Chapter 17 - OMG!

27 2 0
                                    

Jhin's POV

"Hoooyyy Jhin! Tulala ka? Kanina pa kita kinakausap diyan eh."..

"H-Ha?"..

"Sapak? Gusto mo?"..

"Ewan ko sayo."..

"Gumising ka nga. Parang naiwan mo yung kaluluwa mo sa bahay niyo ah. Paki sundo nga!"..

"Sira ulo ka Jel."..

Nasa loob kami ng classroom ngayon, at kasalukuyang may ipinapakilalang mga bagong students. Ang dami nila, at halos lahat varsity students. Di sila nakikita ni Jel, dahil kanina pa to may sinusulat at naka yuko lang kanina pa.

"Tang ina. Bat na tyempuhan paaaaa."..

Kanina ko pa gustong lumabas ng classroom, pababa na rin ng pababa yung pwet ko sa upuan ko, matabunan lang yung mukha ko ng ulo ng nasa harap ko.

"Bwiseeeet na buhaaaay to."..

Bigla namang lumingon sakin si Jel at sinapak pa ko.

"Araaaaay! Ano ba?!"..

"Ano bang ginagawa mo diyan? Nag da-drugs ka ba? Sumbong kita kay Tita eh! Umayos ka nga ng upo! Kahiya ka. Isipin pa nila nakikipag kaibigan ako sa addict."..

"Bwiset ka!"..

Umayos naman ako ng upo pero yung ulo ko, naka pantay lang sa ulo ng estudyanteng nasa harap ko. Yukong yuko talaga ako. Ayokong makita niya ako! Pinapakilala na sila isa isa ng prof namin. Tiningnan naman sila ni Jel, pero mukhang wala lang sa kanya. Expected na ata niya. Tapos ibinalik na rin yung atensyon sa sinusulat niya.

"Goodmorning class. For your information, they will all be staying here since your class has the least number of students for Literature subject, and since iba ibang courses naman kayo dito, I hope welcome silang lahat dito. Okay lang ba yun?"..

"No Maam! Hindi. Hinding hindi magiging okay yun! Kainisssss.".. Pabulong lang yung pag kakasabi ko. At naka tago pa din ako sa likod ng kaklase ko.

Sinapak ako uli ni Jel. Letche! Ma a-alog yung utak ko eh!

"Bwiset ka! Nakakarami ka na sakin ha!"..

"Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Tsaka bulong ka ng bulong. Langya ka, malapit na ko matakot sayo ha. May kinakausap ka ba diyan na di ko nakikita?"..

"Pektusan kita diyan eh! Wag ka nga magulo. Kwento ko sayo mamaya!"..

"Bala ka nga sa buhay mo!"..

"Wag ka na lang nga maki alam! Susumbong kita kay maam na gumagawa ka ng assignment para sa next subject mo eh!"..

"Tumahimik ka nga! Sipain kita diyan eh."..

"Wag kang maki alam sa buhay ko! Di naman ikaw yung nahihirapan dito eh. Reklamo ka ng reklamo diyan."..

"Oh ayan yan! Yumuko ka pa, idikit mo yung mukha mo sa sahig, gusto mo yan eh."..

Langya to si Jel, hinawakan ba naman ako sa ulo at mas lalong sinubsob pababa yung ulo ko. Nag didikit na yung tuhod ko at yung pisngi ko. Bwiseeet! Kung di lang ako nag tatago dito, kanina ko pa pinag sasampal to eh.

"Tang ina mo Jel!"..

"Hahahahahaha. Sira ulo ka kasi. Sasamahan kitang kumain mamaya, wag kang mag alala, ginugutom ka ata araw araw ni tita eh kaya nababaliw ka na."..

"Shit ka!"..

"Hahahahahaha. Bala ka sa buhay mo diyan."..


Pagka tapos mag pakilala ng mga new students, sinisimulan na silang bigyan ng seats ng prof namin. Buti na lang kabilaang may katabi ako.


THE ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon