Chapter 9

1.4K 32 4
                                    


Maxine Jane Armstrong POV

"Aray ko naman.... Sandali nga lang... Saan mo ba ako dadalhin!"

Walang hiya siya kanina pa kami takbo ng takbo sumasakit na ang paa ko. Kahit anong sinasabi ko hindi lang niya  iyon pinapansin.

Kalaunan tumigil kami sa isang napakagandang Hardin, tanging mga huni lamang ng ibon ang maririnig dito. Hindi ko aakalain na may napaka gandang Hardin pala dito sa paaralan sabagay napaka laki din naman ng paaralang ito.

"Mabuti naman at tumigil na tayo sa kakatakbo... hayyy.... Napagod ako doon ah." Sabi ko  at umupo sa  malaking bato.

Lumingon ako sa kasama ko. Diko alam kanina lang pala siya nakatitig sa akin. Mula sa mala  abo niyang mga mata   nagpapakita ito  ng galak na kasiyahan ibang iba  dati ni wala kang makikitang emosyon   ngunit ngayun sinasabi ko ibang iba.

"Oh tingin tingin mo diyan? Hindi kaba magsasalita diyan!" Ako.

"Look I'm sorry..." Aniya.

Okay nag sorry siya, tanggapin ko na lang. Di masamang magpatawad.

"Hmm... mabait din naman ako kaya sige nalang... Teka bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko.

" Sign this." Hindi niya ako sinagot  napaka ano talaga nito...

"Ano ba yan?" Sabi ko, inabot niya sakin ang folder na ipapa pirma  niya. Ewan ko kung bakit may folder siyang dala.

Laking gulat ko ng mabasa ang dokumento.

" Marriage Contract! Nahihibang kana ba? Napaka bata ko pa, oo lumaki ako sa probensiya pero alam na alam ko tong dokumentong ito! Ayaw ko ilayo mo yan sakin!"

Inihagis ko sakaniya pabalik ang dokumento at nasalo naman niya iyon.

" Pirmahan mo to o pababagsakin ko si Mayor Renz Rojuano. You like that  baby?" Paghahamon niya.

Aba napaka walang hiya ng lalaking ito.

"Pano mo naman magagawa yun? Bakit sino kaba?" Matapang kong sabi.

Hindi niya ako sinagot. May dimapot siya sa kaniyang bulsa. Cellphone niya. Nag type siya doon tila may tatawagan.

"Sir,  gagawin napo ba namin ang balak mo kay  Mr. Rjuano?"Sabi ng  nasa kabilang linya.

Dinig na dinig ko iyon, napatayo agad ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi yun biro, right?

"Do it--" aniya pero pinutol ko siya.

"--Teka anong gagawin mo sa  kaniya?!" Tinignan niya lang ako.

"S-sandali, wag naman ganun Kuya, nagbibiro ka diba?" Pagpakumbaba ko nalang.

"Can you please fucking stop calling me kuya and do I look like I'm joking here  baby?" Aniya.

Baby-baby  pa ang kumag. Mukha niya GWAPO. Ay hala sinabi ko ba yun. No!  Hindi siya kagwapohan.

"Uncle? Tatay? Iyon ba gusto mo diko nga alam pangalan mo. Akin na nga iyan at pipirmahan ko na wag mong guluhin ang buhay ni Mayor."

Napangisi naman siya at kina-usap ang nasa kabilang linya tyaka ibinaba ang tawag. Nakakatakot iyong ngisi niya pero  ang gwapo niya parin.

"Good girl." Aniya.

"Alam mo napaka bata ko pa. Isang babaeng grade 10 student ay kasal na  sa isang panot na matandang Grade 12, Alam mo ba yun!" Naiinis kong sabi sakaniya.

"Hon, I'm just 17 wag mo akong tawaging pano't  at matanda na."

Hon, baby. Ano ba yang mga tinatawag niya sakin. Napaka sarap sa tenga, I mean nakakarindi sa tenga.

The Twins Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon