Chapter 12

1.2K 28 4
                                    

Lyena Amanda Reneyr POV

Kinabukasan, pagkatapos naming kumain nag impake na  agad kami ni Sissy. Pumunta naman dito si Daddy Renz at ipinagpatawad niya na wala na daw siyang magagawa sa aming paglipat, masiyado daw
makapangyarihan  ang kambal. Nakakatawa no? Talagang ginamit pa nila si Daddy Renz hay...

Syempre ayaw din naman naming madamay si Daddy Renz at ang pamilya niya, sumang-ayun nalang din kami sa kagustohan ng kambal. Okay lang naman kase magkasama parin kami ni Sissy. Mabuti nalang at hindi ito alam nila lola at tito talagang malilintikan kami.

"Tara na Yenny, okay kana ba? Wala kana bang na iwang gamit?" Tanong niya.

"Wala na Sissy. "

Lumabas na kami sa apartment. Kanina pa kase naghihintay ang lovey ko at ang asawa ni sissy sa labas.

"Hon give me your things." Si Ashton ka'y Sissy.

Nahagip sa mga mata ko ang titig ni Asher. Eh ako ba hindi niya ba ako tutulongan ? Walang hiya siya mabuti pa si Ashton ang sweet.

Ibinigay ni Sissy ang mga gamit niya sa asawa niya. Nako patay talaga to kay tito pagnalaman niyang may asawa na ang anak niyang diyosa. Nakakatakot pa namang magalit yon.

"Tutunganga ka lang ba diyan?" Naiinip na sabi ni Asher. Kaya ngumuso ako. Ginanun ba naman ako.

"Anong sabi mo? Kung tulongan mo kaya ako dito sa mga gamit ko." Inis kong sabi pabalik sa kaniya.

"Love kanina ko pa inilagay ang mga gamit mo sa sasakyan. Ikaw nalang hinihintay ko." malambing sabi niya.

Ay? Hehe oo nga no wala na pala akong hina-hawakang  malita.
Napatingin ako sa pa gilid Wala na si sissy at wala narin ang sasakyan ng asawa niya.

"Love..hindi ka ba napapagod kakatayo diyan." Si Asher na inis na inis na.

Lumapit ako sa kaniya.

"Nasaan na sila Sissy?" Tanong ko.

"Umalis na. Ang tagal mo kase love."
Diko nalang siya pinansin at pumasok na sa kotse niya.

Hmmp naiinis parin ako sa kaniya kase ba naman.

Flashback:

"Ate ito po oh stuff toy." Ani ng batang babae  sakin. Halatang mayaman ang batang ito dahil sa kaniyang awra at kasuotan.

Nginitian ko siya.

"Talaga ba sa akin na yan?" Tanong ko. Gusto ko din may stuff toy eh.

"Opo bagong bili po ito ng manliligaw ni ate at  ibinigay sakin. Ayaw ko po kasing tanggapin kase para sakin si Kuya Henzo  lang ang bagay kay ate. Ayaw kong tumanggap ng mga gamit sa manliligaw ni ate kung hindi naman si Kuya Henzo ang nagbigay. Sayang naman po kung itatapon ko." Mahabang salaysay ng bata.

Nako masiyado pa namang mamahalin yung stuff toy. Napaka biased naman ata ng batang to pero anyway ang cute niya.

"S-segi..." Tinanggap ko ang stuff toy na hawak-hawak niya.

Malaki ang stuff toy at ang bango pa. Pwedi ko tong itabi matulog.

"Anong pangalan mo ate?"

Nginitian ko siya. "Lyena. Ikaw anong pangalan mo?  Ang cute-cute mo."

"Thank you po sa compliment. Ang pangalan ko naman po ay Senaya pwedi mo po akong tawagin  Sena para shortcut po hehe." Bagay na bagay sa kaniya ang name niya.

"Mahilig kaba sa mga mermaid movies?" Tanong ko sakaniya.

"Yes po namana ko po kay mommy."
Kaya pala Senaya ang pangalan niya.

"Hala! Bye napo ate baka hinahanap na ako ni mommy. Yung stuff toy po ingatan niyo po." Sabi niya habang palayo.

"Syempre!" Maligayang tugon ko at kinawayan siya.
Napakagandang stuff toy naman nito at ang bango pa!

Habang nilalaru ko ang stuff toy ko may narinig akong boses mula sa likuran ko.

"Sorry love natagalan ako." Si Asher.

Suss kung nagtatanong kayo kung saan to galing may kasusap siyang babae kanina.  Ewan ko ba bakit parang kakaiba sa pakiramdam ko tuwing may lalapit sa kaniya na ibang babae. Sabi naman niya daw businesses partner lang ng Tito niya.

"Nag enjoy ka naman." Wala sa sariling sabi ko.

"What?" Taka niyang tanong.

Diko nalang siya pinansin at pumasok na sa kotse niya. Pagkatapos kase nila Sissy umalis  may tumawag kay Asher. Maganda siya  talagang may kaya. Argh bakit ba ganito papa god! Bakit po may kumikirot sa puso ko pag nakikita siyang may ka-usap o di kaya kasamang ibang babae.

Habang nagmamaniho siya nilalaru ko nalang yung stuff toy ko. Ina-amoy, hinahalikan, pinang-gigilan.

Ramdam ko ang titig niya sa akin habang ginagawa ko iyun. Bakit? Hindi nalang siya tumingin sa harapan baka ma bangga pa kami.

"Who gave you that?" tanong niya.

"Wala..." Tugon ko.

"Damn wala kang hinahawakang bagay kanina. Don't tell me may lumapit sayong ibang lalaki at ibinigay yan?"  Si Asher. Grabe napaka over thinker naman nito.

Madilim  ang mukha niya habang nakatingin sa harapan. Nawala ata ang pagkamalambing niyang tinig  bagkus napalitan ito ng inis at lamig?

Anong nangyayare sa kaniya?

"Answer me Lyena."

Di niya na ako tinatawag na love. Galit ba siya sakin?  Tsk galit din ako sa kaniya! Edi wow kung hindi niya ako tawagin love. Bahala siya! Hindi ko siya papansinin.

"Hmm...Jeffrick" Ani ko sa kawalan habang nakatingin parin sa  bago kong stuff toy. Nag-iisip ako ng ipapangalan ko rito.

Pero nagulat nalang ako ng inagaw ni Asher sa akin ang stuff toy at  itinapon sa labas ng bintana.

"Who the fuck is that guy?" Galit na galit niyang tanong. Tumingin siya sa mga mata ko. Itinigil niya ang sasakyan.

"Fuck... damn... Love I'm sorry... I'm sorry,  please don't cry...  please... o my god... fuck... damn it... it's my fault... Hush..."Nanginginig niyang sabi at niyakap ako.

"Lumayo ka sakin! Ano bang problema mo ah! Ibinigay yun sakin ni Sena ta-tapos t...tinapon mo."
Patuloy parin sa pag-agus ang mga luha ko. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagsisi sa nagawa niya.

Lumayo ako sa pagkakayakap niya.
Pero patuloy parin siyang lumalapit sakin.

"I'm sorry love please... wag kang magalit sakin....wag ka ng umiyak...oo kasalanan ko patawarin mo ako... Nadala lang ako sa galit."Aniya.

Tumingin ako sa mga mata niya. Namangha ako sa nakita. Bakit may tumotulong luha sa mga mata niya? Hindi ko naman siya inaway ha. Bakit siya umi-iyak?

"Sorry... sorry shshsh.... Hush now..."
Tumigil ako sa pagkaka-iyak  kase umi-iyak din siya.

Ano bang nangyayare sa lalaking ito?!

End of flashback

Naiinis ako kase wala na talaga si Jeffrick.

"Look love. Ibabalik ko sayo ang stuff toy mo okay? I'm sorry about yesterday I didn't mean it. I'm just freaking jealous." Si Ahser.

The Twins Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon