Maxine Jane Armstrong POV
" A-Ang ganda ng kwarto ko. Nakakahiya Ashton!"Sumimangot siya sa sinabi ko.
" So what hon? Gusto mo tabi nalang tayo matulog. Sa kwarto nalang kita."
Sambit niya.Napalunok ako sa sinabi niya. Binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Just kidding honey. Alam kong bata ka pa kaya wag muna."
"Buti alam mo. At tiyaka anong ako lang? Bata ka pa din uy." Ngumuso siya at tiyaka tumawa ng mahina.
Nilagpasan ko siya at pumunta sa kusina. Napanganga ako sa laki ng kusina. Hayop ano pa bang ikakamangha ko? Kung ang laki nga naman ng kwarto ko, kusina pa kaya. Malaki din kasi itong bahay nila. Mansion na ata tawag nito eh. Tapos sinasabi pa niya na may sarili siyang bahay! Hay ewan ko nalang sa kaniya.
"Nagugutom kaba?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat. Sumunod pala ang mukong.
"Nakakagulat kang manyakol ka!"
Ngumisi siya at tiyaka nagsalita."Nagugutom kaba?" ulit niyang tanong.
"Ahh... Hindi masiyado."
sagot ko." Hindi masiyado?" tanong ulit niya. Parang walang tenga eh.
"Hmm..." tinanguan ko nalang siya.
"Ganda mo." mahinang sabi niya.
Napatingin ako agad sa kaniya. Namumula na namn itong mukha ko.
Ngumisi na naman siya na parang baliw."Hi Sissy!" Napatingin kami ni Ashton sa likuran namin.
Ayun dumating na ang nakakaloka kong best friend. Kasama niya pala si Asher na kakambal ni Ashton. Nagtaka nalang ako bakit naka simangot yun.
"Yenny natagalan ata kayo." Sabi ko sa kaniya. Binigyan niya ako ng malapad na ngiti tiyaka lumapit sa akin.
"Ahh oo haha. Pasensya na Sissy."
Ngumiti lang ako sa kaniya."Love hali ka puntahan mo na natin ang magiging kwarto mo." Sabi ni Asher.
Agad nawala ang malapad na ngiti ni Yenny ng marinig ang boses ni Asher. Pero wala siyang magagawa kundi sumunod nalang kay Asher. Pakiramdam ko may problema yung dalawang yun.
Tumingin ako sa nag iisang kasama ko nalang sa kusina. Napalunok na naman ulit ako. Kanina paba siya titig ng titig sakin?
"Tingin tingin mo diyan?"
Naiirita kong sabi."Hindi ba pwedi?"
"Ewan ko sayo! Umalis ka nga diyan."
Tumawa siya. Nakakainis kanina pa siya tawa ng tawa."Alright. Maliligo muna ako."
Tumango nalang ako sa kaniya at agad naman siyang umalis.
Nilibot ko nalang ang tingin ko sa kusina. Kumpleto ang mga gamit nila dito. Mamahaling kutsara, plato, baso lahat na nga ata. Binuksan ko ang malaking refrigerator. Punong puno ng mga pagkain. May nakita akong karning manok sa freezer. Magluluto nalang kaya ako.
"Sissy!"
"Kabayong may paa!" Nagulat ako sa presenya ni Yenny. Ginugulat ata ako nila sa araw nato.
"Ano ba yan Yenny! Bakit ka nandito? Nakita mo naba magiging kwarto mo?"Ngumiti siya at tumango.
"Oo Sissy pero ayaw kong magtagal muna doon. Mamaya ko nalang aayusin yung mga gamit ko." Aniya.
"Asan nobyo mo? Parang may away kayo ah." asar kong sabi sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Twins Obsession
RomanceDalawang magkakaibigan na lumaki sa mahirap na buhay. Pangarap nilang makapag-aral sa nais nilang lugar. Pero pano kung nalaman niyong magkakaibigan na may mga lalaki palang nana-isin kayong makuha, lahat gagawin makuha lang kayo.