Maxine Jane Armstrong POV
Nandito kami sa labas ng gate naghihintay sa sundo namin. Ngunit mag 5:30 nalang wala parin si Mang Rowan. Kalaunan may nakita kaming dalawang sasakyan. Huminto ito sa harap namin.
Tinignan ko si Yenny. Binigyan ko siya ng tingin na 'tumakbo tayo look'. Kaya ayun bago paman makababa doon ang mga nag mamaniho sa dalawang sasakyan, mabilis na kaming tumakbo ni Yenny.
Alam na alam namin ang mga sasakyan nila. Ewan nalang namin kung saan na kami napadpad basta ang sa amin lang ay makalayo doon.
Hindi pwede! Hindi dapat nila kami makita, lalo't pa alam na namin ang kanilang kata-ohan. May nakita kaming lugar kung saan maraming mga tao. Plaza yata to.
"Magpahinga muna tayo doon Sissy, mamaya na natin problemahin kung paano tayo makakabalik sa apartment." Si Lyena sabay turo doon sa may bakanting upuan.
Tumango na lang ako sa kaniya bilang tugon. Umupo kami doon. Magpapahinga na lang muna kami saglit hinihingal na din kase kami kakatakbo at tiyaka malapit na ding gumabi.
After 10 minutes napagdesisyonan na naming umalis.
Tatayo na sana kami mula sa pagkaka-upo nang may nag-salita sa likuran namin.
"At talagang tinakbuhan niyo pa kami ha?" Sabi ng nasa likod namin.
Liningon namin sila. Nakita ko ang ang kambal na masamang naka-tingin sa amin.
"Hindi ah..." Protesta ko.
"Tsk. Mga bata nga naman..." Mahinang sabi ni Asery? Ashin? Asher! Asher! Asher pala yun.
"Anong mga bata ka diyan, parehas lang kaya tayo." Si Lyena.
"Let's go hon. Ihahatid na kita ...
Asher will take care of your friend. So come on." Saad ni Ashton at hinila ako palayo doon.Tahimik kaming dalawa dito sa kotse niya. Wala kaming imik ni isa sa amin walang gusto magsalita, nahihiya rin ako sa kadahilang alam ko na ang pagkatao niya.
Naalala ko pa yung unang araw na nag kita kami. Napatampal nalang ako sa mukha.
"Are you okay hon?" Aniya
habang seryoso sa pag d-drive." Okay lang naman ako." Tugon ko.
"By the way hon. I just want to inform you na lilipat kana sakin bukas."
Anong pinagsasabi niyang lilipat? Ako lilipat kamo sa bahay niya?
"Sa bahay mo?" Pagtatama kong tanong.
"Yes." Seryoso niyang sabi.
"Hindi. No way!" Nandilim ang mukha niya sa tugon ko.
"Yes, no way na hindi ka sasama sakin. Asawa na kita ngayon Jane kaya dapat sakin ka na tumira."
Napalunok naman ako dahil bumalik ang dating malamig niyang boses.
Ang bata-bata pa talaga namin.
"P-paano si Lyena?" Tanong ko. Ewan ko papayag nalang siguro ako. Kesa naman gamitin niya pa si Mayor.
"Sasama siya." Tipid niyang sagot.
"Huh? Hindi kita ma-intindihan."
"May sarili akong bahay ganun din si Asher. Kung iuuwi namin kayo sa sarili naming bahay alam namin na hindi kayo papayag. So we planned na sa isang bahay nalang tayong apat titira." Mahabang paliwanag niya.
Sa bagay tama naman siya hindi ko talaga kayang iwan si Yenny."Ako, Ikaw? Sila Lyena at Asher titira sa isang bahay?" Pagtatama ko pa.
"Hmm... Exactly basta makasama lang namin kayo." Malambing niyang tugon sa tanong ko. Agad napangiwi ako.
"Bakit ganun? Ang bata-bata pa natin t-tapos may mga sarili na kayong bahay?!"
"Ayy oo nga no mayaman pala kayo."
Bulong ko sa hangin."Are you hungry?" deritsong tanong niya.
"Ah... oo " Nahihiya kong sabi.
"Okay." Tugon niya tiyaka ipinarada ang sasakyan.
Nakatingin lang ako sa mga galaw niya. Bumaba siya sa kotse kaya bumaba na rin ako.
Napa nganga ako dahil nandito pala kami sa M-mang inasal? Hindi ba pweding sa Karenderya na lang?
"I'm sorry this is the nearest fastfood I can find and I know that your already hungry." Sabi niya sa malambing na boses.
"Ahh... Pwedi ngang sa karenderya nalang tayo eh... " Pero okay din naman dito.
"Hali ka na nga nagugutom na talaga ako basta ikaw mag order ha?" Dagdag ko pa.
"Yes hon." Sabi niya at hinawakan ang bewang ko bago kami pumasok.
Nasa tapat na ako ng apartment namin ni Lyena.
"Ahmm... byee salamat sa libre." Ngiting sabi ko kay Ashton.
" Good bye hon. Fuck... pwedi bang ngayon ka nalang lumipat?" Natawa nalang ako sa kaniya.
Alam kong totoo talaga ang pagmamahal niya sakin... kanina kase habang kumakain kami. Nagtapat siya sakin na gusto niya ako ay hindi mahal pala. Naniwala naman ako doon kase diba 'action speak louder than words'. Sa mga kinikilos niya pa dati alam kong may pagtingin na siya sakin. Pero ang bilis lang.
Hindi ko din e dedeny na gusto ko run siya.
"Byee na umalis kana, nakakainis ka eh!" Sabi ko sa kaniya.
Napanguso naman siya. Ngayon ko lang siyang nakitang ngumuso mukha siyang pato na gwapo. Ewan ko ba!
"Kiss ko hon?"
K-kiss? Hala may ganun pa?
Sige lang. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.
Napatawa naman ulit ako dahil nakita ko ang dalawa niyang tengang bahagyang namula.
"Isa pa!" Maktul niyang sabi.
Hinalikan ko din yung kabila niyang pisngi pero ikinagulat ko pagkatapos kong gawin yun ay agad niya akong mabilis hinalikan sa labi sabay sabing
"Byee hon. I love you." At agad na mabilis minaniho ang kaniyang kotse.
Kiss sa labi? First kiss ko yan uh? Wala namang masama doon diba? Mapapatay lang talaga ako kay tatay.
Pumasok na ako sa apartment namin ni Yenny. Hindi parin ma-alis ang pamumula ng mukha ko.
"Hi Sissy! Bakit ngayon ka lang? Malalim na ang gabi oh... ang tagal tagal mo."
Bungad sakin ni Yenny. Nginitian ko lang siya at tumingin sa orasan na nasa study table.
Haystt 10:34 na ako naka uwi tsk kasalanan talaga to ng honey ko.
"Kumain kana Yenny?" Ngiting tanong ko.
"Yess! Sissy. Ni libre ako ni lovey ko." Sagot niya. Oo ang landi namin.
"Mag kwentohan tayo Yenny!" Masayang sabi ko. Malapad naman siyang ngumiti.
"Tara Sissy! Marami akong dalang cheka sayo! Magugustohan mo talaga tong cheka ko." Tinakpan ko ang bunganga niya. Subrang ingay niya talaga.
"Paki hina ng boses mo Yenny... Tara na sa kwarto ko... Dali!" Natatawamg sabi ko sabay hila sa kaniya papunta sa kwarto.
Mag chichismisan na naman kami. MASAYA TO!
A/N: isali ninyo kami.
BINABASA MO ANG
The Twins Obsession
RomanceDalawang magkakaibigan na lumaki sa mahirap na buhay. Pangarap nilang makapag-aral sa nais nilang lugar. Pero pano kung nalaman niyong magkakaibigan na may mga lalaki palang nana-isin kayong makuha, lahat gagawin makuha lang kayo.