Chapter 16

1K 31 4
                                    

Maxine Jane Armstrong POV

"Sissy, pakihawak nga ng mga libro ko." Si Lyena.

Binigay niya sakin ang mga libro niya, tinanggap ko naman ito. Patungo kami sa canteen ngayon kakatapos lang yung mga ilang subject namin.

"Ito! Nakita ko na sa wakas."
Si Lyena.

"Kita mo ito Sissy?"
Sabi pa niya sa hawak hawak niyang lipstick. Oh, Yenny naman  ang bigat nitong mga libro mo tapos iyan lang pala hahanapin mo sa bag.

"Oh? Anong gagawin ko diyan? At bakit ka ma'y lipstick  sa bag mo?"
Tanong ko sa kaniya. Tinignan niya ako ng abot  ngiti.

Hindi naman siya nag li-lipstick.

"Sissy nakita ko lang din ito kanina sa table ko, kaya kinuha ko na lang."
Aba ang gaga.

"Hindi yan sayo! Dapat tinanong mo sa mga kaklase natin."
Pangaral ko na nabibigatan parin sa mga libro niya.

"Eh? Na-itago ko na. Hayaan muna itatanong ko mamaya."
Tinanguan ko na lang siya at tinignan ang hawak hawak na mga libro, tiyaka siya tinignan ulit.

"Ay oo nga pala! Balik mo na sakin yan."Aniya  ng mailagay ulit ang lipstick sa bag. Ibinalik ko naman sa kaniya ang mga libro niya.

"Ate, dalawang burger at dalawang coke po." Sabi ko sa tindera nang nandirito na kami sa Canteen.

Nang matanggap ang  pagkain namin ay humanap na agad kami ng lamesa.

"Yenny, patingin nga sa mga notes mo kanina, parang may  mali kase yung kopya ko."

Inilabas niya naman yung notebook niya at ibinigay sakin.

"Salamat."
Tumango naman siya at bumalik sa pagkain ang tingin.

"Yung mga kambal bakla!"

"Sila Ashton bessy..."

"Shitt ang gwapo talaga nila!"

"Hoy mga palaka, sabi nila may mga girlfriend  na raw iyan."

"Wala akong pake! Kung asawa nga na agaw, girlfriend pa kaya?"

"Ang gwapo talaga nila."

"Ken at Vash pansinin niyo naman kami!"

Ang ingay nang Canteen nang makapasok silang  apat.

Tinanaw ko ang mga mata ni Ashton mula sa malayo. Nakikita kong mayhinahanap siya. Nang magtagpo ang mga mata namin ay agad na akong umiwas ng tingin.

Gulat na gulat ang mga tao dito, nang papalapit ang mga apat na korekong heartthrob sa lamesa namin.

"Good morning hon."
Si Ashton na  sakin ang tingin.

"Good morning love."
Si Asher na nakatingin kay Lyena.

"Good morning mga Madam."
Kenneth said.

"Uma-apaw na naman ang inggit ko."
Si Vash.

Umupo  sila sa mga bakanting upuan na nasa tabi lang namin. Pinagtitinginan na naman kami ng mga tao dito sa canteen.
Pati sila Lendy sa kabilang lamesa ay dito rin nakatingin.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ni Yenny.

"Dito kami kakain." Asher answered.

Tumango na lang kami ni Lyena.
At nang tumonog ang bell. Ay tumayo na kaming anim para bumalik sa kaniya-kaniyang  classroom. Nagkwekwentohan naman kami kanina kasu nga lang sila Ken at Vash lang, yung dalawa masiyadong Kj.

Ashton kissed my forehead and Asher kissed Lyena's cheeks.

"Good bye, study harder hon."
Si Ashton, tinanguan ko siya.

"Bye love, be good. Okay?"
Si Asher kay Lyena.

"Pagtapos na ang klase,pupunta agad kami sa room niyo."

Bumalik ang tingin ko ka'y Ashton dahil sa sinabi niya.

"Ah... wag na, hintayin niyo na lang kami sa labas ng gate."
Sabi ko.

"Okay." Ngiting sagot niya.

"Hay sana hindi na talaga magsusungit itong mga boss natin Ken no?"
Si Vash sa katabi.

"Sana nga Vash." Si Ken.

Hindi na namin narinig ang mga daldalan nila dahil mabilis na agad kami ni Lyena pumunta sa classroom  kahit na pinagtitinginan na naman kami ng mga tao.

4:00  nang matapos ang klase namin.

Palabas palang kami ni Yenny.

Grabe ang bigat-bigat nitong mga libro namin. Binigyan nadin ako ng libro ng advisor namin, kanina kase na ubosan. Kailangan namin ito para sa report  bukas.

Habang naglalakad kami ni Yenny ay muntik na akong madapa. Mabuti nalang talaga may humawak sa braso ko.

"Okay ka lang Miss?"
Boses lalaki ang narinig ko.

Agad kong tinignan ito.
Makapal ang kilay, itim ang mga mata. Kaseng gwapo lang nila Vash.

"Okay ka lang Sissy?"
Tanong sa akin ni Yenny na nasa gilid ko lang pala.

"Ahh.. Oo may na apakan lang akong bato."
Mahinahong sabi ko at tinignan ulit yung lalaki na hawak hawak parin ang braso ko.

Nang nakita niyang nakatingin ako sa mga kamay niya na nasa braso ko ay agad niya itong inalis.

"S-sorry..."

Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya.

"Salamat."

"Okay lang ba talaga ang kaibigan mo Miss?"

Ngayun ko lang din  napansin na dalawang lalaki ang kaharap namin.

"Oo, okay lang siya..."
Si Lyena, sagot niya sa isang lalaki.

"Okay lang talaga ako at tiyaka pa-uwi na din kami." Sabi ko.

"Hmm ahh... sya nga pala. Eric..."
Pakilala nong lalaking tumulong sakin.

"Ako naman si Anri."
Yung isang lalaki.

"Lyena, Maxine."
Si Yenny, sabay turo sakin.

"Yena o Max na lang. Pasensya na talaga pero kailangan na naming umalis."
Sabi ko.

"Ahh... Hindi. Okay lang, paalis nadin sana kami kasu nakita namin kayo."

Tumango kami ni Yenny at ngumiti sa kanila. Lumaki ang mata ko nang nakita ko ang mga titig ni Ashton mula sa malayo. Teka? Kanina paba siya diyan?

Siniko ko si Yenny, at  mukang alam niya naman ang ibig kong  sabihin.

"Pasensya na talaga, kailangan na kailangan na talaga naming umalis."
Si Lyena.

"Sige... sige." sabi nila sabay tango na mediyo na hihiya pa.

Hindi na namin sila pinansin at pumunta na sa gawi nila Ashton at Asher na kanina pa masama kaming tinitignan.

"Sino yun?" Tanong ni Asher.

"Ah wala kakilala lang namin." sagot ni Yenny.

The Twins Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon