Chapter 15 - The Week End (part 2)

25 2 0
                                    




Ara's POV

Ilang oras na rin akong nag hihintay pero wala pa rin akong Jhin na nakikita dito sa labasan. Lumalakas na rin yung buhos ng ulan, at kasabay nun yung halo halong emosyon na nararamdaman ko. Naluluha na ako. Dahil hindi talaga pumasok sa utak ko na hindi matutuloy tong date na to. Hindi ko na ma explain yung nararamdaman ko, at wala sa sariling lumabas ako ng kotse at kahit ang lakas lakas ng ulan, nag lakad lakad pa rin ako, nag babaka sakaling makita ko siya.

Ilang oras na pag lalakad, basang basa na talaga ako sa ulan, pero hindi ko pa rin siya makita. Lumalalim na ang gabi, at hinang hina na ako dahil sa pagka dismaya ko. Nung humupa na ang ulan, nag simula ulit akong mag lakad pabalik ng kotse.

"Badtrip Victonara."..

Hindi ko alam kung san galing yung mga luha na pumapatak mula sa mga mata ko. Pero pakiramdam ko, may masakit banda sa puso ko.

"Karma na ba to?"..

Agad akong pumasok sa loob ng kotse. Wala na akong paki alam kung mabasa man yung upuan ng kotse ko. Diretso ako ng condo, at wala na akong paki alam kung sino man yung mga naka tingin sakin dahil nga basang basa ako sa ulan.

Pag pasok ko ng condo, hinagis ko sa sofa yung bouquet, kukuha sana ako ng tubig para kumalma ng kaunti, pero na pa lingon ako sa mga naka handang pag kain sa lamesa. Gusto kong mag sisigaw sa galit. Nag pigil na lang ako, bumalik ako ng sala pagka kuha ko ng brandy sa ref. Hindi ko na nagawang mag baso at tinungga ko na agad yung alak.

"Bat ba masyado kang nag assume?"..

Kinuha ko yung phone ko, tinitigan sandali.

"Hindi naman siya umoo sa imbitasyon ko ah."..

Dinial ko yung number niya, nung biglang nag ring, inoff ko naman agad.

"Tang inang pakiramdam to!"..

Walang akong ibang ginawa kundi uminom ng uminom.


Ang hindi alam ni Ara, bago mag week end, pumunta si Jhin sa apartment ni Jhey, dun siya nagpa lipas ng gabi pagka tapos niyang balikan lahat ng nakaraan nilang dalawa, lahat ng masasayang alaala nila. Nagpa alam na rin siya sa mama niya na dun na siya matutulog at kinabukasan pupuntahan niya sa probinsya si Jhey. Todo suporta naman ang mama niya kaya malakas ang loob ni Jhin na harapin ulit si Jhey.

Maaga siyang nagising para mag handa sa pag punta niya sa probinsiya. Sobra siyang kinakabahan dahil hindi niya alam kung paano niya haharapin ang pamilya nito. Pero gusto na lang niyang maging handa sa kung ano mang sumbat na matatanggap niya mula dito.

Hindi na siya nahirapan dahil marami naman siyang damit dito sa apartment ni Jhey.

Jhin's POV

"Woooooo! I'm ready."..

Nag mamadali nakong pumunta sa sakayan ng bus, gusto kong maagang makarating kay Jhey, kahit na hanggang ngayon, hindi ko man lang alam kung ano nga bang sasabihin ko sa kanya, sa mama niya at sa lola niya. Paano kung pagalitan ako? Sumbatan ako? O awayin ako? Syempre, pamilya nila si Jhey eh.

"Haaaaaay. KAYA KO TO! Bahala na."..

Simula sa byahe, walang katapusang kaba yung nararamdaman ko, at habang papalapit ng papalapit na ko, hindi ko na alam kung ano tong nararamdaman ko. Gusto na nga ata lumabas ng puso ko sa dibdib ko eh.

"Amputeeeeek talaga!".. -__-

Maya maya nasa tapat na ko ng bahay ng lola ni Jhey. Abot langit yung kaba ko. Nag pa-practice pa sana ako ng biglang may sumigaw sa likuran ko.

THE ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon