Maxine Jane Armstrong POV
Tatlong araw nang nakalipas.
"Anak mag-iingat kayo doon ha? Mamimiss ka namin..."
Umi-iyak na sabi ni nanay habang nakayakap kay tatay. Ako nga iiyak narin."Yes nanay bibisitahin ko naman kayo."
Naiiyak kong sabi.Nandito kami ngayon sa terminal ng bus nag iiyakan.
"Apo, ikaw din mag-iingat ka, wala pa naman ako doon."
Naluluhang ani ng lola ni Yena.Si lola Lorena at tita Tanya ang nagpalaki kay Yena simula pa noong mga bata pa kami, namatay na kase yung mga magulang ni Yena dahil daw sa car accident.
"Ako din po lola, mamimiss ko kayo ni tita. Mag iingat din po kayo ah, lalo na' at mawawala na sa tabi niyo ang iyong magandang apo."
Si Lyena.Napatawa nalang kami sa kahanginan ni Yena pero yes maganda naman talaga siya, marami nga iyang manliligaw eh.
"Nakong bata ka! Ikaw talaga! At hep-hep-hep limitan mo yang pagiging maingay mo doon Yena." Sabi naman ni tita Tanya. Habang si Yena ay napanguso na lamang.
" Tanya alam mo naman yang pamangkin mo kahit ano pang saway mo diyan, maingay padin yan."
Ani naman ni tatay."Hmmp pinagtutulongan niyo ako ah, lalo kana tito!"
Napatawa nalang ako kay Yena. Hayst, kahit kailan talaga si itay at si Yena yung laging nagyayabangan. Ewan ko ba rin kay itay kung bakit pinapatulan niya pa itong babaeng to. Close na talaga sila simula noong mga bata pa kami, ninong kase ni Yena si tatay at ninang ko naman si tita Tanya.
"Magpapa-alam napo kami nay, tay, lola Lorena at tita Tanya byabyahe na po raw yung sasakyan naming bus."
"Oh sya tama naitong iyakan natin. Ahh...Basta mag iingat kayo doon at wag munang mag b-boyfriend, lintik talaga kayo sakin!"
"Opo Tay/Opo Tito."
Sagot namin ni Yena. Grabe naman itong si tatay napaka strict.Agad na kaming pumasok sa bus at tinanaw mula rito yung mga mahal namin sa buhay na nagiiyakan paring kumakaway sa amin.
Hay...Mamimiss ko sila...
"Sissy, kaya natin ito! Lalaban tayo para sa ating pamilya!"
Si Lyena.Tama siya.
Tumingin kami sa isa't isa at sabay sabing...
"LABAN!"
"Wow! Maganda rin pala itong apartment na ibinigay sa atin ni Mayor, Sissy."
Yeah maganda nga, may dalawang kwarto at may malawak na sala. Hindi naman gaano kalaki kung baga sakto lang.
Kakarating lang namin ni Yena rito sa Manila at wala naman kaming problema sa titirhan namin dahil gaya nang sabi ko sagut na ni Mr. Rjuano ang mga kailangan namin.
Si Mr Rjuano ay step brother ni nanay, isa siyang pinaka mayamang mayor sa probensiya namin. At talagang napakabait niya, siya yung nag-aalaga sa amin paminsan-minsan noong mga bata pa kami.
"Yena halika punta tayo sa kusina baka may mga pagkain doon, gutom narin kase ako mahaba yung byahe natin kanina. "
Agad naman siyang tumango.Pumunta kami sa kusina.
Pinaghandaan talaga ni Mr. Rjuano itong apartment namin ang daming pagkain.
"Kyaah! Ang bait talaga ni daddy Renz, tignan mo Sissy ang daming pagkain sa lamesa."
Si daddy Renz ay si Mr. Rjuano kung nagtataka kayo kung bakit Mr. or Mayor lang paminsan-minsan ang tawag namin sa kaniya dahil syempre iginagalang din namin siya bilang Mayor.
"Kumain muna tayo Yenny mamaya nalang natin ayusin iyung mga gamit natin."
"Sige Sissy, let's go! Kainan time yoww! Salamat daddy Renz!"
Tumawa na lang kami. Mahal ko talaga itong kaibigan ko. Hindi ko nais o hahayaang magkahiwalay kami ng landas.
BINABASA MO ANG
The Twins Obsession
RomanceDalawang magkakaibigan na lumaki sa mahirap na buhay. Pangarap nilang makapag-aral sa nais nilang lugar. Pero pano kung nalaman niyong magkakaibigan na may mga lalaki palang nana-isin kayong makuha, lahat gagawin makuha lang kayo.