Lyena Amanda Reneyr POV
Nang nakababa na kami ni Sissy sa sasakyan, agad nadin kaming nagpa-alam kay Kuya Rowan na siyang driver na raw namin.
Ang sabi ni daddy Renz driver na raw namin siya. At siya narin daw mag hatid-sundo sa amin.
Gulat at napanganga kami ni Sissy sa laki ng paaralan!
"Wow!"
"Ang ganda!"
Patalun talun kong sabi.Grabe ang laki ng paaralang ito! Pangmayaman talaga! Ay oo nga pala nakasuot na kami ng uniform ngayun ni Sissy. Ang ganda rin ng uniform nila, ang sexy-sexy, para kaming 18 year's old na.
Pumasok na kami sa malaking gate na nasa harapan namin.
Napalaki yung mga mata ko sa ganda ng paaralang ito! Grabe ang lawak!
"Let's go Yenny, hahanapin pa natin yung room natin."
Si Maxine.7:40 na din kase kaya kailangan na naming mahanap ang magiging room namin, 8:00 kase mag start.
Tumango lang ako kay Sissy.
Thanks God! Nahanap din namin ito.
"Sylvia's Grade 10."
Ayan yung nakalagay sa pintuan.
Pumasok na agad kami ni Sissy at umupo doon sa pinakalikuran. Magkatabi kami syempre!
Maganda rin itong room. O MY GOD! Lahat na yata sa paaralang ito maganda!
Napansin kong may masamang nakatitig sa akin kaya lumingon ako roon.
Group of girls.
Nginitian ko sila lalo na yung nasa pinaka-unahan nila, I think ito yung leader.
Para naman masabi nila na mabait ako, well mabait naman talaga ako. Ang sama kase nila makatingin sa akin ay sa amin pala ni Sissy.
Akala ko susuklian nila ako ng ngiti pabalik pero tina-asan lang ako ng kilay nong leader-leader kuno nila. Kaya tina-asan ko rin siya ng kilay.
Baka ganito yung pagbati nila rito, patarayan ng kilay...
Wahh!!!
Pinakyuhan niya lang ako.
Ang bad niya kala mo naman maganda parang coloring book naman yung mukha."Bakit Yenny?" Si Sissy, dumako ang tingin niya sa mga group of flies na tinitignan ko rin, napansin siguro niya kung saan ako naka tingin.
"Ahh... Hehe wala Sissy."
Mga ilang minuto ang nagdaan, dumating na din sa wakas ang magiging guro namin.
"Good morning everyone!"
Si Ma'am.Tumayo naman kaming lahat para batiin siya pabalik.
"Good morning too Ma'am!"
"Okay, please sit down, magpapakilala muna ako sa inyo para naman peace to be with you tayo rito."
"I'm Marin Jen Venny your new advisor and I'm hoping na maging mabait kayo sakin and since hindi ko pa kayo kilala magpakilala kayo isa't isa." dagdag niya pa.
"Yes po ma'am." sagot namin.
Blablablabla nagpakilala iyong mga new classmates namin at tiyaka nalaman ko rin yung pangalan ng leader of flies, Lendy daw.
"And the two of the back." Boses ni ma'am.
Ay kami na pala! Diko namalayan. Tumayo ako at nagpakilala.
"Lyena Amanda Reneyr po, 15 years old."
Tumayo rin si Sissy at nagpakilala.
"Maxine Jane Armstrong, 15 years old po."
Tumango lang si Ma'am. Wala kaming ginawa kundi nakinig lang sa discussion ni ma'am. Hanggang sa tumonog na ang bell hudyat na break time na.
Naglalakad kami ni sissy papunta sa canteen , alam naman namin kung saan ang canteen dito. Hehe. Nagtanong kase kami.
Tumigil ako sa paglalakad dahil ramdam ko ang tawag sa kalawakan.
"Hala Sissy naiihi ako, I want to pee! Una kana lang siguro sa canteen at mag order kana lang ha? Cr muna ako." Sabi ko kasi lalabas na talaga!
"Huh? Samahan na kita Yenny."
"No na Sissy kaya ko na to. Sige na una kana sa canteen mwuah, byee..."
"Oh sige!" nginitian ko siya.
Agad kong hinanap ang restroom at good thing nakita ko! Pumasok ako at napansin kong walang tao, salamat naman.
Pagkatapos kung umuhi nag wash hands muna ako at tiyaka lumabas na sana pero laking gulat ko ng itinulak ako pabalik sa loob ng lalaking naka hoodie.
Pumasok din siya sa loob at ni luck yung pinto.
Hala! Girls restroom to ah bakit siya nandito and O MY GOD is he kamatayan?!
Itim kase suot niya tapos hindi masiyadong kita ang mukha ----- gulat na gulat ako ng hinapit niya ang bewang ko at ipinalapit ako sakaniya kaya ayun subsob yung mukha ko sa dib-dib niya.
Ang bango!
Ngayun ay mas klaro ko na Ang Mukha. Gosh my god! Mabango na, gwapo pa! Bakit ko nasabing si kamatayan to?!
Napatitig kami sa isa't isa.
"Newbie ah?" Aniya gosh tumayo mga balahibo ko sa lamig ng boses niya.
"Ahh..Oo...Hehe.. M-matanong ko nga kuya bakit ang tangos ng ilong mo?" Ani ko at hinawakan ang ilong niya.
Hindi ko alam kung bakit ko natanong yon. Hinawakan ko pa!
"A-at tiyaka yung labi mo ang lambot, tapos gray pa yung mga mata mo, ang gwapo mo kuya 'way atik' (walang halong biro)." Syempre hinawakan ko din yung labi niya malambot kase eh.
Napalunok siya.
Tama ba itong ginagawa ko?
Nanag may naa-lala ako si Maxine! May nag hihintay pala sakin.
Binitawan ko ang lalaking kaharap ko.
"Ahh.. Hehe..Byee na kuya mag cr kana, okay lang yan pwede ka namang mag cr dito kase wala namang girls pang papasuk."
Tulala lang siyang nakatitig sakin.
Pagkatapos kung sabihin yun ay umalis na ako sa harap niya, binuksan ko ang pinto, nagmamadali akong pumunta sa canteen baka magalit pa sakin si Sissy.
Pagkadating ko sa canteen.
"Ang tagal mo namang umihi." Si Sissy.
"Hehe sorry na Sissy, peace..."
sabi ko pero inirapan niya lang ako kaya tumawa ako. Ang taray!Sino kaya siya? Yung lalaking naka hodie.
BINABASA MO ANG
The Twins Obsession
RomanceDalawang magkakaibigan na lumaki sa mahirap na buhay. Pangarap nilang makapag-aral sa nais nilang lugar. Pero pano kung nalaman niyong magkakaibigan na may mga lalaki palang nana-isin kayong makuha, lahat gagawin makuha lang kayo.