|Louise Angelie Hernandez|
"Aren't you going to help me?" Tinaasan niya ako ng kilay, sumalampak ako sa sofa at marahang ipinikit ang mata.
"Bahala kana dyan, pagod na ako." Paano ba naman kasi pina buhat niya sakin lahat ng plastic na naglalaman ng pagkain, ganun narin ang mga iba pa niyang binili.
Sabi ko na e, gagawin niya lang akong alalay, nakakainis. Ang bigat bigat kaya nung mga pinabitbit niya sakin, tapos tinatanong niya pa kung tutulungan ko siya?
'Bahala siya diyan!'.
Ang sakit ng kamay ko ganun din ng balikat ko, ang bigat bigat naman kasi nung pina bit bit niya.
Simula din nung lumabas kami sa mall hindi ko na naramdamang may nagmamasid sa amin, hindi ko siya nakita pero nararamdaman ko naman, ang galing naman niyang itago ang sarili niya.
Nagdesisyon na akong tumayo at dumiretso sa banyo, ang lagkit gusto kong maligo. Ang init rin, malamig naman rito sa condo ko pero napawisan naman ako nung namimili pa kami.
Ang nakaka bweset pa dun, yung akala mong uuwi na kayo pero hinatak ka pa sa mga store ng damit, mga dress, mga punyetang sapatos na may hills at kung ano ano pang kaartehan niya.
Nagtagal kami dun ng ilang oras, hindi manlang niya iniisip na ang bigat bigat nung mga groceries. Tapos parang enjoy na enjoy pa siya, kainis na bruha yan. Hindi ko lang ibinaroka sa kanya lahat ng yun dahil nakakahiya, ang daming tao.
Matapos maglinis ng sarili ay lumabas rin ako, balot ng roba ang katawan ay nagtungo ako sa kusina. Nakita ko siya ruong inaayos ang mga pinamili namin, ang iba ay nilalagay niya sa kabinet na naruon sa itaas lang ng kusina.
Kumuha ako ng malamig na tubig sa fridge para panawin ang uhaw ko, natuyot yata kanina. At dahil init na init ako'y hindi na ako naka inom.
"May gagawin ka ba, Louise?" Sinamaan ko ng tingin si Ate ng magtanong siya, ito rin yung tanong niya bago ako naghirap e.
"Ano na naman?" Inis kong tanong, hindi parin ako nakaka move on, nag mukha akong alalay niya kaya wag niya akong kausap-usapin diyan.
"I'm just asking, Louise." Inirapan ko siya bago ibalik ang pitchel sa ref, hinugasan ko narin yung baso tyaka ibinalik sa lagayan nun. "Samahan mo ak—"
"Ayoko, bahala ka dyan. Hindi na ako sasama sayo para lang maging alalay mo." Agad akong umalis sa kitchen para magbihis.
"Louise!" Sigaw niya, hindi ko siya pinansin at nag suot na ng damit.
White cotton shirt and short. Nandito lang naman ako sa bahay buong mag hapon kaya iyon lang ang isinuot ko, hindi ko nga alam kung ano ang gagawin.
Pero naisip ko bigla yung letter kaya kinuha ko agad yun, tinago ko ito sa drawer ko. Pumasok ako sa study room ng condo, naupo ako sa chair na ginagamit ko tuwing may binabasa ako o nag a-advanced reading.
Be careful, Louise. The demons are already making their move. Open your eyes dear, and carefully watch your surroundings. Your strength and weakness are in danger, your time is about to end. It's in your hands, don't fail this time.
From : KA.
Muli kong binasa ang sulat, kahit na ulit ulit ko pa ito ay isa lang ang pumapasok sa isip ko. Alam niyang nasa kapahamakan ang lakas at kahinaan ko.
Iisa lang naman ang lakas at kahinaan ko, iyon ay ang pamilya ko. Pero sino? Sino ang magtatakang saktan ang pamilya ko? At bakit nila gagawin iyon?
Who's KA? Wala akong kilalang ganun, bakit niya ibinigay sakin ang sulat na'to? Bakit niya alam na may nangyayaring kakaiba sa pamilya ko? Is this person is an ally or an enemy? I don't know.