Chapter 4 - UNCERTAIN

36 2 0
                                    

Jhin's POV


Naka uwi na ako galing sa apartmentni Jhey. Hindi ko alam kung bakit ako umalis at iniwan siya dun. Maling desisyon, pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit hinila ako ng mga paa ko palabas ng pintuan.

Para akong na su-suffocate kanina habang sinasabi niya yung totoong nararamdaman niya. Nakokonsensiya ako. Sobrang nahihiya ako. Pakiramdam ko, ang sama sama ko. Ano ba tong nararamdaman ko. Bakit nga ba ako nagpa alam bigla sa kanyang mag ta-try out ako sa volleyball. At alam ko naman talagang hindi siya papayag, pero bakit nakaramdam pa rin ako ng tampo nung narinig ko na galing sa kanya mismo na hindi nga pwede.

Nakakainis naman kasi to eh. Di ko na tuloy alam kung pano ko ipapaliwanag sa kanya yung inasal ko kanina. Ano naman kayang tamang salitang idadahilan ko sa kanya? Jhin. Jhin. Jhiiiinnnn! Ano ba naman kasing katangahan yung ginawa mo kanina?!

"KAINIS KA TALAGA JHIN!"..

Kanina pa ako palo ng palo ng unan sa mukha ko. As I turn and look sideways, nakita ko yung damit na pinahiram sa kin nung babae last week na naka patong sa maliit na lamesa ko dito sa kwarto. Hindi ko nga pala nasa uli yun dahil hindi ko siya makita sa court nung friday, sabi naman ng mga ibang varsity dun eh may try out naman daw uli bukas kaya susubukan ko na lang pumunta baka nandiyan na siya.

"Tsk. Si Jhey. Sigurado. Umiiyak na naman yun. Tsss.".

I get up and look for my phone. I dialed her number and....

THE NUMBER YOU HAVE DIALED IS EITHER UNATTENDED OR OUT OF COVERAGE AREA. PLEASE TRY YOUR CALL LATER.

"Oh my. Bat siya nag patay ng phone?? Huhuhu. Si Jhey talaga. :( "..

Pa ulit ulit ko siyang sinubukang tawagan pero hindi talaga siya ma contact. Hanggang sa naka tulog ako, at hindi ko man lang siya naka usap ulit kagabi.

--

Nag mamadali akong umalis ng bahay dahil baka ma late na naman ako. Ang kupad kasing gumalaw eh.

"Hi Jhin.".. Bati sa kin ni Jel..

"Hi."..

"Stressed?"..

"Ha?"..

Busy ako sa pag a-arrange ng gamit ko sa bag kaya hindi ako naka tingin sa kanya, hindi ko na kasi naayos to bago ako umalis ng bahay kanina sa sobrang pag mamadali.

"Problem last night?"..

"Wala naman."..

"Bat mukhang puyat ka?"..

Then I look at her.

"Do I look disgusting?"..

"Not really. Pero....".

"Pero??..."..

"Ano ba kasing problema?"..

"Psh! Chismosa lang eh.".

"Bakit nga kasi?"..

"Si Jhey..."

"Oh. Ano na namang ginawa mo sa kanya?"..

Binatukan ko naman siya agad. Masyado kasi tong supportive kay Jhey, and it turned out na parang si Jhey talaga yung kaibigan niya.

"Minsan gusto ko na talaga magduda kung kaibigan ba talaga kita."..

"Ofcourse I am!".

"Pero sa tuwing sasabihin kong may problema kami, lagi mong iniisip agad na ako yung may kasalanan ah! Kaibigan ba talaga kita?!"...

THE ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon