Chapter 15

1.1K 31 5
                                    

Maxine Jane Armstrong POV

Nang naka apak na kami sa mansion agad kong binitawan si Ashton.

Pumunta ako sa kusina dahil gutom na gutom na ako. Magluluto nalang ako ng pancake.

"Sissy tulongan na kita."

"Kabayong palaka! Talaga ba'ng ginugulat mo ako Lyena?"

Ngumisi siya sakin. Hindi ko alam sinundan niya pala ako.

"Sus... hali ka na, tulongan na kita at nagugutom nadin ako."

Wala na akong magawa. Kasalukuyan kaming nagluluto ng pancake, dinamihan na din namin baka kakain yung dalawa sa kanila pa naman itong kusina.

"Done!"
Si Yenny, nang matapos kami sa ginagawa. Abo't ngiti ko siyang tinignan tiyaka tinikman yung pancake.

Habang nagkakatuwaan kami ni Yenny may narandaman kaming presenya sa likod. Dahan dahan namin silang nilingon.

Binitawan ko yung pancake na hawak-hawak ko. Kakainin ko sana ito kasu nawalan ako ng gana.

"We  want to apologize about yesterday..." Usal ni Asher habang si Ashton naman na sa gilid niya. Pabalik-balik  nilang  tinitignan ang isa't isa.

Parang tuta silang nakatingin sa amin. Dahan dahan silang lumapit sa amin.

"Hindi pweding ganito..."
Si Ashton.

Lumapit ako sakaniya at niyakap siya.

"Pasensya na din sa galit namin. Alam naman naming nag-aalala lang kayo."
Sabi ko at tiyaka tinignan si Yenny na masamang naka-tingin kay Asher.

Ngumiti sa akin si Ashton.

"I'm sorry hon. Bati na tayo please..."
Mahinang sabi niya.

Tumango naman ako at ngumiti.

"Umalis muna kayong dalawa dito at maglilinis lang kami sa ginawa naming kalat." Si  Yenny. Umalis naman iyung dalawa.

"Yen, may problema ba? Bakit hindi ka nakipag bati ka'y Asher? Sa pagkaka-alam ko may mali din tayo." Sabi ko at lumapit sa lababo para mahugasan yung frying pan.

"Hindi ko alam Sissy, sariwa pa kase sakin iyung sinabi ni Marky." Sagot niya at inilagay ang natitirang pan cake sa rep.

"Alin don?"
Tanong ko.

"S-si Nanel," Nagseselos ang gaga.

"Matagal na iyon Yenny. Wala ka panon kaya wag kang mag selos diyan. Ang babaw naman ng dahilan nito." Sabi ko.

"Ewan ko na lang..."
Usal niya sa nakakainis na tono.

"Dapat makipag-bati ka parin Yen."
Tumango nalang siya.

Ilang minuto kaming natapos sa kusina.

Pagkatapos at pagkatapos naming ay dumiritso na agad kami sa aming kwarto para makatulog na.

Lyena Amanda Reneyr POV

"Nakakapagod ang araw nato."
Wala sa sariling sabi ko at binuksan na ang pinto ng kwarto ko.

Napatili ako sa gulat.

"Asher?! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"
May galit at mahina kong usal.

"Hindi ako aalis dito hangga't Hindi tayo nagbabati."

Maydiin niyang sabi. Naka upo parin sa kama ko.

"Okay? Ako nalang aalis dito, Kay Sissy nalang ako matutulog." Sabi ko.
Anong akala niya?

Lumapit ako sa kama at kinuha ang unan ko. Tinignan niya ako ng masama.

Nang makuha ko na ang unan ko agad na akong mabilis nag martsa patungo sa pinto para makalabas na sa silid.

Pero agad niya akong hinarangan.

"Not so fast, baby." May diin at malambing niyang sabi.

"Ano ba Asher ayaw ko ng gulo! Lubayan mo ako."
Naiinis kong sabi.

Dahan dahan siyang lumapit sakin, Ako naman ay napa atras.

"What's wrong Lyena? I know that your mad at me and I'm fucking sorry for that." Aniya at hinawakan ang bewang ko.

Ang bilis ng tibok  nitong dib-dib ko.

"Now tell me, may iba paba akong kasalanan?" Dagdag niyang sabi.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita

"S-sino si Nanel ha?!" Napakunot ang noo niya at tiyaka dahan dahang ngumiti.

Parang sira!

"Your jealous love." Mahinang  aniya at idinikit ang ulo sa leeg ko.

"She's one of my fans."
Sabi niya habang ina-amoy ang leeg ko.

"Anong fans? Ang sabi niya ex-fling mo daw siya. Talaga bang tumitira ka ng bata pa sayo?"
Inis at mahina kong sabi.

"Fuck... no... ngayun lang."
Aniya at ina-amoy parin ang buhok at leeg ko. Nakikiliti ako.

"Ngayun lang ako tinamaan ng mas bata pa sakin. At si Nanel  she's not my ex fling. Pinapakalat niya lang iyon." Mariin niyang sabi.

"Oh bakit ka nag reply sa mga text niya ha?! Niloloko mo ba ako Asher Von?" He groaned.

"That two fucking bastard... I'm busy with my work love,si Ashton din. Inutusan namin sina Ken at Vash na mag bantay sa inyo pero ang mga  gago nang babae lang sa lugar na iyun. Si Vash at Ken ang humawak ng cellphone namin and no,this man is so fucking in love with you Lyena. Paano kita lolokohin? Mababaliw ata ako pag wala ka sa tabi ko."

Huminahon naman ako at nakahinga nang maluwag. Ngayon ay wala akong masabi.

"Let's sleep, okay?" Nanunuyo niyang sabi. Tumango nalang ako.

"D-dito k-ka m-matutulog?"
Tanong ko. Bakit ako na-uutal.

Ngumisi siya at tinignan ako.

"Yeah..."

"Bawal iyon! Babae ako lalake ka. Bawal!"

"Wala naman akong gagawin sayo, matutulog lang naman tayo."
Hindi nalang ako nagsalita pa at pumunta na sa kama para humiga.

Nakatalikod ako sa kaniya. Kase subrang pula na ng mukha ko. Ayaw kong makita niya iyon. Ipinikit ko nalang iyong mga mata ko.

Pero nagulat ako  ng may naramdaman akong kamay na humawak sa bewang ko.

Kalaunan niyakap niya na ang aking tiyan.  At naramdaman ko na din ang tangos ng kaniyang ilong mula sa aking leeg. Ina-amoy niya ako mula run na para bang subrang bango ko.

Tama ba to? Holy shit!
Hindi ko nalang iyun binigyan ng kahulugan.

The Twins Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon