| Louise Angelie Hernandez |
Am I allowed to beat this.. unano.
"Eh, ikaw nga nauna diyan e!" Isa pang buka ng bunganga nito sasakalin ko na 'to.
"Pwede ba, ilayo mo nga mukha mo. Naamoy ko hininga mo, hindi mabango." Inis kong usal.
She glared at me. "Wow 'a. Iyong iyo nga amoy imburnal e!"
I rolled my eyes. "Just pay for what you did, ang dami mo pang say e."
"Why would I pay you? Stupid ka ba?" Aba, sinusubukan talaga ako ng bulilit na 'to a.
"Hoy, unanong mabaho ang bunganga. Huwag mo akong ma stupid stupid, baka ibitin kita patiwarik." Mukhang napikon siya dahil binalak niyang abutin ang ulo ko para hampasin. Pero dahil pandak siya ay hinawakan ko lang ang ulo niya para pigilan. "Palaki ka muna, ang pandak mo."
"Bitaw! Ano ba?! Ibabaon kita sa lupa, lumaki lang ako tamo!"
"Sige ba, antay ka 10 years."
Namumula ang mukha niya at pilit na inaalis ang kamay ko sa ulo niya, pero hindi ko inaalis kasi mananakit lang ang pandak na'to.
Nandito kami malapit na comfort room, hindi ko naman kilala ang babaeng 'to, natapon ang iniinom kong juice kanina dahil sa pambabangga niya.
Ang nakaka gago pa gusto akong takasan matapos ng ginawa niya. Ako pa nga sinisisi, ako daw may kasalanan.
Sira ba ang ulo nito? Ako pa sinisisi. Eh, siya nga 'tong tanga tanga. Bulag na nga pandak pa. God! Nakakainit ng dugo ang bibwit na'to.
"Palitan mo yung juice ko, pumila pa ako ng sobrang haba para lang mabili yun." Bagot na sambit ko.
Nakakainis nga e, siksikan pa sa cafeteria nung pumila ako. Naka amoy pa ako ng mabaho dun pero tiniis ko nalang dahil kailangan ko ng juice.
Akalain mo yun, kahit pala sa private school may mabahong students parin. Wala talagang pinipiling lugar, kung amoy dugyut ka dugyot ka talaga.
"Ayoko nga, hindi ko naman kasalanan kung tanga ka at natapon ang juice mo." Ang kapal ng mukha hane. Ako pa sinisi, siya nga itong sobrang ligalig, masmalala pa siya sa bata, tch.
"Palitan mo nalang, ang dami mo pang satsat diyan e."
"Mahirap ka ba ha?! Ang mura lang naman ng juice ba't hindi ka bumili gamit pera mo?!"
"Tinatamad ako e, tyaka ikaw naman ang nakatapon kaya ikaw rin ang magpalit."
"Manigas ka, hindi ako bibili para lang sayo. Ang pangit mo!" Nag-init bigla ang ulo ko matapos niya ako tawaging pangit.
"Pandak!"
"Unggoy!" Napamaang ako, did she called me monkey? My goodness! Nakakairita talaga ang babaeng to.
"Bibwit!"
"A-ano? Bibwi— ang dugyot mo naman!" Sigaw niya matapos kong ipahid sa mukha niya ang laway na bigla nalang tumalsik sa kamay kong nakahawak lang sa ulo niya.