Chapter 14 - The Week End (part 1)

23 2 0
                                    

AN: thankyou jeanettecastor8 for the vote :)



Sobrang aga nagising ni Ara, excited na excited kasi siya sa lahat ng gagawin nilang preparation para kay Jhin mamaya. Gustong gusto na niyang makasama ito, at atat na atat na siyang gawin ang first move para dito.


Ara's POV

The moment na nagising ako, si Jhin agad ang pumasok sa utak ko. Sobrang excited na talaga ako sa araw na to. First time kong mag luluto, first time kong mag bibigay ng flowers, at first time kong kabahan ng ganito dahil sa isang babae. This will be an extraordinary day for me. And I promise na magiging masaya si Jhin.

"TOOOOLLLLLL! Gising naaaaaaaa.".. Humihilik pa tong si Mika! Eh ang dami dami pa naming gagawin ngayon eh!

"5 minutes Ara."..

"Ehhhh. Dami pa nating aayusin tol. Tayo na kasi diyaaaan."..

"Mag luto ka na lang muna ng agahan natin Ara."..

"Taposss naaaa. Kanina pa. Ikaw na lang inaantay ko eh.".

"Anong oras na ba to?"..

"7 na Ye! Tanghali na."..

"Diyos ko naman! Tanghali talaga??!!! Ke aga aga eh nang bubulabog ka."..

"Bumangon ka na kasi diyan para makapag handa na tayo!"..

"Naman eh! Antok na antok pa ko! Kainis naman to."..

"Bangooooon na Ye."..

"Okay. Okaaaaaay. Susunod na ko."..

"Bilisan mo na ha!"..

"Yeah right."..

Maya maya sumunod na rin si Yeye.

Pagka tapos nilang kumain, nag simula ng mag handa si Ara, she prepare all the things that is needed for cooking. Todo tingin sa youtube at internet yung dalawa para sa perfect result ng first time ever cooking ni Ara. Pero ilang beses rin siyang pumalpak, at wala silang choice kundi bumalik ng grocery at bilhin ulit lahat ng ingridients.


Mika's POV

I feel the pressure at stress with her face and reactions. Yung mukha niya, hindi na ma drawing. Kabadong kabado siya at panay sulyap sa relo. Nakaka awa din pala tong kaibigan ko maging seryoso sa babae eh. Mali atang pinush ko pa na siya mismo magluto para kay Jhin.

"Tol? Bumili na lang kaya tayo ng ready to eat na food? Marami naman diyang restau na masasarap ang luto eh. Umorder na lang tayo."..

"No."..

"Tol."..

"Ye, anong gagawin natin sa lahat ng to? Sayang naman diba?"..

"Edi ipaluto na lang natin sa iba."..

"We still got time. Kakayanin natin to."..

"Kasi Ara....."..

"Tol, kaya ko pa."..

"Wag mo nga pahirapan yung sarili mo ng ganyan."..

"Hindi naman mahirap eh. Hindi lang talaga ako sanay. Pero kayang kaya naman! Nag eenjoy nga ako eh."..

"Enjoy? Enjoy na ba tawag mo diyan? Eh hindi na nga maipinta yang mukha mo diyan eh!"..

"I want this to be extra special. Tama ka naman eh, kung special talaga si Jhin sakin, dapat umeffort ako."..

"Sabi ko nga, kasalanan ko to."..

"Tol. Gusto kong gawin to. Gustong gusto ko talaga. Gusto kong ipag mayabang sa kanya mamaya, na kahit di ganun kasarap yung luto ko at kahit na di talaga ako marunong, sinubukan ko para sa kanya."..

THE ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon