Chapter 26 - WHAT WILL I DO TO MAKE YOU LOVE ME..... AGAIN?

32 2 0
                                    

Jhey's POV

My friends are telling me to stop. Na I don't deserve this at sobra na ginagawa niya sakin. Na meron pa raw mas better sa kanya, yung hindi ako sasaktan ng ganito at tatratuhin akong tao.. Sabi nila, iwan ko na. Awat na daw. Tama na.

Pero kapag nag mamahal ka, kelan nga ba naging madali bitawan yung isang tao na for once nag bigay ng ligaya at contentment sayo? Siguro nga, I don't deserve this kind of pain, pero kung ang kapalit naman nito ay mananatili siya sa buhay ko, parang okay na ko dun sa kahit di na ako tratuhin ng tama. Bittersweet ika nga. Pero ganun na man talaga diba? Hindi naman tayo nag mamahal para maging masaya lang, kapag nag mahal ka, kailangan handa ka ring masaktan.

Nasa akin na yata lahat ng posibleng dahilan para palayain na siya, para tuluyan na siyang talikuran at harapin ng mag isa yung hamon ng buhay ko. Pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya, kasi mahal na mahal ko siya. At ang lungkot isipin na kahit kasama ko nga siya, nasa piling ko man siya, hindi ko na maramdaman na ako pa rin yung laman ng puso niya. Alam ko naman na sinusubukan niya, ramdam kong ginagawa niya ang lahat para ibalik kami sa dati. Pero ano yung masakit dun? Yung alam kong pinipilit na lang niya akong mahalin. Kasi ito yung tama, ito yung mas dapat. Pero hindi na dahil sa ito rin yung gusto ng puso niya.

"Hanggang kelan ka mag titiis?"..

"Hanggat kaya ko."..

"Hanggang sa ma ubos ka? At kainin ka na ng sakit, at makalimutan mo ng minahal mo nga pala siya?"..

"Eh ikaw?? Hanggang kelan mo itatago yang nararamdaman mo para sa isang taong matagal mo ng lihim na minamahal?? Hanggang sa mapagod ka? At makalimutan mo na kung paano nga ba ang mag mahal?"..

"Eh hindi naman ako yung pinag uusapan dito ah.".. -_-

"Pareho lang tayong nasasaktan. Magka iba man ng dahilan, pero pareho lang tayo ng nararamdaman."..

"Yung sayo, girlfriend mo na. Laki ng pag asa mo diyan. Pero tong sakin, mas malabo pa sa mata ng lolo ko. May laban pa ba?"..

"HAHAHAHAHA! Siraaa ka talaga beks. Laki rin ng pag asa mo sa kanya no."..

"Sus. Wala na yun... Wag na tayong mag lokohan beks! Hahahahaha."..


I met a friend na nakaka intindi sa lahat ng pinag dadaanan ko ngayon. Sa kanya ko na ilalabas lahat ng sama ng loob ko, at lahat ng hinanakit ko sa buhay, lalong lalo na pag dating sa buhay pag ibig. A good listener. Good adviser. The best shoulder to cry on. Hinding hindi mang iiwan at di ka pababayaan kahit na hindi pa kami ganun katagal na mag kakilala. Actually, napaka blessing in disguise niya sa buhay ko.

Nakilala ko tong BEKING to sa company kung san ako nag ta-trabaho ngayon. Pero hindi talaga siya beki, totoong babae siya, tawagan lang namin yung beks dahil sa lukso ng dugo nung nagka kilala kami. (Lamnyonayun) Madrama kasi kaming pareho kaya yan na isip naming itawag sa isat isa. Agad kaming nagka palagayan ng loob kaya hindi naging mahirap ang relationship namin sa trabaho.. Anak siya ng boss ko, at ako ang na-assign na mag train sa kanya para sa kanyang OJT. Kaya heto, imbes na mag trabaho, nag chichikahan lang kami.

"Mag trabaho ka na. Puro ka daldal diyan."..

"Hahahaha! Eh kwento ka naman ng kwento."..

"Tanong ka kasi ng tanong."..

"Hahahahahahaha! Kung makapag salita parang di rin inuusisa yung buhay ko ah!"..

"Beks, utang na loob, baka mawalan ako ng trabaho sa ginagawa mo. Wag ka ngang twitter ng twitter diyan!"..

"Susss. Di yan. Ako bahala sayo."..

"Langya ka! Alam mo bang kailangan ko pang ireport sa Mama mo yung mga trabahong kunwari ginagawa mo sa buong araw?"..

THE ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon