Prologue

271 5 0
                                    


|Third Person Pov.|

Mabilis na lumalalim ang gabi ngunit sa gitna ng kagubatan makikita ang dalawang taong walang tigil na naghahabulan.

"I'll really fucking kill you once I caught you!" Galit na saad ng matipunong lalaki sa taong naka suot ng black na hoodie. Hindi manlang ito natinag sa sinabi ng binata bagkus ay mas binilisan pa nito ang pagtakbo.

Makikita mo ang pagod sa kanilang mukha, tagaktak ang pawis at malalim na ang paghinga. Sa patuloy na paghahabulan may roong tatlong lalaki ang lumitaw sa kawalan, na nag dulot sa matipunong binata upang ito'y mapahinto.

"Sa wakas nagkita rin tayo, matagal ko ng gustong puruhan iyang mukha mo!" Tumatawang saad ng lalaking may mala dimonyong ngiti.

"Tch, as if you can. Just get out of my fucking way." Subukan niya mang umalis ay alam niyang hindi siya hahayaan ng tatlong lalaki, hindi niya maiwasang mapa mura sa isip.

Sa kabilang banda, makikita ang binatang nagkukubli sa itim na hoodie.

Hindi niya inalintana ang lalaking kanyang tinatakasan at nagpatuloy parin sa pag takbo hanggang sa ito'y matisod sa batong naka harang sa kanyang daraanan, akma na itong tatayo ng may magsalita sa kanyang harapan.

"You okay?"

Natigilan siya ng marinig ang pamilyar na tinig na iyon, kusang umangat ang kanyang ulo dahilan para magtagpo ang kanilang mata.

'Shit'. Sa isip isip ng binata.

"Hey, ikaw pala. What are you doing here?"

*******


P.S
   - Your votes and comment's on each chapters will be much appreciated! Enjoy reading :)

Dark Shadow Gang Where stories live. Discover now