Chapter 18 - BLURRY

23 2 0
                                    

AN: Ipapasok ko na muna ulit si Jhey sa story. Nawawala na kasi siya. Hahaha! Bigyan ko lang ng moment. Masyado na kasing nag e-enjoy si Jhin sa ka harutan niya kay Ara. Enjoy reading guys!


Days. Weeks. Months had passed. Araw araw mas bumibigat lang yung sakit na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung san pa kukuha ng lakas, may ma ka-kapitan pa ba siya sa pag subok na pinag dadaanan niya? Naka uwi man siya sa pamilya niya pero bakit mas lalong nanghihina siya? Pakiramdam niya, wala ng pwedeng maka intindi sa pinag dadaanan niya.

Sa kanyang buhay, ilang beses na rin siyang na dapa at pilit na bumabangon. Ngunit sa pagkaka taong ito, bakit tila hinang hina na siya. Walang ma sandalan. Pakiramdam niya, ipinag tabuyan siya, itinapon na parang isang basura, iniwan sa ere, hinayaang mag isa. Nasan na nga ba ang puso niya? Bakit hawak pa rin ng iba?


Jhey's POV

Inabot na ng mahigit isang buwan yung hindi namin pagkikita. Ang tagal tagal na naming hindi nag uusap. Ano na kayang ginagawa niya? Masaya na ba talaga siya kahit wala na ako sa tabi niya?

Nabalitaan kong pumunta siya ng apartment nung panahong inuwi ako ni Mama sa probinsiya. At nung bumalik naman ako ng bayan, pinuntahan rin pala niya ako duon. Inilalayo na ba kami ng tadhana? Ayaw ata ipag krus ang mga landas namin.

Hindi man ako nag tatanong, pero ang dami daming bumubulong sakin na mga kwento tungkol sa kanya. Itinuloy kaya niya ang pag va-varsity? Ito lang yung na aalala kong dahilan kaya kami nagka ganito ngayon. May nasabi kaya akong masama para magalit siya ng ganito? Lagi raw varsity player ng volleyball team yung kasama niya, baka nga nag e-enjoy na siya. Guguluhin ko pa ba? Mukhang masaya naman na siya.

Ang dami dami kong tanong. Bakit nga ba kami nagka ganito? Hindi na ba niya ako mahal? Pero bakit? May nagawa ba ako para mag bago siya? Bakit ba kahit sobrang sakit na, parang mas ayoko na pag usapan pa namin lahat ng nangyayari.. Natatakot kasi ako na baka may mas isasakit pa yung nararamdaman ko ngayon. Kasi sa totoo lang, hindi ko na talaga kaya.

"Miss Jhey?"..

Jhey: .....................

"Miss Jhey?? Is she not around?"..

"Hoooy miss! Ikaw ata yung tinatawag oh.".. Siniko ako nung katabi ko. Kanina pa kasi ako naka tulala.

"H-Ha?"..

"Ikaw na daw."..

"Maam?"..

"Miss Jhey? For the 3rd time."..

"Yes Maam! Ako po."..

"Next time you come, bring with you yourself. Wag mong iwan sa bahay ninyo. Hindi yan pwede dito."..

"Sorry Maam.".. Yumuko na lang ako. Langya naman tong secretary na to. Ang sungeeeet! Menopuase lang ata eh.

"Anyway, come inside."..

"O-okay Maam."..

Hinatid naman niya ako sa isang malaking pinto na may naka lagay na room of the president. Woah! Pwede na bang kabahan? Iniwan na niya ako at naka titig lang ako sa harap ng pinto. Hmmm. Okay. Syempre kakatok ako, malay ba ng tao dito sa loob na nakatayo na ko dito sa labas diba? Tanga mo talaga Jhey.

Tok tok tok.

"Come in."..

Pumasok naman ako. Woooooow. Ang ganda at ang laki ng opisina niya. Naka glass yung dingding, nakikita talaga yung mga building sa labas. AMAZING!

"Good morning....... Sir?"..

Hindi ko kasi makita yung itsura niya dahil naka talikod yung upuan niya sa akin. May kausap pala siya sa telepono at nung humarap.........

THE ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon