaw, dahil ayoko pa talagang magpakita kay Jhin.

"ANO BA TALAGA GAGAWIN KO?!!!"..

Nakaka iyak na talaga. Huhuhuhuhu.

"No. Dito lang ako. Pag iisipan ko ng mabuti kung paano ko lulusutan to kay Jhin.. At kelangan kong ituloy yung tungkol sa week end."..

Para na talaga akong tanga dahil kinakausap ko yung sarili ko.

"I'll stay. Kelangan ko talagang planuhin ng maayos to."..

Bzzzzzt bzzzzzzt bzzzzzzzzzt

Tol? Nasan ka?

Si Yeye nag text. Yung hayop na to, akala mo wala lang nangyari kagabi ah.

Condo.

Anong oras ka ba pupunta dito?

Not coming.

Bakit naman?

Dahil sa kagaguhang ginawa mo kagabi.

Awweeee. Relax lang tol. Dadating din naman kayo diyan. Hahaha!

Tang ina mo!

😆

BYE!

Kapag nagkaron ka talaga ng sobrang close na kaibigan, di mo na magawang magalit ng totoo kapag niloloko ka nila, hahayaan mo na lang, at sasaluhin lahat ng katarantaduhang gagawin nila sayo.


Jhin's POV

Kasama ko si Jel ngayon at nag rereview kami para sa recitation namin mamaya. Nang bigla siyang ma bored siguro at nag simulang mag tanong tanong.

"Jhin?".. Panimula niya.

"Hmm?

"Kumusta na nga pala si Jhey? Di ko na siya nakikita sa labas kapag umuuwi ako ah. Sinusundo ka pa ba niya?"..

"O-Okay naman na siguro siya.."..

"Okay na? Bakit? Nagka sakit ba siya?"..

"Oo."..

"Talaga? Hindi mo na kwento sakin ah. Paki sabi, pagaling na siya. "..

"Sige. Kapag nagkita na kami."..

"Kelan ba kayo magkikita?"..

"Plano ko this week end pupuntahan ko siya sa probinsya."..

"PROBINSYA?! Kelan pa?

"Nung nagka sakit siya."..

"Kawawa naman si Jhey. Grabe ba sakit niya?"...

"A-Ah.. Gagaling din yun."..

Medyo nalungkot yung mukha ni Jel nung nalaman niyang may sakit si Jhey. Di ko naman makwento yung totoong dahilan baka kamuhian ako nitong kaibigan ko.

"Kayo? Kumusta kayo?"..

"A-Ayos lang."..

"May trabaho na ba si idol?"..

THE ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon